"RAQUEL! Raquel, wake up! Gumising ka!"
Nalulukot ang mukha na napamulat ng mga mata si Raquel sa malakas na pagyuyugyog ng kaniyang katawan.
"What the heck is your problem, Ma?" Iritado siyang napaupo sa kama, takip-takip ng kumot ang kaniyang nakahubong dibdib, habang si Brantley ay mahimbing paring natutulog sa kaniyang tabi.
"Dalian mo at magbihis ka! Nandito ngayon sina Ezekiel at Serena!" May halong taranta, takot at pag-aalala pa nitong saad.
Tuluyang nagmulat ng husto ang kaninang aantok-antok na mga mata ni Raquel sa narinig. "ANO?! Nandito sila?!"
"Oo! Pinapasok ko sila ngayon sa living room! Hinihintay ka na nila, ikaw ang sinadya!"
Mabilis siyang pinanlamigan ng katawan. Dumagundong ang matinding kaba sa kaniyang dibdib. Kaagad na nablangko ang isipan niya ngunit mabilis ding nag-uunahan ang iba't-ibang senaryo sa kaniyang isipan.
Bakit sila nandito? Mayroon na ba sila alam tungkol sa kaniya? Anong gagawin nilang dalawa sa knaiya?
No! This can't end just like this! Matapos lahat ng mga sinakripisyo niya para lamang makaabot sa putong ito, hindi mangyayaring agad siyang mapapabagsak ni Serena!
"Ano pang ginagawa mo, anak?! Kumilos ka na, dalian mo!" Hinila siya pataas ng sariling ina.
Napapalunok siyang namutla. "A-Anong dala nila? What are they here for? May banta ba sila sa 'kin?"
"What? Stop being paranoid! They came harmless. Ang mabuti pa ay gawin mo na ang sinasabi ko! Hurry up and don't offend them, or else you'll know what will happen to us!"
Naroon parin ang nerbyos at kaba niya kahit na pagkatapos gumayak. Sa pagmamadali ay hindi na niya naayos pa ang sarili. Hindi tulad noon na sa tuwing haharap kay Ezekiel ay nakaayos ng kaniyang itsura, ni walang pagkakamali ang masisilayan.
Still, Ezekiel refused to even notice her. All her frustrations are building up inside her, boiling her blood.
Sinikap niyang hindi magpakita ng anumang nababahalang emosyon. Inayos niya ang ekspresyon sa mukha niya, na kagaya ng nakasanayan ay minamanipula niya iyon. Sa isang iglap ay sumilay ang matamis at nangungulilang ngiti sa kaniyang labi, mayroon pang kinang na makikita sa mga mata niya.
"Serena!" Ang boses niya ay walang kasing sigla, animoy nagagalak na makita ang kaibigan.
Naistorbo ang pag-uusap nina Serena at Ezekiel habang magkatabing nakaupo sa sofa, nabaling ang atensyon sa kaniya.
Mas bumilis pa ang pagtibok ng puso niya. nakatago sa pula niyang lipstick ang pamumutla ng kaniyang labi.
Tumayo si Serena, sumilay ang napakatamis na ngiti sa labi nito. "Raquel! Sa wakas!"
Hindi niya nagawa pang makahakbang nang tawirin ni Serena ang pagitan nila at salubungin siya ng isang mahigpit na yakap!
"Thank goodness! Sobrang na-miss kita, Raquel!" naroon ang pangungulila sa boses ni Serena, walang pinagkaiba sa dating siya.
Sunod-sunod siyang napalunok, ang malamig na paiws ay kumawala sa kaniyang noo at leeg. "S-Serena, na-miss din kita, sister-in-law! Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa kalagayan mo magmula nang huli tayong nagkita... P-Pero ngayon..."
Humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya si Serena na mas lumawak pa ang ngiti sa labi, dahilan upang makita ang magaganda nitong ngipin na naaayon sa ganda ng kaniyang mukha. A sudden envy filled her heart, both naturally and unconsciously.
"Hindi mo na kailangan pang mag-alala sa akin, Raquel! Dahil gaya ng nakikita mo ngayon, Ezekiel and I decided to forgive each other and forget about the past like nothing happened. Hindi na kami magiging-toxic sa isa't-isa, sa kondisyon na kalilimutan ang tunay na nangyari noon." mas lumambot ang ekspresyon sa mukha nito, puno ng sinseridad. "We both accept each other's flaws, and we're going to start all over again."
Hindi niya nakayanang itago ang pagtataka at pagkabigla sa sinabi nito.
"Anong ibig mong sabihin? Gano'n na lang 'yon? But Kuya hurt you—" bago niya pa madugtungan ang gustong sabihin ay napreno na niya ang kaniyang bibig.
Nandito si Ezekiel, hindi niya pwedeng basta-basta na lang siraan ang imahe nito kay Serena. Lalo na't magkaibang istorya ang alam nalalaman nilang dalawa.
Sa kabilang banta ay unti-unti namang humupa ang kaninang nerbyos at kaba sa dibdib niya.
Maaaring nagkaayos ang dalawa, subalit hindi pa siya nabubuking. Still, she has to make sure they don't suspect her or begin to doubt her.
"Maupo tayo." aniya.
Bumalik sa kaninang inuupuan si Serena, labis-labis ang pagkakadikit kay Ezekiel na animoy naka-magnet sa lalaki. Habang siya naman ay naupo sa kaharap nilang dalawa, na pinaggigitnaan pa ng maliit na babasaging lamesa.
May kung anong karayom ang tumusok sa puso niya nang makita ang pagpulupot ng mga braso ni Ezekiel sa baywang ni Serena.
Kaya naman, inagaw niya ang atensyon nito. "Kung gano'n! Totoo pala talaga ang napanood ko sa TV kahapon. Kuya, ah? After all of what you did to Serena and what she did to you, dito parin pala ang bagsak ninyong dalawa! Magkakaayos lang din naman pala kayo, pinahirapan niyo pa ako!" pumeke siya ng tawa a nagtunog natural, umaakto sa pangkaraniwang niyang ugali na nakasanayan nila.
"Well, I married her to be my companion for the rest of my life anyway. So obviously, I'll do everything for that to happen." blangkong emosyong tugon sa kaniya ni Ezekiel.
Palihim niyang binaon ang mahahaba niyang kuko sa kaniyang hita.
She refused to accept the fact that Ezekiel really loves this woman. She refused to accept that her man was in love with someone else! She refused to even think that her man had done everything he could to find this woman and trap her in his arms!
Raquel's psychotic mind made her vision blurred. This should be her! Ezekiel's woman should be her! There should be no other woman than her!
Habang papalalim nang papalalim ang iniisip niya ay siyang pag-apaw ng kagustuhan niyang wakasan na si Serena. Gusto na niya itong patayin at tuluyang mawala sa landas niya! She suffered enough; paniguradong handa na itong mamatay sa mga kamay niya.
"Ang totoo niyan ay nandito kami para bukod na ipaalam sa'yo na okay na kami ni Ezekiel ngayon, gusto rin naming humingi ng pasensya dahil naipit ka namin sa gulo at away naming mag-asawa." marahang pagkausap sa kaniya ni Serena. "You no longer have to deal with our problems from now on! Lalo na sa 'kin dahil ikaw lang naman ang madalas kong tinatakbuhan at naiistorbo. Simula sa araw na 'to, lahat tayo payapa na! Magsasaya tayong lahat at kalilimutan na ang nakaraan!"
How stupid!! Gusto niyang sabunutan ngayon si Serena. Magsasaya? Kalilimutan ang nakaraan? How can Ezekiel forget the fact that she cheated on him for Brantley? How can Ezekiel even accept her slutty wife?! How can Ezekiel tolerate this stupid woman?!
Lahat ng lasong salita ay naibulong na niya kay Ezekiel. Pero bakit nagpapaka-martyr ito para lang magkaayos sila muli ni Serena?
Nagpanggap si Raquel na nakahinga ng maluwag, sinabayan ang isip-batang solusyon ni Serena. "Salamat naman! Sa tagal-tagal ng panahon, mabuti naman at naisipan niyo nang magkaayos. Sana habang buhay kayong magsama ng payapa, Serena at Kuya."
Oh hell no, there will be no peace in their married lives.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...