KABANATA 36

162 1 0
                                    



Kinabukasan ay maaga akong gumising upang gumayak. Hindi ko sinuot ang karaniwang maid dress ko, kundi binigyan ako ng panibagong puting dress ni Ezekiel pang-alis.

Matagal na akong nagtataka kung bakit puro puting dress lang ang binibigay niya sa akin. Simula sa pantulog, pambahay, hanggang sa pang-alis ay puro puting dress.

I think it's his fetish.

"Aba, aba, aba! Bakit nakasuot ng ganyan si Serena?"

"Anong..."

Tiningnan ko ang mga maid sa aking likuran, habang nakatayo ako sa pintuan ng mansyon. Sila itong mga nag-uusap-usap sa kusina kahapon. Halo-halo ang emosyon sa kanilang mga mata. Pagtataka, pagkahanga, at pangamba.

"Magiging... senyorita na kaya natin siya ulit?" ani ng isa.

"Huy! H-Hindi, 'no! Imposible! Hindi ako papayag!"

"Magreresign ako 'pag nangyari 'yon."

Mabilis na nagbago ang mga reaksyon niila at tinitigan ako ng masama. Inismiran ko naman sila at pinitik pa ang buhok ko sa aking harapan patungo sa likod saka sila inikutan ng mga mata.

"Aba!"

"Ang yabang talaga!"

"Nagsuot lang ng mamahalin, akala mo na kung sino!"

Hindi ko maiwasan ang pagtaas ng sulok ng labi ko. Hindi na rin yata mababago ang personalidad ko, kahit pa ilang beses tapakan ang pagkatao ko ng kung sino-sino.

Maging ako ay paminsan-minsan nagugulat sa sarili ko, kung bakit may pagkatataong nagmamataas ako at hindi pumapayag na api-apihin lang. Masyado ata akong nahubog sa mga teleserye bilang artista noon, kung saan ginagampanan ko ang pagiging kontrabida o hindi naman kaya'y palabang bida.

Natigil lamang ang mga komento sa akin ng mga maid na iyon nang makita namin si Ezekiel na bumababa sa hagdanan.
Simpleng polong itim at pantalon lamang ang suot niya. Pero napakalakas na ng dadting niya, animoy modelo o artista.

Isa sa mga dahilan kung bakit galit na galit sa akin ang mga katulong na babae, ay dahil palaging nasa akin lamang ang tuon niya, at sila'y hindi pinapansin.

Hindi naman ako manhid para hindi maramdamang malaki ang pagkahanga nila kay Ezekiel, ano? Paniguradong magpapakama sila kapag pinansin sila ng lalaking 'yon.

Ngayon pa lang ay tumutulo na mga laway nila sa pagkakanganga, habang pinagmamasdan siya. Tsk!

"It suits you." bungad niya sa akin nang tuluyan siyang makalapit sa gawi ko.

Ang mga mata niya ay nagpapabalik-balik sa suot at mukha ko.

"Salamat." kaswal kong tugon saka nag-iwas ng paningin.

"Let's go," nagpauna siyang maglakad.

Narinig ko pa ang mga pagsinghap ng hangin ng mga babae sa likuran, hindi makapaniwala. Bago ako tuluyang sumunod kay Ezekiel.

Hindi naman ako basta na lang pinayagan ni Ezekiel sumama sa kaniya, 'no? Pinaghirapan ko 'to kagabi!

"Get inside the car." nagkusa siyang buksan ang pintuan ng kotse, pinapapasok ako.

Napalunok ako saka umupo sa backseat ng kaniyang sasakyan. Him being a gentleman sometimes didn't change at all.

Simula nang tumakas ako ng gabing 'yon, talagang nabago ng kaunti ang trato niya sa akin. Hindi mainitin ang ulo niya o nagsasabi ng masasakit na salita sa akin. Tinatrato niya ako ng disente, sa paraan na hindi ko masasabing kapareha noong kinasal kami, o noong binalik niya ako rito.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon