chapter 28: Supalpal

61 3 0
                                    

Jiee's pov

Sorry naman daw po sa pagkasinungaling ko sa best friend ko noh.

Kailangan lang po talaga. So eto na nga ang kinatatakutan ko. Ang kausapin ni Neil kasi alam ko na ang sasabihin niya sa akin. Ramdam na ramdam ko na kasi.

Sa totoo lang medyo matagal kong tinakasan to pero pinilit lang din ako ni Allan para harapin na ito dahil wala daw mangyayari kung lagi ko lang itong iiwasan at darating din naman sa puntong makikita ako ni Neil kasi nasa iisang school lang kami at nasa magkalapit na village ung tinitirahan namin. Huwag ko na daw antayin na ipa-paging ni Neil ung pangalan ko sa bawat sulok ng school at kalsada namin. Nanakot ba.

Actually my point nga naman si Allan. Hindi ko pwedeng takasan na lang lagi ang mga ganitong bagay.

Aysus! MATURITY >.<""

Jiee I just want to tell you that....

That you saw Angel already and you are asking my opinion wether you would give her a second chance? Well you are my best friend Neil, even if I say no because you know how much she hates me, I can still see that you like to know all the reasons. So go ahead! :)

But how?.....

How did I know? Hahahaha! Guess we're even . We both stalk each other best! Hahahaha

Sorry nanaman daw ah sa pagkasupalpal ko. Gusto ko lang na sa bibig ko na mangggaling lahat un at baka di ko lang kayaning makita na magmakaawa si Neil sa akin dahil maipapamukha nanaman sa akin ang lubos na pagmamahalan nilang dalawa. At para mabilis na lang na matapos ang usapang ito. Alam ko na din namang ganito ang mangyayari eh. Kasi alam kong mahal pa niya si Angel. Alam ko na ding nagkita na sila. Kasi hindi naman ako bulag.

Thanks Jiee! You are really my best friend :)

Your smile is my pleasure :)

Yiy! Obsessed! Hahahaha

Feeling mo naman. Jealous stalker!

Hahahaha! Kaw ah. Obsessed stalker. Which is worst?

Hmmmm .. I think they're even. hahaha!

Syempre nagsama nanaman kaming dalawa kaya balik asaran nanaman. Ginagawa ko lang relax at masaya ang atmospehere naming dalawa para hindi niya ma-feel na napilitan lang ako sa naging desisyon ko.

Hoooo! Wish me luck na sana kayanin ko ang mga susunod na mangyayari.

Nilubos ko na ang moment kasama ang aking best friend ngayon dahil hindi ko masasabi kung hanggang kelan nanaman ang titiisin ko para lang magkasama kami ng ganito.

It's just a cycle, I guess.

Kung nagbabadya mang ulitin ni destiny ang nangyari dati, bahala siya. Un trip niya eh.

Pipilitin ko na lang enjoyin to.

Habang kumakaway siya ng pagpapaalam sa akin eh hindi na napigilan ng mga mata kong lumuha. Pumatak pa ang mga luha ko ng tuluyan na siyang naka-alis.

Natatakot ako. Natatakot nanaman akong maagaw na lang siya agad ni Angel. Anong laban ko? Tulad ng sabi nilang lahat, isang hamak na best friend lang ako.

Anong mas gusto ko? Mamuhay ng tahimik o mamuhay na nagmumukhang kontrabida sa lublayp ng best friend ko.

Kapag siya nainlove, wala na akong laban kasi hindi ko kayang diktahan si Neil kung sino at kanino siya dapat magkagusto dahil may kanya-kanya kaming puso.

Yun din ang isang dahilan kung bakit hindi ko na tinangkang labanan pa si Angel at ipaglaban si Neil kasi si puso na mismo ni Neil ang nagdecide kung sino ang mamahalin niya.

Sorry for being weak best! Sorry kasi hindi kita kayang ipaglaban. Sorry kasi lagi na lang akong nakukuntento sa mga ngiti mo kahit na nasasaksak ako ng mga ito. Sorry kung ganito ako kahina para sa iyo.

Sinong nagsabing umiyak ka dito?

Anong umiiyak? Ang saya ko nga eh.

Haaaay naku Jiee! I'm so proud of you! Pie or ramyun? What do you think?

Hmmmm... I'll go for ramyun Allan.

At syempre dumating na ang aking knight in shimmering armor. Ang galing din talagang tsumempo nito eh.

Minsan nagtataka ako kung anong meron siya at nalalaman niya bawat kilos ko. Hindi naman as in lahat pero madalas niya akong nahuhuli sa mga sitwasyong kailangan ko ng kasama.

Iniisip ko din na baka may napakain siyang micro-chip sa akin at nadedetect niya ang mga kilos ko.

Wala na kaming class ni Allan ng panghapon kasi nagtext sina Marvin na may meeting daw mga prof namin kaya pagkatapos mag ramyun ay niyaya ko si Allan na pumunta sa bahay namin para madalaw niya ulit si lola. Siguradong matutuwa si lola pag nakita niya si Allan. Mukhang textmates nga ata sila eh.

Hindi ko alam kung ano bang koneksyon niya kay lola. Ang bilis kasi nilang naging close.

Or baka naman pinapabantayan lang ako ni lola kay Allan. Di ba nga dati nung hinatid ako ni Allan sa bahay eh nakipagpalitan siya ng number kay lola.

Adik din silang dalawa eh. Ang dami nilang secrets na bawal ko daw talagang malaman.

Ok fine! Hahahahaha.

Dun masaya si lola eh. Tsaka napaka-baggets din kasi ni lola minsan. Haaay naku! Kapag siya nakilala niyo, matutuwa din kayo :)

Meeting the Stranger-AGAIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon