"Ezekiel? Tama lang ba ang naging desisyon ko?" nangangamba ko pang tanong sa aking asawa nang mapag-isa na kami sa kwarto matapos patulugin si Duziell.
Pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa aking baywang paharap sa katawan niya. "Yes?"
Sinandal ko naman ang aking ulo sa kaniyang matigas na dibdib. "Hindi, kasi kahit marami siyang pagkukulang at kasalanan sa akin bilang mama ko, ina ko parin siya, eh. Iniisip ko, paano kaya kung may pagkakamali rin akong nagawa kay Duziell paglaki niya tapos hindi niya ako patawarin? Hindi ba masakit 'yon?" nabahala ako. "T'saka kahit na may trust issues ako, nakikita ko naman ang sinseridad niya kanina. Nakita mo rin naman na sinubukan niya akong paglingkuran kanina, at ipinakilala niya pa ang sarili niya kay Duziell. 'di ba?"
"Yes,"
"Pero kahit na gano'n, syempre 'di ko muna talaga kaya pang ibigay ang buo kong tiwala sa kaniya. After all, she has an addiction to gambling. Sa tingin ko'y wala na talaga siyang pag-asa kung tangkain niyang manghingi sa akin ng malaking halaga ng pera."
"Yes."
Tiningala ko siya. "Wala ka na bang ibang masabi kundi 'yes'?"
He chuckled, but his eyes were serious. "Because I have judgement against your mother. Ayoko namang kontrolin ang desisyon mo sa gusto mong maging relasyon ninyong mag-ina."
"Edi, ano nga sa tingin mo? Syempre asawa kita, kaya dapat ko lang din respetuhin ang opinyon mo kahit ayaw mo kay mama."
"Hmm..." bahagyang nagsasayaw ang mga katawan namin habang nakatayo na magkayakap. "Hindi ko siya pinagkakatiwalaan, honestly. Though reasonable naman ang paliwanag niya sa'yo kanina, still, I just can't bring myself to trust anyone who has hurt you before at this moment."
"Gano'n? So, iniisip mo naman pala ang kapakanan ko?"
"Yes, of course. As your husband and Duziell's father, I have the responsibility to protect you both at all costs," he said, kissing my forehead. "Anyway, I'm glad that you decided to let her stay for only one night. I think you made a good decision. Nang matigil na rin siya sa pagwawala sa labas ng mansyon para lang makita ka."
Napangiti ako ng malaki. "Salamat, mahal ko."
"Yes, mahal ko." paggaya niya sa endearment ko sa kaniya na mas kinangiti ko pa. "I love you and Duziell so much. Kayo ang buhay ko, kaya napakahalaga niyo sa 'kin."
"Gano'n din ako, mahal na mahal ko kayong mag-ama."
Subalit sa kung anong dahilan. May bumabagabag parin sa aking puso na hindi ko maipaliwanag.
Dahil ba sa nadeveloped kong trust issues, kaya hindi ako panatag ngayon na nandito si mama?
Mariin na lamang akong napapikit. Sa kabila ng aking mga pag-aalinlangan, nagpasya parin akong magtiwala kay mama, umaasa na sana nagbago na siya.
Ma, please don't make me regret trusting you.
***
Sa kalagitnaan ng pagtulog namin ni Ezekiel ay bigla na lamang akong nagising at nakaramdam ng pagka-ihi na agad kong ginawa, bago muling bumalik sa kama saka pinilit ang sarili na makatulog ulit.
Ngunit habang nagdaan ang mga oras, mas lumalalim ang aking pagkabahala. Hindi ko maalis ang pakiramdam na may mali.
Ang kabog sa dibdib ko ay hindi parin humuhupa. Kahit na katabi ko si Ezekiel at pinagsisiksikan ang sarili kong katawan sa bisig niya ngayon ay hindi ako makaramdam ng pagkakomportable at kaligtasan.
Pabuntong-hininga akong naupo sa kama, gusto siyang gisingin sa kung anong dahilan. Pero dahil mukha na siyang payapa at mahimbing na natutulog ay hindi ko na siya inistorbo pa.
Nagpasya na lang akong lumabas sa aming kwarto para puntahan ang kwarto ni Duziell. Maingat at dahan-dahan ko pang binuksan ang pintuan para hindi siya maistorbo.
Subalit gano'n na lang ako matigilan sa kinatatayuan, kaagad nagsipagtaasan ang aking mga balahibo sa katawan sa pagbalot ng gulat at takot sa buo kong sistema.
"M-Mama? Anong.." napasinghap ako ng hangin at akma nang mapapasigaw nang bigla niyang itutok ang patalim sa leeg ng walang malay na si Duziell.
"Subukan mong sumigaw, Serena! Hindi ako mag-aalinlangan na ibaon itong kustilyo sa leeg ng anak mo!"
Naiwang nakaawang ang aking bibig, napugto ang aking hininga at matagal iyong naipon sa aking dibdib. Mabilis na pinanginigan ang katawan ko at gano'n lang ang pagdagundong sa aking puso!
Buhat-buhat niya nga iyon si Duziell. Habang ang isa niyang kamay ay may hawak na kutsilyo at nakatutok sa leeg ng anak ko!!
"M-Mama... ibaba niyo 'yan..." Puno ng pagmamakaawa kong sinalubong ang mga mata niya. Hindi makapaniwala sa ginagawa niya ngayon.
"Tsk! Kung hindi mo sana ako nahuli, hindi ko gagawin 'to!" Nakita ko ang pagtulo ng dugo sa leeg ni Duziell!!
"Mama!!" halos malaglag ang puso ko sa nasaksihan, mabilis na nakaabante para lapitan sila subalit napatigil nang akma niya akong sasaksakin ng kustilyo.
Tinangka kong takbuhin ang pagitan namin upang agawin sa kaniya si Duziell subalit muli nya roong tinutok ang kustilsyo sa leeg nito!
"Sige, subukan mo, papatayin ko 'to!" pinanlakihan niya ako ng mga mata, puno ng agresibo akong tinitigan sa mga mata.
"M-Ma!!" bumilis ng husto ang paghinga ko sa kakaibang takot na naramdaman.
"Huwag ka sabing sumigaw!" anas niya sa mababang boses. Nanlilisik ang mga mata niya, napakatalim kung tumitig sa akin. Ang kaninang senseridad na nakita ko sa kaniya ay napalitan ngayon ng pagiging agresibo at wala sa tamang pag-iisip! "Huwag kang magtangka na sumigaw at humingi ng tulong kung ayaw mong saksakin ko ng tuluyan ang batang 'to! Wala akong pakialam kung pareho kaming mamatay ngayon!"
Halos lumuwa ang mga mata ko sa panlalaki kasabay ng pamamasa ng mga iyon. Natakpan ko ng dalawang kamay ang aking bibig, pinipigilan ang sarili na isigaw ang pangalan ni Ezekiel sa kabilang kwarto at malakas na mapahikbi.
Naunahan na ako ng panghihina sa kalooban nang makita ang dugong tumutulo sa leeg ni Duziell. Nanginig ang buo kong katawan nang muli niya pang diinan ang pagkakatutok sa talim ng kutsilyo roon, subalit nanatiling walang malay ang anak ko!
Hindi ko napigilan ang mapaiyak sa matinding takot at pagkawala ng pag-asa. Nakikita ko ang kabaliwan sa mga mata ni mama na para talaga niyang magagawang saksakin ang musmos na bata sa bisig niya!
"M-Mama..." gusto kong muling lumapit subalit sa paraan ng pagtalim ng mga mata titig niya ay kusa na rin akong napatigil.
"Huwag kang gagawa ng ingay, Serena. Naintindihan mo?" pambabata niyang anas na ilang beses kong kinatango. "Ilabas mo kami rito ng bata sa mansyon nang hindi kami napapansin ng mga guwardiya, ngayon din."
"A-Anong... anong gagawin mo? S-Saan mo dadalhin ang anak ko?" nanginginig at utal-utal ko siyang tinanong.
"Huwag maraming tanong! Gawin mo na lang o tutuluyan ko na 'to ngayon! Tutal wala na rin namang silbi pa ang buhay ko pagtapos nito. Walang mawawala sa 'kin, Serena. Pero sa'yo meron."
"M-Mama..." nablangko ang isipan ko sa mga nakakatakot niyang salita at ginagawa ngayon.
"Labas!" tinukoy niya ang pintuan.
Tahimik akong humahagulgol na naunang lumabas at bumaba ng hagdanan na hindi inaalis ang paningin sa kanila sa aking likuran.
Nakita ko na mas bumabaon ang talim ng kutsilyo sa leeg ng anak ko. Gusto kong mapasigaw, humingi ng saklolo.
Ang asawa ko ay narito lang pero pakiramdam ko ay napakalayo niya. Hindi ko magawang isigaw ang pangalan niya sa takot na gawin ni mama ang banta niya! Lalo pa't nasisindak na ako sa pulang likido na iyon.
"M-Mama... pakiusap 'wag mong saktan si Duziell..." nagmamakaawa kong pakikiusap sa kaniya. "Gagawin ko naman ang sinasabi niyo, ilayo mo lang 'yang kutsilyo... nakikiusap ako, Ma!"
"Kapag nalabas mo kami rito nang hindi napagsususpetyahan ng mga guwardiya, sige!" gano'n na lang kabangis ang ekspresyon sa mukha niya.
Madilim at napakatahimik na sa loob ng mansyon marahil natutulog na ang lahat, kung kaya't walang nakakakita sa amin ngayon.
Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin! Kung bakit niya kinukuha si Duziell ngayon at gustong ilabas sa mansyon! Kung hindi ako nagising ay nadakip na niya ito!
Hindi pa nakakalipas ang isang araw na nagdesisyon akong pagkatiwalaan siya, pero ganito na agad ang nangyari! Kasalanan ko! Bakit ko siya hinayaang manatili rito!! Ang tanga-tanga ko!! Wala akong kwentang ina!!
"Bilisan mo!"
"O-Opo..."
"Siguraduhin mong walang guwardiya ang haharang sa 'tin kung ayaw mong matuluyan ang batang 'to."
Ang plano sa aking isipan na dumaan sa lungga ng mga tauhan ni Ezekiel ay mabilis na nabago. Lumiko ako ng landas kung saan madalas dumaan si Ezekiel at wala roong humaharang na mga tauhan niya.
Ezekiel, please, wake up and help us! I'm begging you...
![](https://img.wattpad.com/cover/365079590-288-k571625.jpg)
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...