KABANATA 62

12 0 0
                                    


"Serena! Mabuti naman buhay at ligtas ka!" halos iyakan ako ni Haleanna sa unang beses na pagkikita namin matapos ang halos kalahating taon! "S-Salamat buhay ka!"

"Hindi, salamat at buhay ka!" naiiyak ko ring pagyakap sa kaniya ng mahigpit.

Totoong natakot ako sa isiping may ginawa nang masama sa kaniya si Ezekiel; the worst of all is if she gets killed. But thankfully, my husband didn't bring me down!

"Kumusta ka na??" Sabay naming tanong sa isa't-isa at parang mga tanga na sinusuri ang kabuuan ng isa't-isa.

Pareho kaming nakahinga ng maluwag nang makitang walang kahit anong galos o sugat ang natamo sa katawan.

Si Haleanna ang nag-aalaga kay Duziell, noong mga panahong lumalaki na nang lumakai ang mga pagtatalo at away namin ni Brantley. Sa kaniya ko madalas tinatago ang anak ko na hindi nalalman ng lalaking 'yon.

Malaki rin ang pasasalamat ko na naroon siya, dahil kung hindi ay malamang sa malamang ay ilalayo sa akin ni Brantley si Duziell at kung anong magawa niya sa inosenteng anak ko.

"Ikaw ang kumusta, Hal? Hindi ka naman ba nila sinaktan? Anong nangyari sa'yo?" puno parin ng pag-aalala kong tanong.

Sunod-sunod siyang umiling-iling. "Huwag ako ang intindihin mo dahil ayos na ayos lang ang lagay ko! Wala silang ibang ginawa sa 'kin kundi ang ikulong do'n. First time kong makapag-pahinga ng gano'n katagal na hindi pinoproblema ang pagkain! Ang hayahay ko ro'n. Eh, ikaw ba? Nasaan si Duziell? Ayos lang ba siya? Hindi naman siya sinaktan ng lalaking nang-kidnap sa kaniya, 'di ba?"

Muli na naman akong nakahinga ng maluwag sa sinabi niya at agaran ding tumango-tango. "Nasa mabuti na kaming lagay ngayon, Hal. Hindi mo na kami kailangan ding alalahanin. Mraming salamat sa halos pagbubuwis mo ng buhay para sagipin siya."

Ganoon na lang ang pagpapakawala niya ng maluwag na hininga habang napapakapit sa kaniyang dibdib.

"Salamat sa Diyos, kung gano'n!" mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at may pag-aatubili akong tiningnan. "Narinig ko mula kay Ramil na asawa mo ang nakakatakot na lalaking 'yon, totoo ba 'yon? O niloloko lang ako nung Ramil na 'yon? Ano? Maayos ba trato niya sa'yo? Hindi ka naman ba niya pinagmamalupitan?"


Sinsero akong napangiti at hinawakan dina ng kamay niya pabalik. "Sa loob tayo mag-usap. Sasabihin ko sa'yo lahat!"

I know Haleanna is someone I can trust. Pareho kaming nagdildil ng asin sa ibang bansa para lang mabuhay. Dahil isa rin siyang OFW ay gano'n na lang siya kung kawawain ng mga amo niya. Naging comfort zone namin ang isa't-isa at nasanay kami sa pagkukwentuhan ng aming karanasan kung kaya't lumalim na rin ang mga alam namin sa isa't-isa.

Hindi rin ako nag-alinlangang ipaliwanag at ikuwento sa kaniya ang mga nangyayari. Sa huli ay naliwanagan siya at halos bumuha ng luha ang mga mata niya.

"Deserve mo! Deserve mong itrato ng maayos, Serena! Sa sakit na pinagdaan mo sa Brantley na 'yon, deserve mong maging masaya!"

"Tama!" pagsasang-ayon ni Freya na siya ring nakikinig sa usapan naming dalawa. "Deserve na deserve mo po ang isang Ezekiel De Silva!"

Hindi ko maiwasang mapatawa. Tumataba ang puso ko sa mga naririnig mula sa kanila.

"Ang akala ko nga talaga ay may mangyayari ng masama sa inyong mag-ina! Grabe, halos bangungutin ako gabi-gabi dahil sa iba't-ibang mga senaryong pumapasok sa isipan ko!" pagkukuwento pa ni Hal. "Hindi ko matanggap na nakuha nila sa 'kin si Duziell! Natatakot ako sa kung ano na lang ang magawa mo sa 'kin sa oras na malaman mong hinayaan kong dukutin nila ang anak mo! Whoo! Kahit pa sinasabi ni Ramil na nasa mabuti kayong pangangalaga, hindi parin ako mapirme. Ang akala ko nga rin ay katapusan ko na dahil kinulong nila ako ro'n! Sabi ko talaga, makikipagpatayan ako makatakas lang! Huhu! Mabuti na lang wala silang ginagawang masama sa 'kin hanggang sa dinala ako rito! Grabe talaga kabog ng dibdib ko!"


Natutuwa ako sa pagkukwento niya. Halo-halo ang mga emosyong gumuguhit sa isipan niya at mararamdaman mo na iyon talaga ang mga nararamdaman niya nung mga oras na 'yon, lalo na't sinasabayan niya ng pag-aksyon ang bawat salita niya, na maging si Freya ay nadadala sa pagkukwento niya.

"Pero alam niyo? Sa tanang buhay ko, first time makapagpahinga ng katawan ko ng gano'n katagal. Pakiramdam ko nga fully charge na 'ko, sobra-sobra pa! Pati si Ramil nagtataka sa 'kin. Kasi 'yung bilangguan na pinaglagyan ko ro'n, marumi at puno ng mga alikabok, pero nagulat siya dahil pagpasok niya biglang kumintab dahil nilinis ko pati kasulok-sulukan niyon!" humalakhak siya.

Naantig ang tainga ko at agad na naka-isip ng tukso. "Simula ng dumating ka, bukang-bibig mo si Ramil, ah? 'Di ba, Freya? Napansin mo 'yon?"

Agad siyang sumang-ayon. "Opo, ate! Sino ba 'yang Ramil na 'yan?"

"Si Ramil, number one na tauhan ni Ezekiel," nangisi kong tugon. "Sabi ng asawa ko, si Ramil daw palaging nagbibigay ng pagkain kay Hal doon, eh."

"H-Hala siya! Ma-isyu ka, Serena!" nahampas niya ako sa braso. "'Wag kang ganiyan ah! Ano bang malay ko sa iba, eh 'yung lalaking 'yun lang naman talaga bumibisita sa 'kin do'n para magbigay ng pagkain. Malamang siya lang makikilala ko! Nakakainis nga 'yon, napakaloko-loko! Tinatawanan niya lang ako tuwing nagwawala ako! Bago nga pumunta rito, niloko pa niya ako na itatapon na raw ako sa bangin, kaya grabe ang kaba ko! Nung malapit na, saka niya lang sinabi na ikaw ang pupuntahan namin. Isipin mo 'yon?"

Hindi maipinta ang mukha niya. Kulang na lang ay mag-isa ang kilay niya dahil sa pagkakasalubong niyon

"Alam mo po, ate Haleanna? Sa ganiyan nagkatuluyan ang mga magulang ko."

"H-Hoy, bata! Kilabutan ka nga sa sinasabi mong 'yan!" nangilabot siya. "Kapag ikaw ang nasa sitwasyon ko, baka isumpa mo pa 'yung lalaking 'yon! Ang sadisto ni Ramil, the more na natatakot ka, the more na matutuwa siya! Kung hindi ko lang alam na may hawak siyang baril, malamang binatukan at pinagsasampal ko na 'yun!"

"Pfft!"

Kahit na gusto kong seryosohin ang nararamdaman ni Haleanna ay hindi ko parin maiwasang mapatawa dahil sa paraan ng mga pagtalak niya. Hindi nakakadagdag ang isiping kalog siya na nalagay sa seryosong sitwasyon, kung kaya't nakakatuwang pakinggan ang mga baon niyang kwento.

Halos hindi namin tatlo namalayan ang oras sa halo-halong emosyong pagkukwentuhan ng aming mga karanasan. Kung hindi pa ako bawiin ni Ezekiel at Duziell ay magdamagan kaming nasa ganoong posisyon.

I'm happy that I get to form a little circle with people who I know I should trust, leaving behind those who would only deceive me.

To Raquel and Brantley, they must prefer their bullets well. Because their lives are yet to be ruined.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon