"Ta-da! Napakaganda!"
Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.
"This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!"
HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.
Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.
Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!
Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti ni mama at magpanggap na masaya.
Subalit ngayon ay naguumapaw sa tuwa ang dibdib ko, walang mapaglalagyan! Sa tingin ko'y ang pakiramdam na ito ay palagi kong babaunin sa aking alaala.
"Serena, ang ganda-ganda mo! Parang anghel na naging prinsesa ka talaga ngayon! Kinabog mo pa ang mga disney princesses!" puno man ng excitement ay siya namang kinaluluha ng mga mata ni Halaenna, na siya ring maganda sa kasuotan niyang kulay rosas na dress ngayon.
Humarap ako sa kanya ng napupuno rin ng emosyon. "Salamat, Hal!"
"Parang nito lang araw mukha kang pulubi sa China." aniya pa, naiiyak na. "Ngayon kinakabog mo na si Cinderella. Deserve na deserve mo 'to! Proud na proud ako sa'yo, Serena. Dapat ka lang maging masaya sa lahat ng mga pinagdaanan mo!"
Marahil siya ang nakasaksi noon sa paghihirap ko sa bansang iyon sa kamay ni Brantley, kaya ganito na lang siya ka-emosyonal.
Agad ko siyang nilapitan at niyakap. "Dahil sa'yo kaya nakatawid ako roon sa pang-araw-araw na kahirapan. Maraming salamat, Hal."
"Basta habang buhay mo na akong kukupkupin, ah? Mas mataas pa pauna kong sweldo sa masnyon niyo kaysa sa pananatili ko roon sa China! Huhuhu!"
Natatawa akong humagod sa likod niya. "Syempre sa amin ka na! Maliban na lang kung kunin ka ni Ramil bigla."
"Hoy!" nagbago kaagad ang mood niya. "Ayaw ko nga! Baka mamatay pa ako sa high blood sa kaniya!"
Kahit sinabi niya iyon ay nakita ko naman ang pamumula ng dalawang tainga niya nang maghiwalay kami sa yakap.
Kahit pa itago niya ay nakikita ko paminsan-minsan ang closeness na meron sila ni Ramil. Na maging si Ezekiel ay tinutukso na rin ang tauhan niyang iyon.
"Ate, napakaganda mo po!" humahangang lumapit sa akin si Freya pagkapasok na pagkapasok pa lang sa loob ng silid. "As in! Sobrang ganda talaga, walang halong biro!"
Natuwa ako sa papuri niya. "Salamat, Freya. Ang cute-cute mo ngayon diyan sa hairdo mo." Pagpasin ko ring puri. May baby face na mukha si Freya bukod sa pagiging dalaga niya. Nababagay sa kaniya ang kulay rosas na dress at ang dalawang magkahiwalay na pagkakapusod ng kaniyang buhok.
"Thank you po!" pinamulahan siya ng mukha na kinatamis pa ng ngiti ko.
"Panying, where's mama?" Umingay ang maliit na tinig ni Duziell pagkapasok sa sili na siyang karga-karga ni Panying.
"Ay, kung sinong pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa na makita mo ngayon, iyon ang mama mo." pabiro pang tugon ni Panying habang mabagal na lumalakad patungo sa amin.
"I don't understand you, speak English!"
"Ah, eh... beautiful mother, there!" pinagpawisan pang tumuro si Panying sa akin.
Napahagalpak ako ng tawa. "Baby Duzz!"
"Mama!!"
"Naku, Serena. Hindi talaga ako pwedeng mag-ala ng anak mo. Pakiusap lang, sanayin niyo na mag-asawa na kausapin 'yan in tagalog dahil nasa PIlipinas tayo!" napupurwisyo pang birong sabi ni Panying habang inaabot sa akin si Duziell.
"Panying, nakakaintindi ang batang 'to ng tagalog. Niloloko ka lang."
"HA?!" nasapo niya ang kaniyang noo na kinatawa ko pa.
Binalingan ko si Duziell ng paningin at marahang hinaplos ang makinis niyang pisngi. "Huwag mo namang pahirapan si Panying, baby."
Ngumuso siya. "Eh! Ikaw ba 'yang, mama?"
"Yes, si mama 'to. And it's 'yan' not 'yang'."
"I'm not fluent!" mas humaba ang nguso niya.
"It's okay. You're still a genius."
Pinanggigilan ko siya sa pagyakap. Napaka-cute niya sa puting suit at pants niya. Nagmukha siyang mini-Ezekiel!
Ang bawat sandali na kasama ko ang aking mga kaibigan at ang aking anak ay nagbibigay ng lakas at kasiyahan sa aking puso. Sa dami ng mga masasamang pinagdaanan ko ay halos hindi na sumasagi sa isipan ko na magiging ganito pa ako kasaya balang araw.
Hindi ko man ito nararanasan ngayon, kasama ang mga taong pinagkatiwalaan ko noon at inakalang tunay na nagmamahal sa akin, ay wala akong anumang nararamdamang pagsisisi o panghihinayang.
Sa huli, masaya ako na nalaman ko kung sino ang tunay kong matatakbuhan sa panahon ng kahirapan. At ang mga taong ito ay hinding-hindi ko rin ipagkakanulo o ipagpapalit sa sino man.
***
Habang naglalakad ako patungo sa altar, nararamdaman ko ang mga mata ng mga taong may paghangang nagmamasid sa akin. Ngunit ang pinakamahalaga sa akin ay ang mga mata ni Ezekiel.
Sa ganda at nakakalambot na pusong musikang nananaig sa buong simbahan sumasabay ang bagal ng aking paglalakad. Hawak-hawak ko ang bulaklak, habang nakatabon sa aking ulo ang puting veil. Hindi rin biro ang buhatin ang suot kong wedding gown. Talagang ramdam ko ang malaking halaga ng perang na nilaan ni Ezekiel para dito.
Ngayon ay nalalaman ko na kung bakit obsess si Ezekiel na pasuotin ako ng mga puting dress noon. Iyon ay dahil naaalala niya ang sandaling ito, noong una kaming kinasal at una kaming nagkakita. He just keeps a memory of me in a white dress.
I will forever be grateful that Ezekiel De Silva always finds his way to me. Even in the most unexpected ways.
Seeing him now wearing a white tuxedo suit that makes him stand out above all the men gathered here, my heart couldn't keep its calm.
Batid ko nang na-love at first sight ako sa kaniya noong una ko pa lang siyang makitang naghihintay sa harapan ng altar. At ang pagmamahal na iyon ay lumalim na dahil sa samahan naming dalawa. Subalit sa pangalawa pagkakataon ay hindi ko lubos maisip na pwede pa palang ma-love at first sight?
Kanina pa nangangalay ang aking mga labi sa pagkakangiti ng malaki.
Subalit habang papalapit nang papalapit sa kinatatayuan ni Ezekiel, ay doon ko lang naaaninag ang mga kumikislap na likido sa kaniyang mga mata at ang pagbabagsakan niyon sa kaniyang pisngi.
Mahal ko, umiiyak ka ba?
May humaplos sa aking puso sa tanawing iyon. He kept a straight, cold face when we first got married. But now he's showing his true emotions, unfazed by the eyes of the people around us.
I'll forever cherish this moment, Ezekiel.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...