KABANATA 14: Start of the Abuse
Imposibleng malinis ang buong kwarto gamit lamang ang walis at dustpan. Pero dahil ang ipinagbawal lang sa akin ni Panying na gamitin ay ang vacuum, nalinis ko parin ang makapal na mga alikabok gamit ang tubig at sabon panlinis.
Inabot ng limang oras ang pagkikiskis sa mga dumi sa sahig at pader, samantalang hindi ko naman magawan ng paraan ang nangingitim na kisame dahil sa taas nito, kaya inalis ko na lamang ang mga alikabok.
Sinunod ko nang itapon ang bedding. Doon nakatago ang mga maliliit na daga na agad nagsisipagtakbuhan palabas. Bahala sila maghabol sa mga ‘yon.
May isang katulong na babae ang nagdala sa akin ng kumot at isang unan, pati na rin pamalit na mga pantulog na bestibes na bigay ni Ezekiel. Pagkatapos ay wala nang ibang binigay sa ‘kin.
Pagkatapos kong masiyahan sa kalinisan ay pagod na pagod akong nahiga sa kahoy na kama.
Tumatagaktak ang pawis ko sa buong katawan, marahil ay dahil walang electric fan man lang sa silid, at kulob na kulob pa ang lugar.
Ngunit hindi na bago sa akin ang karanasang ito. Naranasan ko ngang matulog sa labas ng bahay ng ilang mga araw, bago humupa ang galit ni Brantley at papasukin akong muli.
Napalukot ako ng higa. Sa mga ganitong panahon, hindi ako pinanghihinaan ng loob dahil kapiling ko ang anak ko. Basta't nasa mabuti siyang kalagayan, handa akong magsakripisyo.
Nagawa kong manlimos ng gatas at biscuit sa mga kapit-bahay, kahit na hindi ako nakakapagsalita ng kanilang lenggwahe, para lang hindi siya magutom.
Mabuti na lang talaga at mababait ang mga matatanda sa lugar na ‘yon at natutuwa sila sa kagwapuhan ng lalaki kong anak.
Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang mapangiti. Miss na miss ko na si Duziell. Sobra-sobra na akong nangungulila sa kaniya.
“Pakiusap… gusto ko na siyang makita,” hindi ko kinalimutang magdasal sa Diyos bago tuluyang pumikit ang aking mga mata.
PAGKAGISING ay hindi ko inaasahang ipatawag ako ng isang doktor para i-examine ang katawan ko sa hindi malamang kadahilanan. Naging mabilis lang ang naging procedure niyon at agad din akong pinabalik sa kwarto.
Ngunit bago pa ako makapasok sa loob ay hinarang na ako ni Davina, ang matangkad na babae sa apat na katulong.
“First day mo sa trabaho. Ano? Tengga ka lang diyan? Buhay prinsesa?” Pagtataray niya pa sa akin.
Walang emosyon ko siyang hinarap. “Sige, bakit ‘di mo pangunahan si Panying sa pag-asign ng trabaho sa ‘kin?”
Napaasik siya at mas lalo akong tinaasan ng kilay. “Akala mo kung sinong senyorita! Kaladkarin lang naman.”
Sinamaan ko siya ng tingin, pero hindi siya natinag.
“Guilty ‘yan? Ayus-ayusin mo kasi mga desisyon mo sa buhay!”
“I want nothing from you, much less your care. ‘Wag kang bida-bida at pakilamera dahil wala ka namang alam.”
“Wala nga ba? Hmm?” lumapit siya sa akin at dahan-dahan akong pinaikutan na agad kong kinairita. “‘Sensya na, may alam kasi ako na harap-harapan kayong naglalandian ng co-star mo at hindi nirerespeto ang relasyon niyo ni sir Heskel noon. Hindi mo na ‘yon kayang i-deny pa dahil hindi ba't sumama ka nga sa kaniya sa loob ng tatlong taon? Balita ko iniwan ka na niya, ah? Kaya ka ngayon bumabalik. Napaka-kapal ng mukha mo.”
Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa pagbugso ng galit. Subalit hindi ko hinayaang sumabog dahil lang sa isang katulad niya.
“Think what you want to think and say whatever you want. Use your freedom of speech to be a judgmental freak who has nothing in her brain but stupidity.”
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...