KABANATA 73

11 0 0
                                    



RAQUEL almost stripped herself of running as fast as she could just to reach the hospital where her mother was sent.

Nang makita niya ang abogado ni Elizabeth ay nagmamadali niya itong nilapitan nang may namumulang mga mata.

"W-Where is she?" madiin niyang kinapitan sa mga braso ang matandang lalaki.

Nanatiling seryoso ang mukha nito. "I'm sorry, Miss Raquel. But she's still undergoing an operation to save her life. I'm not going to lie about this matter; she's in a very critical condition because of the explosion. There's a high chance of... not surviving at all."

"What the hell do you mean?"

"Nasunog ng apoy ang buo niyang katawan at napakatindi ng natamo niya sa pagsabog---"

"Manahimik ka!!"

Kumibot-kibot ang ibaba niyang labi saka napaiwas ng tingin. Pinigilan niya ang mapaluha habang tinitigasan ang hikbing nagpupumilit kumawala sa kaniyang lalamunan.

"Hindi ba't trabaho mo ay isang abogado? Hindi ka doctor para magsalita ng ganiyan." sinamaan niya ito ng tingin sa kabila ng labis na pamumula ng mga mata. "Wala sa'yo ang desisyon kung makakaligtas siya o hindi!"

"Gayunpaman, nasaksihan ko ang pangyayari, Miss Raquel, at hindi lang ito ang unang beses na nakasaksi ako ng ganito. Normal para sa mga may kapangyarihang tao ang assassination attempts. Sinasabi ko lang ang kondisyon ni Mrs. De Silva, para mahanda mo na rin ang sarili mo sa kalalabasan ng pinasok niyong gulo."

Mapait siyang napasinghal ng hangin. "Trabaho mo dapat ang proteksyunan ang mama ko, hindi ba?! Anong klaseng abogado ka at pinatalo mo pa ang case niya?! Kung ikaw naman kaya itong pasabugin ko?!"

Agad na nilamon ng sama ng loob ang damdamin niya, imbes na magluksa sa nangyari kay Elizabeth.

"Ipapaalam ko lang sa inyo na kampi niyo ako sa anumang kasong kinahaharap niyong mag-ina. Kaya naman, kung may malaman akong kahina-hinalang tao sa likod ng nangyari kay Mrs. De Silva, hindi ako mag-aatubiling ipaalam sa inyo agad." wala pang emosyong saad ng abogado.

Raquel almost couldn't believe how heartless that lawyer was before he left her hanging! Para itong hindi concern sa nangyari!

Naikuyom niya ang kamao at napasabunot sa kaniyang buhok.

Kanina lang ay katawagan niya pa ang mama niya upang ipaalam sa kaniya ang nangyari, nang bigla na lamang siya nakarinig ng malakas na pagsabog mula sa cellphone at tuluyan nang naputol ang tawag.

Hindi niya maipaliwanag ang kabog ng dibdib niya habang nagmamadaling magmaneho sa lugar na 'to. At habang nasa byahe ay ipinalaam na sa kaniya ng lawyer na 'yon ang nangyari.

She didn't know what to feel. Oo, may hinanakit siya sa mama niya. Pero ang puso niya ngayon ay parang paulit-ulit na nilalamutak na siyang nagdudulot ng kakaibang sakit.

That woman, her biological mother, Elizabeth, threw her in the orphanage, no different than a dog. Hindi niya ito kayang patawarin, pero hindi niya naman muling maiisip na iiwan siyang muli nito. Dahil nangako na ang mama niya na hindi na siya muling pababayaan mag-isa!

"I-I will never forgive you if you die..." pinanghihinaang mga tuhod siyang napaupo sa kalapit na upuans a labas ng emergency room kung saan niya nababatid na nasa loob ang mama niya. "You're cruel if you leave again! Hinding-hindi kita mapapatawad!!"

Puno ng hinanakit niyang sinabunutan ang sariling buhok marahil ay walang ibang mapagbubuntungan ng galit. Kinagat niya ng sobrang diin ang ibaba niyang labi dahilan upang magdugo ang mga ito.

Saka lamang niya napansin ang mga luhang tumatagaktak mula sa dalawa niyang mata.

"I'll kill whoever is behind this bullshit! What the fuck do they want to bring us down to?" Sa haba ng listahan ng mga kinaaway niya at ng mama niya ay hindi na niya alam kung sino ang uunahing pagsusupetiyahan.

At hindi rin nawawagli sa isipan niya ang malaking posibilidad na si Ezekiel mismo ang may gawa. Alam niya ang kakayahan ni Ezekiel, mangyaring alam na nito na may kinalaman siya sa nangyari kay Serena, kahit pa gaano siya kagaling umarte at kahit gaano kalinis ang madudumi niyang gawain.

Ezekiel is a ruthless man. She still remembered how he shot her just because of Serena.

Nag-apoy ang galit sa puso niya nang maalala na naman iyon.

"R-Raquel..."

Napamulagat siya ng mga mata nang umalingawngaw sa paligid ang pamilyar na boses. Mabilis pa sa kidlat siyang napaangat ng paningin upang tingnan ang pinagmulan niyon.

Agad siyang napatayo nang mapagtanto kung sino iyon.

"K-Kuya..." ang kanina niyang galit ay agad na naglaho na parang bula. Lumambot ang ekspresyon sa kaniyang mukha kasabay ng panlalambot ng puso niya.

Hindi nakawala sa paningin niya ang namumula ring gilid ng mga mata ni Ezekiel at pamumula ng katangusan ng ilong nito, na nagbibigay lamang ng alindog sa pagkagwapo ng mukha nito.

Malalaki ang hakbang na lumapit sa kaniya si Ezekiel. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Raquel nang yakapin siya ng mahigpit ng lalaki.

Halos tumigil sa pagtibok ang puso niya sa ginawa nitong iyon. Napapigil siya ng hininga, lubos na hindi makapaniwala.

Ganoon na lang ang init na naramdaman niyang dumadaloy sa pisngi niya at ang kakaibang kiliti ng kalamnan.

Naamoy niya ang bango ni Ezekiel na buong buhay niyang inaasam-asam. Subalit bago pa man niya ito mayakap pabalik ay kaagad na itong humiwalay sa yakap. Nanatili naman ang sandaling init na kaniyang naramdaman sa katawan.

"Are you okay, Raquel?" natural at pangkaraniwan paring ang ekspresyon sa itsura nito nang matingala niya. Ngunit ang pag-aalala ay maririnig sa boses nito.

Madiin siyang napalunok at ilang beses na napakurap."O-Okay lang ako, Kuya..."

"Where's mother? What happened? I received tons of phone calls to let me know what happened, but I don't understand any of it!" nagsalubong ang mga kilay nito saka gumuhit ang pag-aalala sa mga mata. "Mother is alright, right? She's safe, right?"

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Raquel. The look of concern in her brother's eyes is so admirable that when you stare at it, your heart will automatically melt.

Ezekiel is worried about their mother's safety.

There's no reason why Ezekiel would fake something like this. Kilala niya ito. Totoong tao si Ezekiel na hindi pinepeke ang emosyon nito. He would rather hide it than fake it. He would rather turn stone cold than be annoyingly plastic.

Kaagad niyang pinilit ang mapaluha at napagtagumpayan iyon. It turned out that she's a much more capable actress than Serena.

"K-Kuya... sinabi nila na baka hindi makaligtas si mama..." ginawa niyang opurtunidad ang pag-akto ng mahina para yumakap sa baywang ni Ezekiel at isubsob ang mukha niya matigas nitong dibdib. "P-Paano na 'to? Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala sa 'kin si mama... h-hindi ko kakayanin, Kuya. Hindi ko kayang mag-isa... Una si Serena, tapos ngayon si mama! Ano bang nangyayari? S-Sino bang gumagawa ng kasamaan na 'to sa 'tin? P-Paano na lang ako? Ayokong maiwan mag-isa..."

Sandaling hindi nagsalita si Ezekiel, bago niya maramdaman ang palad nitong humahaplos sa kaniyang ulo, animoy nagpapatahan sa kaniya.

"Shh... you're not alone, Raquel. I'll be here with you." Ezekiel's deep whispers gave her goosebumps. "Mother will survive. Until then, why don't you stay with me? Para na rin sa kaligtasan mo."

Nanigas siya sa kinatatayuan. Gulat na gulat napatingalang muli rito. "T-Talaga? Will you let me stay with you? Hindi mo na ako ipagtatabuyan? Hindi na ako ban sa mansyon mo?"

A hint of a gentle smile arose on Ezekiel's lips. "Yes. Stay with me in the mansyon, so you won't feel lonely until mother is awake."

Matinding pagnanasa ang agad na kumislap sa mga mata ni Raquel. Iba't-ibang senaryo kaagad ang naglalaro sa isipan niya. All of them were full of lewd fantasies she's been dreaming of ever since she set her eyes on Ezekiel.

This is her chance to fill the gap between them. An opportunity to prove to Ezekiel that she is something that his wife will never be.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon