Chapter 10.2: Allan Ramirez

102 4 0
                                        

Allan's pov

Hello mga Bhe! I hate this. Sa totoo lang nagsasawa na ako. Wanna know why? Kasi ang ganda ko! Ang hirap maging dyosa mga dear! Ughs! Dapat kasi ako maging pinakamaganda sa kanilang lahat. Dapat lang!

Kidding aside! My name is Allan Ramirez. And madami akong dapat na ichika sa inyo. Alam ko namang tutulungan niyo ako eh. Wala atang nakakatanggi sa kagwapuhan...Ay este kagandahan ko. Ewan ko ba sa author na ito. Kwentuhan ko raw kayo. Hmpf! Ano ako si Lola Basyang? Pero wala tayong magagawa, hawak ng author na ito ang buhay ko sa story na ito.

So here it goes.

Meron akong past life, present life at future life. Hindi niyo ba ako maintindihan? Oh di tara na sa pink kong magic carpet at magtime travel tayo. Teka! Bago tayo umalis, yung lipstick ko nakita niyo ba?

Ay! Hawak ko lang pala. Tara na nga!

Past life:

Isa akong anak ng businessman dito sa pinas at kami ang pinakamayaman at pinakamalakas na business dito sa amin. Kaya subukan niyong banggain ako, kayo ang masasaktan. At sino mang bumangga sa taong mahal ko, makikipagpatayan talaga ako.

May girlfriend ako, yeah! And I really love her so much to the point na ginagawa ko yung mga bagay na taliwas sa mga nakasanayan ko para lang maipadama ko sa kanyang mahal ko siya kahit alilain niya ako wala akong pakealam. Eh sa ganito ako magmahal, wag na kayong makialam. Kahit umiyak ako araw-araw para lang ngumiti siya, okay lang para sa akin kung iyon ang makakapagpasaya sa kanya kasi mahal ko siya at uulitin ko,wala akong pakialam sa kung anong sasabihin ng ibang tao dahil siya ang sentro ng mundo ko.

Pero lahat ng pagmamahal na iyon ay napalitan ng galit at pagrerebelde dahil yung taong minahal ko nang sobra ay hindi naman pala ako minahal kahit na katiting lamang.Sa loob ng limang taon, isa lang pala akong laruan para sa kanya. Laruang kailangan niya habang wala yung totoong prince charming niya.

Isang araw, nagmamadali akong puntahan siya. Hindi ko na tinapos yung exam ko para lang sa kanya. Dahil nagtext siya na puntahan ko raw siya sa condo niya. Mainipin siyang tao kaya agad akong nagmadaling puntahan siya.

Pagkabukas ko ng pinto ng condo niya...

"Oh there you are pet! Good dog." Sabay smirk niya sa lalaking nakakapit sa bewang niya. Ilang tao na ang nagsabi sa akin noon na hindi lang ako ang lalaki sa buhay niya pero hindi ko sila pinaniwalaan. Nagbulagbulagan at nagbingibingihan ako sa kanila dahil sa sobrang pagmamahal ko sakanya pero ngayon ako na mismo ang nakakita. Unti unting nanlalambot ang mga paa ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Pero hindi dapat ako magmukhang mahina sa harap nilang dalawa. Ako si Allan Ramirez, the ever charming Allan Ramirez.

"Huh? Love, what are you talking about and who is he?" Tinanong ko pa talaga. Malamang siya na yung sinasabi nila na isa sa mga lalaki niya maliban sa akin.

"Oh Allan, I like you to meet John...My fiancé." WTF! Fiancé? Okay lang na sabihin niyang isa sa mga lalaki niya pero fiancé? Who the fuck is she joking? Hindi pwede ito. Hindi ba niya kilala kung sino ang kinakausap niya? Si Allan na hinahabol nang madaming kababaihan pero nainlove sa kanya. Si Allan na isa sa pinakamayang binata sa balat ng lupa. Si Allan na wagas magmahal at kinayang talikuran lahat para lang sa kanya. At Si Allan na pati exam niya iiwanan niya mapuntahan lang ang taong mahal niya. Yes! Ako si Allan Ramirez!

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon