"Be careful where you step, my wife!" Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. "Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko."
"Still!" hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. "W-We need to be extra careful, of course."
"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?" paglilinaw ko pa sa kaniya.
Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. "I should buy everything a woman needs during pregnancy!"
"Mahal," pinisil ko ang pisngi niya. "Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis."
Natigilan siya. "Then I should stop working—"
Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.
"Kailangan mo paring magtrabaho kung ayaw mong magdildil tayo ng asin."
Humaba ang nguso niya, tila'y maiiyak na hindi maintindihan na tumitig sa akin. "Wife, I'm so goddamn nervous. Anong gagawin ko during your pregnancy? This is my first time; what should I do to help you?"
Napatawa ako. "Kumalma ka muna, mahal ko. Ang gagawin mo lang ay suportahan ako, alagaan ako, at intindihin ako. Akala mo'y maliit lang 'yon na bagay, pero sobrang laking tulong no'n sa 'kin. Dahil noong pinagbubuntis ko si Duziell, 'yun lang ang paulit-ulit na hinahanap at hinihiling ko mula sa'yo kahit nasa malayo ka."
Rumehistro ang pagiging emosyonal sa mukha niya. Mabilis akong niyakap ng mahigpit. "I promise I'll do what I should have done before. I promise I'll do everything, mahal ko."
"Hmmm... salamat, mahal ko."
Limang buwan na ang nakakaraan magmula nang matapos ang gulo at ang mga taong gustong sumira sa aming pamilya.
Si mama ay sinistensyahan ng panghabang-buhay na pagkakakulong sa tulong ng mga koneksyon ni Ezekiel sa gobyerno. Samantalang napabalita na sa publiko ang pagpanaw nila Tita Elizabeth at Raquel.
Hanggang ngayon ay parang hindi ko pa napoproseso ang lahat ng mga naangyari, sa totoo lang. Dahil kailan lang ay naroon pa ako sa bansang China, nakakulong sa mapang-abusong si Brantley kasama si Duziell, hanggang sa bilhin ako ni Ezekiel sa black market para gawin niyang alipin.
Napakaraming nangyari magmula noon. Napkaraming luha ang kinailangan kong ibuhos para lamang maramdaman ang kaginhawaan at kasiyahan sa buhay ko ngayon kasama ang tunay kong pamilya.
"Miss Serena, kumusta ho!" Masiglang bumati sa akin si Danilo nang madaanan namin siya ni Ezekiel sa frontyard habang ginugupit niya ang mga halaman.
May malaking ngiti akong kumaway sa kaniya. "Mabuti naman, Dan! Buti nakabalik ka na!"
"Oho! Excited masyado, eh. Salamat sa pagpapabalik sa 'kin, Sir Heskel!"
"Not a problem. Just stay ten meters away from my wife."
Nahampas ko ang braso niya. "Baliw, para ko nang nakababatang kapatid 'yan."
"Tsk!"
Mukha parin siyang hindi maka-move on sa mga issues na pinakalat noon nila Davina sa loob ng mansyon. Pero masaya ako at nakumbinsi ko siyang ibalik dito si Danilo at ang pamilya niya.
Tapat na trabahante ang pamilya ni Danilo at maayos nilang ginagampanan ang trabaho sa loob, kung kaya't sila ang labis na naapektuhan noong nagkakagulo dahil sa pagpapalayas sa kanila ni Ezekiel.
At heto pa, ang mga pamilya ni Freya at Danilo ay malapit sa isa't-isa. Kaya nang sabihin ko ang katotohanan sa likod ng pagkatao ni Raquel ay hindi siya nag-atubiling tumulong. Isa si Faye sa mga tinuturing niyang ate, at nang malaman niya ang totoong nangyari sa pagkawala nito ay hindi niya iyon pinalampas at sumang-ayon sa plano ko.
Napakalaking tulong ng sulat na binigay ni Freya mula kay Faye sa akin. Dahil doon ay nagsimulang magbago ang lahat, nabigyan ng kaliwanagan ang malaking hindi pagkakaintindihan namin ni Ezekiel. Labis-labis ang pasasalamat ko sa kaniya.
"Mama! Papa!" nagmamadaling kumawala si Duziell sa mga bisig ni Halaenna para salubungin kami pagkapasok sa loob ng mansyon.
Nag-agawan kami ni Ezekiel sa kung kanino siya magpapakarga, at ako ang nagtagumpay!
"Mama, mama! Is it true? I'm going to be a big brother?"
Napapaawang ang bibig ko na napatawa. "Aba! Kumalat na agad ang chismis bago pa namin sabihin, ah?"
"It's true? I'm a big brother!"
May panggigigil sa pagkatuwa kong pinisil ang ilong niya. "Yes, baby, you're going to be a kuya now."
"Then where is it? Where's my kapatid!"
Natatawang lumapit si Ezekiel. "Inside mommy's flat tummy, son. You have to wait for eight months and one week before it comes out."
"Aww!" napabusangot siya agad, nawala ang pananabik. "Why do I have to wait for so looong?"
Napapailing kong ginulo-gulo ang buhok niya. "So it will come out beautifully, like a butterfly. You know metamorphosis, right?"
"Oh!" Napabilog ang labi niya at tumang-tango. "I get it!"
"Have you eaten lunch, na ba? "
"Nope! I don't wanna kain mag-isa."
Lampas na ang oras para sa tanghalian dahil natagalan kami ni Ezekiel sa hospital. Noon ngang sabihin ng doctor ang tungkol sa pagiging buntis ko ay napakaraming tanong ni Ezekiel sa kung ano na ang mangyayari sa akin.
Nakakataba ng puso na makita si Ezekiel na ganito ang reaksyon sa pagbubuntis ko ngayon sa pangalawang pagkakataon. Nararamdaman ko talaga ang pagmamahal niya para sa akin. Hindi ko rin maiwasang isipin kung magiging ganito rin kaya siya kung noon ay hindi ko tinago ang pagbubuntis ko kay Duziell?
Ganito na lang ang pananabik ko sa pagbubuntis ko ngayon. Alam kong magiging mahirap dahil napagdaanan ko na ito noon, pero alam kong sa oras na malabas ko ang pangalawa naming anak ay napakasarap na sa pakiramdam! Napakasarap maging ina. Lalo pa't nandito na ako sa piling ng asawa ko, at alam kong napakabuti niyang ama sa anak namin.
"Wife, should we go on a vacation? Like going to the beach or something?" suhestiyon ni Ezekiel sa kalagitnaan ng aming pagkain. "Kapag lumaki na ang tiyan mo, mahihirapan ka na... kaya bakit hindi muna tayo mag-enjoy habang maaga pa?"
Tumaas ang dalawa kong kilay at sunod-sunod na tumango-tango. "Oo ba! Hindi pa tayo nakakapag-bonding pamilya. Para naman makasinghap din tayo ng ibang hangin!"
Nagliwanag ang mukha niya. "Then, do you mind if I set the location?"
"Ikaw na ang bahala, mahal." nanabik ako.
Unti-unti, kahit hindi agad-agad ay nararamdaman ko na ang pagbubuo namin ng mga 'di malilimutang alaala----mga alaalang hindi nababahiran ng kalungkutan, trauma, o hinagpis, kundi ang kabaliktaran.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...