KABANATA 34

164 1 0
                                    


"Simula nang dumating siya rito ang daming napapahamak! Una sila Baby at Davina kahit kasalanan naman talaga niya dahil magnanakaw siya! Tapos sunod si Manang Oprah na napalayas na. Bagong dating pa nga lang si Danilo, pero nilandi pa niya kaya napahamak. Tapos si Panying binibigyan pa niya ng sakit ng ulo! Ano na lang kaya mangyayari sa mansyon na 'to?"

"Aba'y parang anay yaang babaeng 'yan! Tingnan mo, sa susunod niyan, wala nang matitira sa 'tin!"

"Jusko! Ang hirap pa namang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon! Ano na lang ang ipapakain ko sa mga anak ko kung madawit ako sa gulo ng babaeng 'yan!"

"Mabuti pa, 'wag na kayong lumapit d'yan lung ayaw niyong mapahamak!"

Tinuloy ko lamang ang paghuhugas ng mga pinggan habang nakikinig sa mga usapan ng tatlong mga katulong na babae sa loob ng dirty kitchen.

Kakatuwa na para nila akong tinuturing na bingi para umaktong hindi ko sila naririnig, o talaga namang sinasadya nilang magparinig sa akin.

"Isipin mo 'yon? ilang taon na rito si Manang Oprah, tapos mapapalayas lang ni sir Heskel ng basta-basta. Pa'no na lang kaya tayong baguhan?"

"Na-mimiss ko na si Manang Oprah! Hindi ko rin gusto 'yung bagong chef, masyadong masungit at napaka-istrikta sa kalinisan ng pagkain to the point na maya't-maya ako naghuhugas ng kamay at nagpapalit ng gloves, jusme! Eh, mas bata pa nga 'yun kaysa sa 'kin pero kung makaasta akala mo nasa edad singkwenta na!"

"Sinabi mo pa! Siya yung pangalawang kinaiinisan ko rito, una 'yang si Serena!"

Dahil sa mga usapan nila ay na-uupdate ako sa mga bagong kaganapan dito sa loob.

Halos kahapon ko lang din nalaman na pinalayas ni Ezekiel si Manang Oprah, na siyang main cook magmula pa noong unang tumira dito sa mansyon si Ezekiel.

Ang dahilan, sinasabi nilang lahat na kasalanan ko dahil siniraan ko raw ang mga pagkain na hinahanda niya sa akin mismo kay Ezekiel.

Isa raw akong sinungaling, maninirang tao, at linta kay Ezekiel. Nagagawa kong manipulahin ang utak nito.

Dahil sa mga paratang na 'yon ay saka ko lamang naintindihan na hindi iniutos ni Ezekiel na bigyan ako ng mga tira-tirang pagkain. Kundi ay bigyan ako ng purong mga gulay at karne.

Sadya lamang, may galit sa akin si Manang Oprah, marahil ay dahil sa mga kwentongg kumakalat tungkol sa akin, kaya niya nagawa ang bagay na 'yon.

Pero kahit na gano'n hindi ko maiwasang hindi matuwa. Dahil ngayon ay nakakakain na ako ng maayos at tunay na nagkakaroon ng laman ang katawan ko.

At oo, kahit sa simple at maliit na bagay na 'yon ay nagpapasalamat ako kay Ezekiel.

Ito ang pinakaailangan ko ngayon—ang maibalik ang resistensya at lakas ng katawan ko.

"Papasukin ninyo ako sa loob! Get your hands off of me! Sino kayo para hawakan ako?!"

Nahinto ako sa paghuhugas ng plato at agad na sinarado ang gripo. Napatikom din ng bibig ang mga katulong na nag-uusap-usap sa likuran ko.

"Heskel!! Lumabas ka diyan ngayon din!! Harapin mo 'ko!!"

Sa malayo pa lang ay dinig na dinig na ang nakakabulabog na tili at sigaw ng isang babae mula sa living room ng mansyon.

"Hala! Sino 'yun!"

"Tingnan natin, dali!"

Nag-unahan ang mga babaeng iyon. Habang minadali ko naman ang paghuhugas sa kahuli-hulihang plato t'saka rin humarurot patungo sa living room upang tingnan ang nangyayari.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon