KABANATA 46

13 0 0
                                    



"S-Sir Heskel?" Ang masigla sanang bungad ni Panying ay napuno ng pagkagulat.

Dahil pumasok si Ezekiel, hindi lamang dala-dala ang sarili niya kundi may karga-karga ring batang lalaki, na kasalukuyang natutulog sa kaniyang bisig.

"Kaninong anak 'yan, sir Heskel?" taka pang tanong nito, pilit sinisilip ang mukha ng bata, na siya namang hinarang niya.

"Don't make a fuss about it." seryoso niyang saad.

Dahil hating gabi na rin ay wala nang ibang katulong ang nakakalat kundi si Panying na sinabihan na niyang darating siya ngayon matapos mawala ng halos isang linggo.

Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya, at tahimik lamang na sinarado ang pintuan ng mansyon saka patayin ang mga natitirag bukas na ilaw.

Samantalang umakyat si Ezekiel sa kaniyang kwarto, sa sarili niyang kama inihiga ang bata at sandali pang pinanood ang himbing ng tulog nito.

'Boss, pasensya na, pero hindi talaga match ang resulta ng DNA ninyo ng bata. At, wala akong nakikitang pagkakahawig ninyong dalawa. P-Pasensya na.'

Paulit-ulit na umaalingawngaw sa kaniyang isipan ang mga sinabing iyon ni Ramil sa kaniya pagkalabas ng resulta ng DNA. Kahit pa nakalabas na siya ng kwarto at magtungo sa wet bar ng kaniyang mansyon ay iyon lamang ang pumapasok sa isipan niya.

Sa maliit at may pagka-madilim na silid ay pumili siya ng isang bote mula sa mga nakahilerang alak sa pader. Nang makita ang pinakamatapang at hindi niya gamay na alak ay saka siya naupo sa mataas at malambot na upuan habang paulit-ulit iyong tinutungga.

Muli niyang nilabas ang piraso ng papel na nakatago sa kaniyang coat. Kahit pa paulit-ulit niyang basahin ang nakasaad doon, ay hindi iyon nababago. Walang himala para maging match ang DNA nila ng bata.

Mapait siyang natatawa sa sarili dahil nagagawa pa talaga niyang umasa hanggang ngayon.

How can Serena be so biased? She chooses to have a child with her lover rather than her own husband.

Kung sa bagay, kaya nga ito sumama sa lalaking 'yon ay para sundin ang puso niya at bumuo ng pamilya, hindi ba?
Ilang beses pa nitong kinlaro sa kaniya na ayaw niyang magkaroon ng anak sa kaniya. He even lied to her, saying that he also refused to have a child with her as well. But the truth was, after thinking about it, he couldn't help but dream of having one.

Drowning himself in alcohol, his eyes dimmed vaguely, as if he had lost all his will to live. Nawala na rin ang pagkarangal sa pagkakaupo niya na siyang madalas pinupuri ng mga tao. His hair and clothes are all messy, just like when Serena left him.

"E-Ezekiel?"

Out of the blue, he heard the door of the wet bar room open, and the nervous voice of Serena occupied the room. Napalingon siya mula sa kaniyang kinauupan sa papunta sa direksyon ng pintuan.

He first thought it was only his illusion, but Serena stood there, not beautifully in his eyes like before, but looking all depressed. With dark circles below her eyes that are a little red.

May pagkalasing siyang natawa sa itsura ng asawa ngayon, not realizing he looked much worse. "How the hell did you know I'm here?"

"N-Nakita ko," nag-aatubiling lumapit si Serena at tumayo sa kaniyang harapan ng namumutla. "Bakit ngayon ka lang?"

He chuckled. "Why? Did you miss me?"

Kinagat nito ang ibabang labi. "A-Anong nangyari... 'yung anak ko, n-nasa'n siya?" mas lalo pa itong nangamba. "Nakita mo ba siya? W-Wala ka namang ginawa sa kaniya, 'di ba? H-Hinayaan mo lang siya, 'di ba? Na... nasa mabuting lagay lang siya, 'di ba?"

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon