Jiee's pov
Goodmorning babe!
*bogs* I said stop calling me babe.
Ouch! Fine. Bitter much ang aga aga.
-_-
Ang aga aga talaga! Nababaliw ka na best friend ko. Papacheck-up ko na talaga to eh. Malala na.
Pagkabangon ko eh agad akong dumiretso sa banyo para maghilamos.
Ang ganda ko pala? Medyo parang pumiti din ako ah. Tapos bakit parang ngayon lang ako nagandahan sa mukha ko? Bakit ngayon lang ako tumitig ng ganito katagal sa harap ng salamin? Bakit hindi ko naisip ayusin ang sarili ko na tulad nito dati? Kung nagawa ko ba ito dati eh maiinlove din kaya sa akin si Neil?
Kinurot ko ang pisngi ko, hindi naman ganon kataba. Hinaplos ko ang buhok ko, ang lambot at ang bango, mas lumapit pa ako sa salamin at mas tinitigan pa ang mukha ko. Malaki na din naman ang pinagbago ko. Well isip bata pa din naman ako pero kahit papano nagmature na ang mukha ko.
Makikilala pa kaya ako ni Neil? Maiinlove pa kaya siya sa akin? Magugustuhan na kaya ulit niya ako? Umaasa nanaman ako. -_- Bakit ko nanaman ba kailangang umasa? Bakit ko pa kailangang maisip ang mga ito eh hindi pa nga kami nagkakaayos. Madaming kailangang pag-usapan at bigyang linaw sa nakaraan na nagbibigay sa akin ng napakalaking pag-asa.
Aaaaah! Bakit ganito? Parang tinatamad ako. Gusto ko pang matulog pero hindi na ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Makalabas nga. Gusto kong makita si Mr. Sun. Kahit sa park lang. Naiinip na ako eh though ngayon na. Mamayang gabi na ang aaaahhhh! I can't wait to see them.
Allan, can I please get......
Ahy anong nangyari bakit ang dilim dito sa kwarto? Pindot sa switch, ahy? Ayaw umilaw. Black out ba? Talaga nga naman oh. Nasaan na ba yung pintuan. Ang dilim naman. Wala akong makita.
Allan, black out. May kandila ba o flashlight sa kitchen?
........
Huh?Ano ba yan? Bakit hindi ako sinasagot nun. Iniwan ba niya ako? Aga aga saan naman kaya pupunta yon? Bilin nila sa kanya wag akong iwan ah. Lagot ka ngayon. Susumbong kita. Bwahahaha!Or makakatakas ako? Yieeee! Where did that fatso go? Hmm baka nasa kitchen.
Diretso lang ako sa paglalakad ng parang may dumaang tao sa gilid ko. Nafeel ko kasing parang may humangin. Baka si Allan na yon. Hindi niya ako napansin? Kung sabagay madilim nga naman. Baka naghahanap siya ng kandila.
Allan, andito.....
Ahy wala namang tao. Bakit parang may dumaan kanina. Lakad na nga ulit. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa living room. Maglalakad pa sana ako papuntang kitchen ng biglang bumukas yung kurtina sa living room. Yung kurtina sa glass window kung saan tanaw na tanaw ang view ng buong city na to. Grabe ang liwanag. Ang sakit sa mata. Ano ba to? May depekto na ata mga gamit dito sa condo ni Allan, bigla biglang gumagana mag-isa. Kung sabagay 1 year din namang walang nakatira dito.
Pero bakit parang may nakadikit sa bintana. May nakasulat. Lumapit ako para makita pa lalo ang nakadikit doon. At nang makalapit ako....
Look back and together let's face the past. I would never leave you. I promise! <3
Ahy talagang may heart pa sa dulo. Nakakakilig naman. Ang simple nung message pero I can feel the love and care.
Huh? Teka. Ano ba ito? Bakit parang pinapatamaan naman ako? Tapos kinikilig pa. Ahy ano ba yan. Ano bang klaseng pag-iisip to.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
Novela JuvenilIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...
