LIFE IS A ROLLER COASTER RIDE. If you'll always be afraid of the ups and downs, you'll end up crying but if you'll enjoy it, then definitely you will have the courage to ride it again and again no matter how chaotic the ride will be.
Maybe the last author's note:
Eto na ba talaga? As in? This is really is it?
Waaaahuhuhu! Bahala na T_TIt's been 1 year nang magkaaminan kami ni Allan. Sa loob ng isang taong panliligaw niya, sa loob ng isang taong kasama ko siya sa iisang bahay at sa loob ng isang taong nasa tabi ko siya, mas minamahal at minamahal ko siya. Ang drama lang ng peg noh? Sinong magaakalang magkakagusto ako sa baklang ito? Hahahaha! Gone are those days na kashare ko sya sa lipgloss ko. Kung dati lipgloss lang pinag-aawayan namin, ngayon lahat na. Syempre nakatira kami sa iisang bahay at lahat gusto niya kashare ko siya. Para daw kung sinagot ko na siya at naging kami na, matututo kaming maging magkaramay sa lahat ng bagay. Ewan, pero hanggang ngayon hindi ko pa rin magets yung ibig niyang sabihin. Tsaka ang drama niya kasi eh. Hahaha!
Yupiyupyup! Di ko pa siya sinasagot eh isang taon ng nanliligaw. Tapos kung mag-act kami eh parang kami naman na.
Reasons? I have no idea. Pero alam ko and I'm certain na mahal ko siya.
Reasons again? I really have no idea again.
And another Yup! Nasa iisang bahay na kami for almost a year at siyempre ang bahay na ito ay open for all of us na magkakaibigan. Dito ang takbuhan nila Mhikayla kung gusto nilang magparty, magreview ng sama-sama, magbonding at magkulitan. Medyo nagiging busy na sa school pero hinding-hindi namin nakakalimutan yung salitang bonding time. Isa yan sa nagpapatibay ng friendship namin.
Naging part na din ng barkada si Neil and we are all in good terms. Actually isa na siya sa gym buddies nila Ray, Marvin, Mikko at Allan. And what can I say, napatawad na din naman namin ang isa't-isa at lahat kami ay nakamove-on na sa past. Neil still is my best friend. Siya ang tinatakbuhan ko kapag napipikon ako kay Allan. Minsan kasi talagang may topak yung lalaking yon. Si Niel ang nakakaalam ng lahat ng kadramahan ko pagdating kay Allan pero minsan feeling ko nagsasabi yan kay Allan kaya nakakagawa agad si Allan ng mga plans para suyuin ako. Hahaha! Nakakatawa lang na ngayon eh ok na sila.
Babes! Nakabihis ka na ba? Tara na, malalate na tayo sa school.
Anong babes ka diyan? Pababa na dambo!
Kahit nakatira kami ni Allan sa iisang bahay, magkaiba pa rin ang kwarto naming dalawa. Siyempre, hindi ko pa nga siya boyfriend eh at kahit maging kami, dapat hiwalay pa rin ang kwarto naming dalawa. Tandaan, hindi pa po kami mag-asawa. Wag egzoited! It's a sign of respect na din naman sa isa't-isa. Lalo pa at nasa legal age na kami. Dapat alam na namin ang tama sa mali kaya nga pinayagan kami ng mga parents naming tumira sa iisang bahay kasi malaki ang tiwala nila sa amin na alam na namin kung ano ang dapat sa hindi dapat gawin. Kaya girls, kahit bf niyo na yan at mabibigyan kayo ng ganitong privilege, dapat hindi niyo pa rin makalimutan ang salitang respect and privacy. Pwede naman kayong magtabi at times pero hindi araw-araw. At dapat may kanya-kanyang room pa din kayo kasi mahirap na naghahalo ang gamit niyo. Mamaya pati underwears eh magkapalitan pa kayo. Mahirap na.
Haaay! Tagal mo talaga.
Sus! Ikaw din naman minsan ah.
Blooming ka ata ngayon fatso?
Huh? Ewan. Hindi kaya.
Blush blush blush! Bwisit talaga ito. Ang aga aga pinapakilig ako. Ahy ang lande ko teh! Hmpf! Kaasar. Hahaha!
Si Manong Bernard pa din ang personal driver namin ni Allan. Kahit na may sasakyan si Allan, si Manong Bernard pa din ang naghahatid-sundo sa amin kadalasan. Malaking tulong din kasi sa family niya ang pagiging personal driver niya sa amin. Bukod sa malaki ang sahod, scholar din ng company namin ang tatlong anak niya. Parang part na din kasi ng family namin si Manong Bernard eh.
BINABASA MO ANG
Meeting the Stranger-AGAIN?
JugendliteraturIn this journey of life, MAHIRAP MAG-ENGLISH kaya nga itatagalog ko na lang! **pasensya na** Sa ating buhay na ipinagkaloob sa atin, marapat lamang na -- ENEBEYEN! Mahirap pa rin! ** Ito na nga lang masasabi ko -- " Meeting someone, being with someo...