Chapter 37: I expected

54 3 0
                                    

Neil's pov

Papasok na ako sa next subject ko ng bigla akong tinawag ni Angel. Nagpapasama siya sa AVR daw kasi may kukunin siya doon. Medyo maaga naman kaming na-dissmiss sa unang class ko kaya sinamahan ko na siya.

Pagkarating namin doon bigla na lang niya akong pinaupo kaya medyo nagduda na ako. Medyo kinabahan na din.

Hanggang sa bigla na lang siyang nagsalita. Mga salitang ewan ba pero imbes na maging masaya eh parang naghangad pa ako ng iba.

Batang states ako dati, nasabi ko na yan sa inyo at may batang babae akong hinahanap. Marahil nakalipas na ang maraming panahon kaya marahil nagbago na ang aking nararamdaman sa batang babaeng iyon pero kahit ganoon eh hindi ko inalis sa isip ko na isang araw magkikita din kami at magiging magkaibigan. Hindi man kami nabigyan ng pagkakataong makilala ang isa't isa dati eh hinahangad kong makilala siya ngayon.

Hanggang sa andito na nga siya sa harap ko at si Angel pa ito. Hindi ko akalaing ang first kiddy love ko, first puppy love at first love ko ay iisang tao lang pala.

Wew! Ako na talaga.

Pero......

Habang inaamin ni Angel ang mga iyon eh bakit ganito? Hindi ako satisfied. Parang may kulang. Parang may iba? Parang hindi ko matanggap eh dapat tanggap ko sana. Parang hindi ako makapaniwala. Paanong nangyari ang mga ito?

Dahil ba sa umasa akong ang batang babaeng iyon ay ang best friend kong si Jiee?

Tama kayo, nag-akala akong si Jiee nga siya. Madami na akong pinaghinalaan pero hindi nila alam na pinaghinalaan ko din si Jiee.

Sa bawat kilos ni Jiee, sa bawat pagpatak ng luha niya, sa bawat ngiti niyang lagi kong nakikita eh hindi naialis sa isip ko na sana siya nga ang batang hinahanap ko. Na sana siya nga ang kiddy love ko. Yung mga kakulitan niya, yung mga kadramahan niya. Ramdam na ramdam ko talagang siya yun.

Pero dahil sa best friend ko siya eh ayokong iasa iyon lahat sa kanya. Mahirap intindihin pero ayoko lang na masira ang friendship namin ng isang relasyong walang katiyakan. Pagmamahal na walang basehan kundi alaala mula sa nakaraan dahil marahil baka iasa ko sa kanya lahat at madisappoint lang ako kung hindi ko ito nakayang panindigan.

At ngayong nasa harap ko na nga ang batang matagal ko ng hinahanap eh parang nawala na lahat ng pag-asang nabuo ko ng dahil kay Jiee.

Akala ko talaga siya na. Akala ko nahanap ko na siya. Konting konti na lang sana eh sasabihin ko na sa kanya. Pero hinding-hindi pala. Siguro nga hanggang best friends na lang kami ni Jiee. Isa siyang napakahalagang alaala na ibinigay sa akin ng tadhana ngayon sa kasalukuyan at hindi sa nakaraan.

Pero bakit hindi ko pa din matanggap na si Angel nga iyon? Bakit napupuno ako ng pagdududa?

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Lalo na ng halikan ako ni Angel.

Hindi ako tumugon sa halik niya kasi wala akong maramdaman. Walang pagbilis ng tibok ng puso ko tulad nung una ko siyang makita ulit.

Anong nangyayari sa akin? Namimiss ko lang nanaman ba talaga si Jiee?

Aaminin ko lately hindi ko na nga siya nakakasama at minsan kahit na kasama ko si Angel eh si Jiee ang nasa isip ko. Kahit na may tampo at pagdududa ako kay Jiee parang hindi ko siya matiis.

At bakit sa tuwing nakakasama ko si Angel eh parang hindi ko nakikilala ang nakilala kong kaibigan sa dami ng mga bagay na ibinibigay sa akin ni Angel para pagdudahan? Pero kung kaharap ko na si Jiee eh parang sinasabi ng puso ko na "eh ano naman kung ganon siya, kaibigan ko siya"

Yun bang gusto kong awayin at sagutin si Angel pero di ko magawa.

Nahahati ang puso ko sa pagitan ng mahal ko at ng taong minamahal ko. I mean yung taong mahal ko na talaga at yung taong patuloy at mas lalo ko pang minamahal.

Grabe!

Pumasok ako sa next subject na medyo tuliro. Natapos ang discussion na wala pa din ako sa aking sarili.

Inisip kong makipagkita kay Jiee at takasan na lang muna ulit si Angel ng biglang tumunog ang cp ko at si Lola Vien eh tumatawag.

Neil *sniff* hinahanap ka ni Jiee. Andito kami sa ospital malapit sa school niyo. Sana naman mapagbigyan mo yung apo ko. *sniff*

Lola, bakit ka umiiyak? Anong nangyari kay Jiee?

Hihintayin ka na lang namin dito.

Sige po lola. Tumahan na po kayo.

Agad akong kumuha ng excuse letter sa SAO na hindi na ako makakapasok sa mga subjects ko mamayang hapon.

Nagmadali na din akong pumuntang ospital at hindi na nakapag paalam pa kay Angel.

Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Jiee.

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon