"Kuya!" Magandang ngiti ni Raquel ang bumungad kay Ezekiel pagkapasok niya pa lang ng mansyon.
"What—" Napahinto siya sa paglalakad nang salubungin siya nito ng yakap na akala mo'y mayroong namamagitan sa kanila. Pumulupot agad ang mga braso nito sa kaniya na parang ahas.
"Where have you been these days? Umasa ako na sasamahan mo 'ko pero lagi ka naman palang umaalis!" umakto itong nagtatampo.
Oh, please.
Hinawi niya ang braso nito at pinalaya ang sarili. Mabilis siyang naglakad papasok sa loob dahilan upang magkandarapa itong humabol sa kaniya.
"Are you mad at me? Bakit 'di ka na namamansin?"
"I'm not. I'm just tired of work." pagbalelwala niya rito.
"Then, you need rest na! But the thing is..."
Napahinto siya sa paglalakad at ganoon din si Raquel. Nakita niya ang isang pamilyar na imahe na matagal na panahon niya ring hindi nakita at hindi hinahayaang makapasok dito sa loob ng teritoryo niya.
"Sir De Silva!" may paggalang itong tumawag sa pangalan niya subalit agad-agad ding hinarang ang daraanan niya.
Nagsalubong ang mga kilay niya at may masamang loob na binabaan ng paningin ang matandang babae na iyon.
"Who let her in?" tinanong niya si Raquel.
"I'm sorry, Kuya! Pero kanina pa kasi siya nagmamakaawa na gustong pumasok dito sa loob. Hinahanap niya si Serena. I mean, ilang years din niyang hindi nakita ang anak niya... kaya naawa ako at pinapasok ko na."
Tiim-bagang niyang pinasadahan ng tingin ang matandang babae, na noo'y desente ang pananamit at nababalutan ng mga alahas ang katawan, ngayon ay balik sa natural nitong anyo.
Ang matandang babae ay walang iba kundi ang mama ni Serena. Huli nilang pagkikita ni Ezekiel ay hindi naging maganda ang pakikitungo nila sa isa't-isa. Marahil ay noong desperado niyang hinahanap si Serena ay ito namang pagkakalulong nito sa sugalan, at may lakas ng loob pang manghingi sa kaniya ng pera.
Sa totoo lang ay magmula noong ma-ere si Serena at Ezekiel sa TV ay nagsimula nang pumeste muli ang babaeng ito, na hindi naman niya sinasabi kay Serena. Kahit anong pagtatabuyan ang gawin niya ay patuloy parin itong nagpupumilit na makita at makausap si Serena.
Malakas ang kutob niya na wala itong magandang idudulot kay Serena. Huhuthuot na naman ito panigurado ng pera para may maipambayad sa sugal.
"Get her out of my house." malamig niya pang utos kay Raquel.
"Oh, but kuya, sa tingin ko may karapatan parin siyang makita si Serena. Maging ako gusto kong malaman kung nasa'n ba talaga si Serena, kasi nag-aalala parin ako sa kaniya." ngumisi ito na muling pinulupot ang mga kamay sa kaniyang baraso. "Isa pa... It's only necessary to check on my rival, isn't it?"
Nabura ng tuluyan ang ekspresyon sa mukha ni Ezekiel. Raquel is getting direct and blatant with him, exposing what she should keep in mind. She's getting stupid, and she has even shown a glimpse of paranoia.
Hindi niya na lang ito tinugunan, sa halip ay muling binalingan ang mama ni Serena.
"What do you want except for money? Dahil sinasabi ko na sa'yo, wala kang makukuha sa 'kin o kay Serena." Seryosong aniya. Ang matandang babaeng 'to ay kailangang magtanda!
"Hindi naman sa gano'n, Sir De Silva." humabag pa lalo ang mukha nito, nagsusumamo siyang tinitingala. "Nakikiusap ako, oh? Payagan mo na 'kong makita ang anak ko. M-Miss na miss ko na si Serena... siya lang ang nag-iisang anak ko, kaya pakiusap! Tatlong taon ko na siyang hindi nakikita simula nong binalita mo sa 'king tinakasan ka niya. H-Hinanap ko rin siya sa tatlong taong 'yon... kaya ang sakit na malaman na nakabalik na siya nang hindi man lang nakakarating sa akin. Kung may galit siya sa 'kin kaya ayaw niya akong makita, pasabi naman na pakinggan niya muna ako, oh? H-Hindi ko na talaga kaya ang pangungulila sa anak ko..."
"Sigurado akong kakayanin mo. Tatlong taon nga na hindi ka nagparamdam, o nakibalita man lang tungkol kay Serena. 'Wag mong baliktarin ang mga salita mo. Don't act as if you really care. You're not allowed to even see a glimpse of Serena's shadow, and you're not allowed to step foot in our home unless Serena herself insists on seeing you. Until then, get out."
"'W-Wag, nakikiusap ako! Gustong-gusto ko nang makita si Serena! Kailangan ko siyang makita!"
"Drag her out of the house." Baling niyang utos sa kaniyang mga guwardiya. "You all have to be punished for letting her in."
Nagwawala at nagsisisigaw pa ang mama ni Serena habang kinakaladkad siya ng mga guwardiya. Wala naman iyon kay Ezekiel dahil nararapat lang na ituring na peste sa pamamahay nila ang babaeng 'yon. He already has a lot in his hands; gusto pa atang dumagdag niyon sa problema nila ngayon.
"Bakit kailangan mo 'yong gawin kuya?" nakangusong tanong sa kaniya ni Raquel.
"Don't even try letting her slide inside here, kung ayaw mo paring makaladkad kasama siya." banta niya pa na mas lalong kinanguso nito.
"Kuya naman, eh! Bakit ang init ng ulo mo? Gan'yan ka ba talaga kapagod? Gusto mong pagaanin ko ang nararamdaman mo?" kumislap na naman ang pagnanasa sa mga mata nito.
Gusto niyang masuka sa narinig. Napakawala siya ng mabilis na hininga, pinanatili ang kaniyang postura. "Let's have dinner first."
"Okay!"
Nagtungo sila sa dining room, kung saan na nakahanda ang mga pagkain. Pinanood ni Ezekiel na masaganang kainin ni Raquel ang mga pagkaing may halo na ng ibang klase ng droga. A sense of satisfaction once again arose in his chest.
Sa nagdaang araw ay nagpapakita na agad ng sintomas si Raquel. Bigla-biglang sumasakit ang ulo nito, nagiging iritado at nagiging mas magugulatin kahit na simpleng tunog, na palagi pang pinagbubuntongan ang mga katulong niya. Idagdag pa ang bigla-bigla nito siyang tutugunan ng mga salitang hindi naman niya tinatanong. Hiwatig na nakakarinig ito ng mga salita sa isipan nito na akala nito'y ang reyalidad.
"In the upcoming first week of the month, we're going to have an event for my father's company, Raquel." pagsasalita niya sa usapin. "It's compensation for what happened before. Maraming stakeholders at bahagi ng kumpanya ang ngayo'y nag-aalinlangan sa 'tin. We still have to run this business in order."
Napapatangang tumango-tango si Raquel. "Ano na bang gagawin? What event?"
"A business party. I've already reserved the location of the hotel, and the preparations for this event are still ongoing. You also need to prepare a lot, as you should, as De Silva."
Ngumiti ito ng matamis. "So I'm going to attend there like your Mrs. De Silva? Or like your sister De Silva?"
Lunacy at its finest. Tumaas ang sulok ng labi niya. "Your choice."
Before Raquel could even reply, she slowly passed out again as the drug took effect.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...