KABANATA 5: Scandal

329 5 0
                                    

KABANATA 5: Scandal

Hindi ba’t kasama niya lang si Marian kanina? How can he be here at this moment? No, how did he even know that I’m here?

Naglinga-linga ako ng paningin at nakita si Faye sa kaniyang likuran, nagtatago. 

Nakagat ko ang ibaba kong labi. I thought she’s already asleep! Talagang nagsumbong pa siya kay Ezekiel. But did he really leave Marian just to get here? Is he for real?!

Gulong-gulo akong nakatitig kay Ezekiel. Habang siya naman ay nag-aapoy sa galit akong tinitigan at paminsanang lumalandas ang paningin kay Brantley sa aking likuran.

“Who are you?” Pagtatanong ni Brantley na umabante para itago ako sa kaniyang likuran. 

Mariin akong napapikit. Ano ba talagang ginagawa niya rito? Walang nakakaalam na mag-asawa kaming dalawa!

“Serena!” Ma-awtoridad akong tinawag ni Ezekiel. “Come here.”

Sunod-sunod akong napalunok. Napamulagat ng mga mata sa kaba. Akma na sana akong hahakbang nang harangin ako ng likuran ni Brantley. 

“What the fuck, man? Sino sa tingin mo ang inuutusan mo?” Giit niya pa. 

“What did you say?”

Napalinga-linga ako ng paningin sa paligid at nataranta nang makitang naagaw namin ang atensyon ng mga staff. Humina rin ang tunog ng music at nangingibabaw ang mga boses nilang dalawa!

“Sino ka para magsalita ng ganiyan kay Serena? Ayus-ayusin mo ang tono ng pananalita mo. Are you even invited here? Who the hell let you in?”

“L-Ley—”

“Do you really need to know who I am? I have far more right to call my wife however I want than you do.”

Huminto ang paghinga ko sa binitawang salita ni Ezekiel. N-No! No!!

Dali-dali kong tinulak si Brantley para makadaan at lumapit kay Ezekiel. 

“Shut up!” Mahigpit kong pinisil ang kaniyang braso at magkasalubong ang kilay siyang tiningala. 

Subalit wala ring sinsama ang titig niya sa akin. Mas hinigit niya ako papalapit sa kaniya. “What the fuck are you doing with him?” madiing tanong niya sa akin, ramdam ko ang galit. 

Mas nagsalubong ang kilay ko, nilalabanan ang titig niya. “Whatever do you mean?”

He frowned even more at hinila ako. “Let’s go home.”

“I know! Stop pulling me so hard!” Sasama naman ako pero plano niya pa ata akong kaladkarin. Nakakahiya sa mga nakakakita. 

“Serena! Where are you going?!” Hinila ni Brantley ang isa kong braso mula sa likuran dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad, ganoon din si Ezekiel.

Natataranta ko siyang nilingon at pilit binawi ang braso kong hawak niya. “Ley, I’ll explain to you the next time we meet—”

“Let go of my wife!” Ezekiel’s voice echoed like a thunder that shocked everyone, even me!

Halo-halong emosyon ko siyang nilingon. “Ezekiel! Shut up!”

Subalit ang madilim niyang paningin ay nakatingin kay Brantley na para bang handa siyang saktan ito kahit anong oras. Mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa braso ko saka pwersahan akong hinila dahilan upang mabitawan naman ako ni Brantley sa kabilang braso. Nasubsob ang mukha ko sa dibidb niya na mas lalo pang nagpabugso ng damdamin ko. 

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon