KABANATA 50

11 0 0
                                    


"Kung may gusto kayong sabihin, puwes 'wag sa harapan ng anak ko."

"HA!" umasik siya. "Eh nakatalikod naman 'yang anak mo, oh? Pwede na ba? Bakit? Hindi ba mas maganda na sa murang edad, eh malaman na niya na anak siya sa labas!? Para wala ka na ring sekreto ang dapat pa niyang ibunyag!"

Nanggalaiti ako ngunit pinanatili ang kalmado sa aking boses. "Pwede mo bang itikom 'yang malaswa mong bunganga, Davina? Hindi mo ba kayang magsalita nang hindi sumisigaw?"

It's good that my son doesn't understand fluent Filipino yet. Kung hindi ay maiintindihan niya ang mga ibig iparating ni Davina. Ang nagpapanginig lang sa katawan niya ngayon ay ang pagalit na sigaw ng babaeng 'to.

"Ikaw ang depenisyon ng malaswa, Serena!" bulalas pa niya. "Hindi ka ba nahihiya d'yan sa kawalang-hiyaan mo? Wala na talaga yatang paglalagyan 'yang kakapalan mo ng mukha! Nangaliwa ka na nga, dinala mo pa 'yang bunga ng pangangaliwala mo!"


"Wala kang karapatang bumoses dito, Davina. Dahil unang-una, si Ezekiel ang nagdala sa batang 'to rito." walang kasing talim ko siyang tinitigan sa kabila ng pagiging mababa ng boses ko.

"ABA! Malamang! Halatang-halata naman kung pa'no mo binibilog-bilog ang ulo ni sir Heskel! 'Di ko mawari kung ano ba talagang klase ng gayuma 'yang pinainom mo sa kaniya para magawa ka pang dalhin pabalik dito! Mas lalo pa, dalhin 'yang piste na 'yan dito!"

"'Wag mong pinepeste-peste ang anak ko!" hindi ko napigilan ang sarili ko sa binitawan niyang salita. "Sabihin mo na lahat ng nakakainsultong salita meron diyan sa bokabularyo mo sa 'kin! 'Wag na 'wag mo lang idamay ang batang 'to kung ayaw mong makipagpatayan ako sa'yo!"

"Mama!" halos sabunutan ni Duziell ang buhok ko sa likuran sa higpit ng pagyayakap sa akin, pilit tinatago ang sarili sa bisig ko.

"I'm sorry, baby. It's okay..." agad kong pagsuyo at paghagod sa likod niya.

"Ang kapal talaga ng mukha!" natatawa sa gigil na bigkas ni Baby. "Siya pa talaga itong may ganang magsabi na makipagpatayan sa'yo! Limot na limot na yata ang lugar at posisyon niya sa mansyong 'to?!"

"Ano pa bang aasahan natin sa babaeng 'yan? Nung nagpaulan yata ng attitude, sinalo niyang lahat, eh!" nakapamaywang pang parinig ni Eza.

"Malandi na may anak sa labas, ta's may gana pang magmataas!"

"Hindi ba niya alam kung ga'no siya kababa sa paningin nating lahat?"

"I bet alam niya! Kaya nga nakakabilib ang kakapalan ng mukha niya, eh!"

"Paniguradong si sir Heskel na naman ang madedehado sa mga panlilinlang mo, Serena!" napipikang bulyaw muli ni Davina. "Hindi ka ba naaawa sa tao? Kalat na kalat ngayon sa buong PIlipinas ang pag-iisang dibdib ninyo ng Brantley na 'yon! Ba't hindi ka na lang sumama sa lalaking 'yon ulit tutal inanunsyo na niya na magkakasama kayo ulit, 'di ba?"

"Sa true! Kung bakit ba naman kasi pati 'yang anak mo sa labas, eh napunta pa rito? Kung bakit mo ba naman kasi 'di ka makuntento na lang sa iisang lalaki?" animoy naguguluhang tanong ni Eza sa akin. "Pero alam mo? Mas prefer naming lahat kung mawala na kayong dalawa ng nilalang na 'yan dito sa mansyon! Jusko! Sumama ka na lang du'n kay Brantley at 'wag nang babalik pa rito!"

"Kung si Ezekiel pa magsasabi niyang mga sinasabi niyo ngayon, oo sige! Aalis ako sa pamamahay niyang 'to. Pero hindi eh! Gusto ako ng boss niyo na bumalik rito! Ginusto niyang tanggapin ako at ang anak ko rito! Sa kaniyang desisyon kung bakit nananatili parin ako rito! At alam niyo? Sa totoo lang, bakit hindi niyo subukang maging mabait na sa 'kin ngayon? Baka dahil rin sa desisyon ni Ezekiel, mapalayas kayong lahat dito!"

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon