KABANATA 70

10 0 0
                                    



EZEKIEL was left in a state of panic while still holding the hand of Serena as she was being delivered to the emergency room.

"S-Serena, please hold on... wake up, please!" hindi niya namamalayan ang mga maiinit na likidong nagsisipagbagsakan mula sa kaniyang mga mata pababa sa kaniyang pisngi.

Pilit niyang kinakausap ang kaniyang asawa, kahit pa wala na itong malay ngayon. Nananatiling nakapikit ang mga mata nito habang nakahiga sa gumugulong na kama. Pulang likido ang patuloy na umaagas sa kabuuan ng mukha nito, ganoon din sa katawan nito.

Habang napagmamasdan iyon ay kumakawala ang hikbi mula sa kaniyang lalamunan. Sumisikip nang sumisikip ang kaniyang dibdib at hirap na hirap na siyang makahinga. Ang kaniyang sikmura ay bumabaliktad, labis na nagpapahina sa kaniyang katawan.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo, kami na ang bahala." saad ng isang babaeng nurse na pumigil sa kaniya papasok sa loob ng isang silid.

Natutuliro siyang kusang napahinto, pinapanood ang pagpasok ni Serena sa loob ng isang silid kasama ang mga nurses, hanggang sa sumarado ang pintuan niyon.

Nawawala siya sa kaniyang sarili na napasandal sa kalapit ng pader, doon kumuha ng lakas upang hindi tuluyang bumagsak sa malamig na semento.

This is the first time that he felt his whole body trembling in fear and great anxiety. Almost all the symptoms of panic attacks and despair swallowed him whole.

How could he be so negligent? How could he just let things happen all of a sudden? How could he not have predicted all of this?!

Napakabilis ng pangyayari. Kasalanan niya, 'pagkat nagpakampante siya laban sa kalaban!! Serena's life is in danger; he should've known it and protected her!!

Makailang ulit niyang pinagsasapok ang sarili niyang ulo, subalit galit na galit sa kaniyang sarili nang hindi man lang makaramdam ng sakit na dapat ay nararapat sa kaniya ngayon. Ang sakit na lumulukob ay siyang nanggagaling sa kaniyang dibdib.

Paulit-ulit na naglalaro sa kaniyang alaala nang masaksihan ang pagbangga ng isang sasakyan sa kanilang sasakyan, kung nasaan naroon sa loob si Serena. Bago pa siya noon makakilos ay nangyari na ang inaadyang mangyari.

Halos humiwalay ang kaluluwa niya, tinakasan ng lakas, at kahit anong pilit niyang maging kalmado ay tila'y gumuho ang mundo niya nang makitang duguan si Serena sa loob. Ang mga bubog ay nagkalat sa kaniyang balat at bibihira niya na lamang maramdaman ang paghinga nito!

He doesn't even know how he managed to bring her to the hospital. Nawala na siya sa tamang pag-iisip pagkatapos niyon, na para bang ang katawan na lamang niya ang kumikilos at nagdidirekta sa kaniya ng susunod na gagawin.

"I-I'm sorry, my wife... I'm sorry, please forgive me.. I'm sorry," sa labis na panghihina ng katawan ay napaupo na siyang tuluyan sa sahig, nagmamakaawa sinusubsob ang mukha sa dalawa niyang palad, doon humahagulgol ng iyak.

Hindi na niya alam kung anong mangyayari sa buhay niya sa oras na mawala ulit sa buhay niya si Serena. Ngayon-ngayon pa lang ay iba't-ibang senaryo na ng pagpapakamatay ang naglalaro sa isipan niya, dahil alam niya sa sariling hindi na niya kakayaning mabuhay.

He knows he should ask for mercy from the heavens above to save his wife and let her live another two decades with him. He should only be thinking that Serena is going to be fine. But still, the pain made him think otherwise and is making him suffer inside even more.

"B-Boss..." Nang dumating si Ramil ay naabutan nitong nasa ganoong sitwasyon si Ezekiel. Subalit wala siya ngayong lakas upang pansinin ang lalaki.

Hindi na niya alintana ang pagtakbo ng mga oras sa sandaling iyon. Gusto niyang magalit sa sarili dahil para na bang nawalan na siya ng rason para tumayo ngayon. Hanggat hindi niya nalalamang ligtas ang asawa ay wala siyang kayang gawin.

Sa isiping iyon ay mas nakakaramdam siya ng matinding pagkamuhi sa sarili. Sa likod ng katapangan at pagiging makapangyarihan niyang tao na ipinapakita sa lahat ay siyang tunay na kabaliktaran ng kaniyang pagkatao.

"F-Forgive me... please, this is all my fault. I'm sorry, please be safe, w-wife..." walang tigil, walang pagod niya iyong binubulong sa sarili.

"Boss, hindi niyo kasalanan ang nangyari. Ang mga taong may pakana nito ay umaaligid na sa 'tin ngayon!" Bahagyang lumuhod sa harapan niya si Ramil, naglalakas-loob na siya'y kausapin upang ibalik siya sa sarili. "Ang kailangan niyo ay magpakatatag ngayon, kahit ano pang mangyari. Kailangan nating sumunod sa plano!"

Humihikbi siyang umiling-iling. "I don't fucking care what the plan is... I'm going to kill them. I'm going to kill them all!" Pinunasan niya ang sariling mga luha. "W-Where's my son? Is he alright? Wala namang nangyaring masama sa kaniya, 'di ba?"

"Nasa masyon lang siya, kaya ligtas siya ro'n sa loob. Huwag kang mag-alala boss, dahil maingat siyang inaalagaan ni Haleanna."

Kahit papaano ay nahibsan ang pangamba sa dibdib niya para sa kanilang anak. Kung ito rin ay madadamay sa gulo ay hinding-hindi na niya kayang patawarin ang sarili niya.

"Make sure no news of Serena's accident spreads all over the media." pag-uutos niya.

Iyon ang importanteng bagay na gawin ngayon. Ayaw niyang maisa-publiko ang nangyari kay Serena, lalo na't mapag-uusapan na naman ito ng mga tao. Kapag nangyari iyon ay kinakailangan nilang sumalang sa masusing imbestigasyon, at ayaw na ayaw niyang makipag-koopera sa mga pulis o sinumang alagad ng gobyerno dahil masyadong nangingialam ang mga iyon. Kung may malalaman silang panibagong ilegal na ginagawa niya ay huhuthutan na naman siya ng pera upang kuno'y hindi siya gambalain. They only wanted money, which he could give them, but they're too abusive and bothersome for him. They might even use Serena's accident to gain popularity, win people's attention, and get a huge amount of money from him and all the people involved, including Raquel, who would surely pay millions to keep their mouth shut.

"Noted, boss. Sisiguraduhin kong walang makakalabas na salita tungkol dito." Tumayo kaagad si Ramil upang may tawagan, hindi parin siya iniwang mag-isa.

***

Walang kain-kain, walang alis-alis sa kaninang puwesto si Ezekiel sa labas ng operating room, hinihintay na makakita ng doctor na lalabas mula sa loob.

Nagsimula ang operasyon na mayroon pang araw, ngunit natapos lamang iyon ng halos padilim na. Sa tabi niya ay si Ramil na patuloy na nagpapalakas ng loob niya ngayon, paulit-ulit din siyang sinasabihan na magiging maayos lang ang lagay ni Serena.

Dali-daling tumayo si Ezekiel nang lumapit sa kanila ang isang lalaking doktor, sa likod nito ay iilang mga nurses.

"H-How's my wife? She's alright now, isn't she?" desperado at umaasa niyang tanong, inuusisa ang reaksyon sa mukha ng doktor.

Ganoon na lang ang kaba at takot na bumabalot sa sistema niya, na maski bawat pagtibok ng puso niya ay dinig na dinig ng dalawa niyang tainga.

"The patient's condition is stabilized now, and that's the most important thing right now." nahabag ang mukha nito. "Unfortunately... kinakailangan pang mag-undergo ng pasyente ng monitoring and evaluation to determine the extent of brain injury, the presence of coma... and even the risk of brain death."
Tila'y nabingi ang tainga niya sa huling salitang narinig. Mabilis na nanlabo ang mga paninigin niya, subalit desperado paring kinausap ang doctor.

"W-What do you mean by brain death? I-Isn't that just the same as declaring her dead?" nanginginig ng husto ang mga kamay at labi niya na para bang paulit-ulit na binubuhusan ng nagyeyelong tubig.

"Ang impact na tinamo ng pasyente ay direktang tumama sa kaniyang ulo, kung sa'n pinakadelakadong parte na sa katawan ng tao. I'm sorry to say this, but when a person experiences a traumatic brain injury in a car accident, the impact can cause significant damage to the brain tissue and disrupt its normal functioning. Sa ngayon ang pasyente ay makakaranas ng comatose state. Subalit hanggat hindi pa siya na-eexamine ng husto; hindi pa namin matitiyak ang pinal na kondisyon niya. Tanging na-obserbahan sa ngayon, base sa tinamo niya ang risk ng brain death."

The doctor's explanation made him want to faint on the spot. Halos hindi niya kayanin ang pagbagsak ng dibdib niya at paghinto ng kaniyang paghinga sa mga naririnig. Makailang ulit siyang naghabol ng hangin, kung kaya't agad siyang sinaklolohan ng mga nurses.

"S-Serena..."

"D-Doc! A-Ano po bang ibig sabihin niyo ro'n! Pero 'di ba may posibilidad namang maging ayos ang kondisyon ni ma'am Serena? Magagawan ng paraan ang kondisyon niya, hindi ba?" ganoon na lang ang taranta ni Ramil, umaasang nakatitig sa doctor.

"If someone is at risk of brain death, it means that they have sustained a severe brain injury or pose a significant threat to their brain function. I'm sorry, pero mababa ang posibilidad, na kung makaligtas man ang pasyente sa brain dead ay walang magiging problema sa utak nito. In some rare instances, individuals who are at risk of brain death may receive prompt and effective medical intervention to prevent further damage to the brain. This could involve emergency medical procedures, surgeries, or specialized treatments. And yes, kapag naging successful ang mga 'yon, may posibilidad na makaligtas ang pasyente nang hindi naaapektuhan ang brain functions niya. Pero kailangan niyo pong maintindihan, na ang lahat ay nakadepende sa kung gaano kalala ang tinamo ng pasyente. Hanggat hindi pa siya sumasalang sa masusing examination; hindi pa talaga namin masasabi sa ngayon. Pasensya na po."

"N-No..." bumaon ang mga kuko ni Ezekiel sa kaniyang dibdib sa labis na paninikip nito.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon