KABANATA 37

150 1 0
                                    


"Serena, how... how did you get here?" akma akong lalapitan ni Raquel nang hilain siya pabalik sa kaniyang kinapupwestuhan ni Tita Elizabeth.

"Sino ka sa tingin mo para makaapak sa lugar na 'to?! Napakakapal talaga ng mukha mong babae ka, ano?! Layas! Umalis ka sa lugar na 'to!!"

Umakto siyang susugurin ako. Subalit mabilis na nakapuwesto ang mga tauhan ni Ezekiel para harangan siya at pigilan sa gagawin.

"Paumanhin, pinagbilin siya sa amin ni boss." lakas na loob na sabi ng isa.

"Kayo na namang mga alagad ni Heskel! Hawak nang hawak sa akin! Nakakadiri! Wala na kayong karapatang pigilin ako dahil wala kayo sa teritoryo niyo, mga hampas-lupa!"

"Ma!" agad siyang pinapatigil ni Raquel. "Hindi mo kailangang magsabi ng gan'yan. Restrain yourself."

"Eh kasi naman, eh!" bahagya siyang kumalma. "Kahit kailan talaga, hindi ako binibigong inisin ng kuya mo! Titigil lang yata 'yan kapag tuluyan na akong inatake sa puso!"

"Please don't say something like that, ma."

"P'wes kung ayaw mo 'yung mangyari, paalisin mo 'tong babaeng 'to sa harapan ko, ngayon din!"

Malakas akong nagpakawala ng hininga. "Pasensya na, Tita Elizabeth. Hindi ako pinayagang umalis ni Ezekiel sa kinatatayuan ko ngayon."

Napatingin silang dalawa sa akin. Ang pansin ko ay naroon kay Tita, dahil mas pinaamulahan ang mukha niya ng galit kumpara kanina.

Hinarap niya akong muli saka dinuro. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Pagkatapos mong sumama sa ibang lalaki ay umaasta ka ngayong parte parin ng pamilyang ito?! How dare you even set your foot here in my husband''s grave?!"

Naglukot ang noo ko, hindi maintindihan kung ano ba talagang pinagmumulan ng galit niya sa akin at umaabot iyon sa punto na pagbisita ko kay Tito Ross.

"Nandito po ako para magbigay galang. Kumpara sa relasyon natin, 'di hamak na mas maganda ang naging pakikitungo ni Tito Ross sa 'kin kaysa sa'yo, Tita Elizabeth." deretsahan kong tugon.

"You!!" muli niya akong akmang susugurin nang hatakin siya pabalik ni Raquel aat harangan ng mga tauhan ni Ezekiel. "How dare you!! Kasalanan mo 'tong lahat kung bakit nagka-ganito!!"

Mas nalukot ang mukha ko. "Alam kong nagluluksa parin kayo sa pagkamatay ng asawa niyo. Pero hindi naman ata tamang isisi ang pagkamatay niya sa 'kin. Oo, umalis ako three years ago, sumama sa ibang lalaki. Kaya anong kinalaman ko sa pagkawala niya, eh wala nga ako rito?"

"You pretentious actress, two-faced bitch!" puno ng panggagalaiti niya pang sigaw. "You even have the guts to act as if you're innocent! Simula nang iwan mo si Ezekiel, wala nang ibang ginawa ang lalaking 'yon para habulin ka, hanapin kung sa'ng lupalop ka na napadpad! Because of you, he started to ditch his responsibility as the heir of my husband, losing to all the competitive businesses. He became so neglectful that even my husband's health started to get worse because of him!!"

"Ma, please, tama na! Manahimik ka na!" Pilit siyang pinapatigil ni Raquel. Habang unti-unting bumabalangkas ang gulat sa aking mukha.

"No! This bitchy slut needs to know that it's her fault!! Kung bakit napuno ng pag-aalala si Ross sa kung anong magawa ng magaling niyang anak araw at gabi! Kung bakit siya nababad sa trabaho imbes na magpahinga sa hospital at atupagin lang ang sakit niya!! Kung bakit hindi siya makatulog sa gabi dahil baka paggising niya mawala na lahat ng pinaghirapan niya dahil lang sa pagpapabaya ng magaling niyang anak!!"

Nagsipagbagsakan ang mga luha ni Tita Elizabeth. Nanginginig sa halo-halong emosyong ippinapakita niya habang may namumulang mga matang nakatitig sa akin.

Nanuyo ang aking lalamunan dahil sa mga narinig. Malakas na dumagundong ang aking puso at nawala ang angas na pinapakita ko kanina.

"You didn't know anything! Hindi mo alam nang dahil sa'yo nawala sa akin ang pinakamamahal ko!! You didn't even know that I almost lost Ezekiel too!! Just because of you!!" malakas siyang humagulgol. Unti-unti siyang pinanghinaan ng mga tuhod. "Y-Yet you never understand the pain I am going through!"

"Ma..." puno ng pag-aalala siyang niyaakap ni Raquel at inalalayan.

H-Hindi ko parin maintindihan...

Nanginginig ang mga kamay ko. Maingat ko iyong nilapit sa aking dibdib, kung saan walang tigil na nagwawala ang aking puso.

I see Tita Elizabeth like this, and after listening to all her complaints, I still don't understand!

B-Bakit ako.... bakit ako ang may kasalanan?

Umalis ako dahil labis akong nasaktan sa ginawa ni Ezekiel. Pero hindi ko gustong mangyaring mawala si Tito Ross dahil sa kapabayaan ng asawa ko!

I left because I wanted to heal my heart. To chase love from someone else. I was hurt, but I never wanted to hurt anyone else as well.

No... Why? Bakit pa ako kailangang hanapin ni Ezekiel? Bakit kailangan niyang magpabaya sa mga responsibilidad niya? Bakita kailangan niya pang ipasa sa akin ang lahat ng mga kasalanan niya?

I-Isn't that too unfair? I already suffered so much, when will it be enough?

"What the fuck is going on here?"

Binasag ng nakakatakot na boses ni Ezekiel ang nakakabinging katahimikan na panandaliang umiral sa pagitan namin nila Tita Elizabeth at Raquel.

"K-Kuya..." nangangambang humarap si Raquel sa kaniya. "M-Mother is just mourning right now. And it's not helping to see you both here."

"Then get her out of here." malamig na tugon pa ni Ezekiel. "Her voice is disturbing other people who are also mourning outside."

"Kuya naman–"

"Bastos! Wala ka talagang galang sa 'kin! Ganiyan ka ba talaga pinalaki ni Eliza?!" muling nabuhay ang galit ni Tita.

"Why can't you get used to it?"

"Kayo ang umalis dito, Ezekiel. Matagal mo nang tinalikuran ang responsibilidad mo bilang anak ni Rosswell hindi ba? Wala ka ng puwang sa kaniya! How could you not even feel a sense of guilt for bringing this woman here with you, huh?"

"Guilt, conscience, and the blaming that you're talking about are full of bullshit. If my father doesn't want me here or that woman, how come our names are the only ones on his will?"

Mukhang natigilan pareho silang dalawa ni Raquel. Nanatili naman akong tahimik.

"You can shout to the world whatever you believe in based on your own testimonies. I'll continue to believe based on facts, and one of those facts is that my father never resented me, unlike how you're trying to manipulate me into thinking that way. So stop underestimating me."

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon