"Don't worry, Mrs. Serena, nasa mabuting lagay ang anak niyo. Thankfully, the wound on his neck isn't deep. Kaya nga lang dahil sa laki ng pagkakatapyas sa balat niya ay mag-iiwan iyon ng peklat. I recommend an ointment to quicken the healing process. As for why he is still unconscious, it's because of the sedative he was forced to intake. But it's nothing to worry about; his breathing is perfectly fine, just like he's in a deep sleep."
Unti-unti nang kumakalma ang aking kalooban matapos iyong sabihin ng doctor na lalaki. Nakakahinga ako ng maluwag na bumaling kay Duziell na mahimbing paring natutulog, hindi alintana ang sugat niya ngayon.
Ang panlalambot ng aking katawan dulot ng nangyari ay nananatili parin habang nalulumpo ako sa kinauupuan tabi ng kama ni Duziell.
"Maraming salamat, Doc." pasasalamat ko. Hindi rin biro ang gisingin ng madaling araw para gawin ang trabaho niya. Mabuti na lamang at halos tatlo hanggang lima lang ang pagitan ng mansyon sa bahay niya.
"Walang anuman. Kung meron pa kayong katanungan, o kung may dapat pa akong gawin, agad akong tutugon."
"Thank you, Doc. Farhan." senserong sambit ni Ezekiel. He offered a room for him to stay for the night while it's still chaotic outside.
"Ate Serena, tubig oh," alok sa akin ni Freya. Malugod ko yong tinanggap na mas kinaginhawa ng dibdib ko.
"Salamat, Freya."
Dahil sa nangyari ay nabulabog na ang lahat ng tao sa mansyon. Nagising maging sina Panying at Haleanna na silang nagpapatahan sa akin kanina.
"Mabuti na lang at hindi malaki ang tinamo ni Duziell, jusmeyo!" nakakahinga ring maluwag na bulalas ni Panying pagkaalis ng doctor. "Grabe sa pagka-bruha 'yang mama mo Serena! Sarili niyang apo magagawa niyang saktan? Dapat mo nang ipa-mental 'yan! Dahil kung nasa matino siyang pag-iisip ay hindi niya maiisipang gawin iyon!"
"Tama ka diyan, Panying!" Sang-ayon pa ni Haleanna na siya ring hindi makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. "Ako nga na hindi kadugo si Duziell ay ingat na ingat ako sa pag-aalaga, tapos darating siya rito sa mansyon para lang gawin ang bagay na 'yon sa apo niya? Naku, kung nagising lang talaga nung mga oras na 'yon, magtutuos kaming dalawa!"
Gumaan ang pakiramdam ko sa naging usapan nila, subalit sa kabilang banda ay siyang labis na kinasakit ng puso ko.
Puno ng panlulumo akong napayuko sa mga maliliit na daliri ni Duziell na hawak-hawak ko. "I'm sorry... kasalanan ko talaga. Kung bakit ba hinayaan ko pang papasukin dito si mama sa loob. Sana pala nakinig ako sa pag-aalinlangan ko. H-Hindi ko lang kasi talaga lubos maisip na magagawa niya 'yon sa anak ko. Hindi sumagi sa isipan ko ang lahat ng 'to... ang akala talaga ang worst na magagawa niya ay gamitin ako para makakuha na naman ng pera... hindi ko iniisip ang kapakan ng anak ko."
Naramdaman ko ang mga paghagod ni Ezekiel sa aking likod habang siya'y nakatayo sa likuran ko. "Hindi mo kasalanan, Serena. Wala kang kasalanan. No one has predicted it, not even me. Ang importante ay ligtas kayo ng anak natin. So please, don't blame yourself anymore. You did a great job not letting her hurt our son, alright?"
Namamasa ang mga mata kong napatingala sa kaniya, Humarap ako upang yakapin ang baywang niya at isubsob roon ang mukha ko.
Napakasuwerte ko parin at hindi napuruhan ng husto si Duziell at hindi ako sinisisi ni Ezekiel sa nangyari.
"Thank you for protecting us, mahal. Napakagaling mo..." mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.
"You both are my life and responsibility."
"Mabuti naman," muling pagsasalita ni Panying. "Huwag niyo nang sisihin ang mga sarili niyo sa nangyari dahil wala naman talaga kayong kasalanan dito. Napakabuti niyo ngang magulang eh! Ang intindihin niyo ngayon ay 'yang bruha na mama ni Serena! Dapat lang 'yang makulong sa bilangguan habang buhay! Nang hindi na maisipang bumalik at manggulo!"
Napaangat muli ako ng mukha. Tama si Panying. Hindi pwedeng makapanakit pa ulit si mama!
Buo ang loob ko na tumayo para tingnan muli si Ezekiel. "Kailangan kong makausap si mama. Bago natin siya ipakulong, gusto ko munang malaman ang dahilan niya kung bakit niya ba ginagawa 'to? Hindi ba't mukhang may kinalaman din dito si Raquel? Ang babaeng 'yon! Hindi na siya tumitigil sa ginagawa nila sa 'tin. Sobra-sobra na 'to Ezekiel! Pati anak natin dinadamay niya!"
Seryoso siyang tumango, sandaling hinalikan ang aking noo. "Ako na'ng bahala kina Raquel. I don't want you to dirty your hands, okay? Sa ngayon, puntahan na muna natin ang mama mo."
Napakalma ako saka sumang-ayon.
Habang binabantayan nila Freya, Panying at Haleanna sina Duziell sa loob, at iilang mga guwardiya naman sa labas, ay nagtungo naman kami ni Ezekiel sa bakanteng garahe kung saan kasalukuyan ngayong nakakadena si mama.
"Mga hayop kayo!! Tingnan niyo kung pa'no niyo ako tinatrato!! Mga demonyo!! Isaksak niyo sa mga baga ninyo 'yang pera niyo!! Nasaan si Serena?!! Ilabas niyo ang babaeng 'yon na ubod ng yabang!!"
Kada bitaw ng salita ni mama na naririnig ko pa lang mula sa malayo ay siyang pagkirot ng puso ko. Bakit ba siya nagkaganito? Oo, adik siya sa sugal at pera, pero hindi naman ganito ang pagkakakilala ko sa kaniya.
Tuluyan kaming pumasok sa loob. Ang kaninang pagwawala niya ay natigil, subalit walang kasing-sama niya akong tinitigan sa mga mata. Nakaramdam ako ng takot---naalala na ganoon ang itsura niya kanina habang tinututukan ng kutsilyo ang anak ko.
Napanatag lamang ang loob ko nang akbayan ako ni Ezekiel at bahagyang niyakap ang katawan ko sa kaniya. His protective gesture gives me strength.
"Ang kakapal ng mga mukha ninyo!! Pakawalan niyo ko rito, ngayon din!!" Muli na namang nagsisigaw si mama at nagwawala, pilit na ginagalaw-galaw ang katawan niya sa upuan kung saan siya nakakadena.
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga, seryosong nilalabanan ang nakamamatay niyang titig. "Ma, talaga bang nababaliw ka na? Pinagkatiwalaan kita, pero wala pang isang araw, ganito na ang ginawa mo. Nilagay mo sa kapahamakan ang buhay ng anak ko! Bakit mo ba 'yon ginawa? Anong kasalanan ko sa'yo para sa anak ko ibuntong 'yang hinanakit mo sa 'kin?"
"HA! Huwag kang assumera! Wala akong pakialam sa buhay niyong mag-asawa! Ang kailangan ko lang ay anak niyo!! Mga bwisit! Kung hindi dahil sa babaeng Raquel na 'yon, hindi sana ako mababaon sa utang! Kayo-kayong mga De Silva lang din ang nagpapahirap sa akin!"
Nagsalubong ang mga kilay ko nang mabanggit na na naman niya ang pangalan ni Raquel.
"Tell me what Raquel did." seryoso ngunit malamig na boses na pagsasalita ni Ezekiel. "Anong kinalaman niya sa ginawa mo ngayon?"
"Putanagina ng babaeng 'yon! Siya lang naman ang nag-utos sa 'kin noon na kunin ang anak niyo bilang kabayaran sa lahat ng utang ko! At ano? Nung hindi ko ginawa noon, maraming tauhan niya ang nagtatangka sa buhay ko!! Putcha! Edi pumayag na 'ko! Ang gagawin ko lang naman ay kunin 'yang bata na hindi ko naman kilala, at ibenta sa black market! Pagkatapos no'n, malaaya na 'ko sa lahat! Pero kung hindi kayo nangialam, edi sana nangyari nga 'yon!! Mga hayop kayo!!"
"Talagang matitiis mo 'yong gawin, ma?" hindi makapaniwala kong usal. "Anak mo 'ko, ma! Apo mo 'yon! Talaga bang mas mahalaga pa ang pera kaysa sa amin?!"
"Hoy! Huwag mo 'kong masigaw-sigawan! Simula nang umangat ka sa buhay, nag-iba ka na! Nagkapahirap ako sa'yo, tapos ito lang ang igaganti mo sa 'kin?! Wala ka talagang kwentang anak kahit kailan!! Sana hindi na lang kita inire!! Nagmana ka sa tatay mong walang kwenta!!"
Naikuyom ko ang mga kamao ko, tinititigan at pinapakinggan siya ng may matigas na emosyon. This is not my mother anymore. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pagiging adik? 'Yung mga lumalabas sa bibig niya, para talagang hindi na siya ang kinilala kong ina.
Kahit pa palagi akong nakakatanggap ng mga pananakit at masasakit na salita mula sa kaniya, ay hindi naman ito ganito kalala noon. Madalas lamang niya ako noong minamanipula, gini-guilt trip, inaabuso at sinusumbatan na may kasama pang mga sampal o sabunot. But then again, it was never like this.
"The cops are on their way to pick you up," muling pagsasalita ni Ezekiel. "I'll make sure you rot behind bars, since I couldn't do what I mostly do to people who hurt my family. Be thankful; at least you didn't die in the end."
Pinagmumura pa siya ni mama dahil do'n. Napalunok na lamang ako ng laway at mariing napapikit sa inaasal ni mama.
Hindi niya batid na masuwerte siya at sa legal na proseso siya ng pagkakakulong nilagay ni Ezekiel.
Because even though he's being merciful and calm now, I can still sense his murderous intent lurking in his shadow.
"I suppose I should stop playing with them now." I saw his eyes turn stone-cold. I already knew he'd be talking about Raquel and Brantley.
![](https://img.wattpad.com/cover/365079590-288-k571625.jpg)
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...