KABANATA 8: Escaped But Caught

178 2 0
                                    

KABANATA 8: Escaped But Caught

EZEKIEL parked his car in the garage, leaving the key to Kuya Pier afterwards.

Tumingin siya sa screen ng kaniyang cell phone, at hindi na siya magtataka kung bakit wala paring reply sa kaniya ang asawa.

Actually, his wife has never replied to his messages since the day they got married. But it became a habit for him to check his phone to see if she replied, though the ending is the same.

Pinaalam niya lang na uuwi siya ngayong gabi, at pinapauwi niya rin ito.

He heard from Faye that their shooting for their teleserye finally came to an end.

He can now breathe peacefully. There would be no reason for her not to go home, at wala na rin itong magiging dahilan para makasama ang lalaking 'yon.

Nagtungo siya sa kusina upang tingnan kung nakahain na ang mga putahe pang hapunan. His wife always comes home hungry, as if she hasn't eaten for decades. Marapat lang na marami ang nakahain.

Pero dahil bago na ang dining table na ngayon ay mas maliit kumpara noon, ay iilang mga putahe na lamang ang nagkakasya. Apat na upuan na lamang din ang binili niya nang sa gayon ay wala nang magiging dahilan si Serena na umupo sa malayo.

Nang makuntento sa isiping 'yon ay umakyat na siya sa kanilang kuwarto para magbihis.

Subalit nang buksan niya ang kanilang closet, para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

"W-What the..."

Kaagad na nalukot ang mukha niya nang makitang wala roon ni isa ang mga damit ni Serena.

Binuksan niya ang mga hunos na pagmamay-ari nito ngunit walang laman ang mga 'yon!

"P-Panying? Faye!"

Tinawag niya ang mga personal na alalay ng asawa habang binubuksan ang ibang mga hunos.

Ang mga jewelry na personal niyang binigay sa asawa ay naroon pa, subalit wala ang mismong pagmamay-ari niya!

Nagsimulang manlamig ang katawan at paghinga niya. Napahawak siya sa pader nang makaramdam ng matinding pagkahilo.

"S-She can't be..."

Sanay na siyang paminsanan lamang umuwi si Serena simula nang mag-away sila sa unang pagkakataon half a year ago. Pero madalas din itong umuwi para kumuha ng iilan niyang gamit kapag nagkataon.

But she never once took all of her things! T'saka bakit naman ito maglalayas?! Didn't they already make up for what happened last time?

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat nang matitigan ang dalawang piraso ng papel na nakapatong sa ibabaw ng kanilang kama.

Ang isang papel ay naglalaman ng malaking halaga ng cheque, at ang isa naman ay ang kanilang marriage contract.

His breathing stopped when he realized what it meant.

"FAYE!!" He yelled and yelled while looking at the person responsible for reporting her everything about what's going on with her! "What the fuck is this?! Where is my wife?!"

Pinuntahan niya ang kuwarto ni Faye. Subalit gano'n na lang din ang gulat niya nang pati iyon ay walang kalaman-laman, at wala rin ang babae sa loob.

Ilang beses siyang napakurap at habol-habol ang hiningang napaatras.

"N-No... No!!"

Nanlalabo ang paningin niya na isa-isang tinawag ang mga katulong.

"YOU'RE telling me, none of y'all has seen my wife nor Faye getting in and out of the house?! Are you fucking kidding me right now?!"

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon