"Ano sa tingin mo kung bakit pipiliin ko paring dalhin ang anak ni Ezekiel, kung may iba naman pala akong mahal, Panying?" pagkuwestiyon ko sa kaniya. "Alam ko na noon na niloloko niya ako para kay Marian, pero sinabi ko parin sa sarili ko na kung pipiliin niya ako at ang sanggol sa sinapupununan ko ay mananatili ako sa kaniya. Pero sampal na sa mukha ko 'yung ginawa nilang kahayupan ni Marian, eh!"
"S-Serena, pasensya na, hindi sa hindi ko pinaniniwalaan ang sinasabi mo ngayon. Sadya lang talagang imposibleng magagawa ni sir Heskel 'yon." pagkontra niya. "Kasi kung babaero siya, kung may namagitan sa kanila nung babaeng 'yon sa pagsasama niyong dalawa—hindi ko lang mapaliwanag, kung bakit mamatay-matay siya noong iniwan mo siya!"
"Hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya sa gano'ng lebel, Panying."
"Eh, pa'no? Kung hindi siya ang busy sa trabaho, ikaw parati! Minsanan lang kayong dalawa nagkakasama, at pinagsusungitan niyo pa ang isa't-isa. Parati ring nirereklamo ni ma'am Raquel kay sir Heskel, kung gaano mo siya kinaiinisan at pinandidirian. Hindi alam ni sir, kung paano ka niya tatratuhin sa paraang magugustuhan mo. Nando'n ako, pero dahil gusto kong mahalin mo rin si sir, hinahayaan kita sa pangdidiskrimina mo sa kaniya. Gusto ko na magkalapit kayo, dahil kung makikilala mo lang ng lubos si sir, malalaman mo talaga ang tunay na dahilan kung bakit siya habulin ng mga babae!"
Natahimik ako at tumuon sa mga nauna niyang sinabi. Why is Raquel backstabbing me? Why is she saying different things! Why did she intentionally not mention what really happened back then?
Anong nangyari, Raquel? Bakit mo 'to ginagawa sa 'kin? Magkaibigan tayo, 'di ba? Pinagkatiwalaan kita sa lahat. Sinabi mong ikaw ang bahala. Sinabi mong malalaman nila ang katotohanan sa ginawa ni Ezekiel at Marian, habang ako'y magpapagaling ng puso ko.
P-Please... don't tell me you turned out to be the same as Brantley.
Don't even tell me... you guys planned everything out.
Dahil hindi ako bobo. Pwede ng tanga, uto-uto, o ignorante ang itawag sa 'kin! Pero hindi ako bobo para hindi parin mapasok sa kokote ko 'to.
Raquel. You intentionally wanted Brantley in my life. Ilang beses mo siyang pinagdikdikan sa akin. Ilang beses mo akong tinulak sa kaniya hanggang sa kumagat ako. Ilang beses mo akong pinalamon ng mga salitang hindi ko magagawang sabihin kay Ezekiel. Ilang beses mo akong pinapaniwala na hindi ko dapat siya mahalin, dahil lang sa kakaiba niyang ugali at 'masamang' pagtrato sa akin.
I never even got to know my husband well because you ruined his image. I never even got to be his proper wife because you deeply influenced me.
Way back before Ezekiel and I officially wed. Kinaibigan mo ako. Naging malapit agad ako sa'yo dahil sa ganda ng welcome mo sa akin bilang sister-in-law mo. Napakaganda ng trato mo sa 'kin, at nakahanap ako ng tunay na kaibigan na kaya akong basahin.
Pero makailang ulit mo akong binantaan tungkol kay Ezekiel. Makailang ulit mong sinabi sa akin ang kasamaan ng ugali niya at mga kilos niya na dapat kong ikabahala. You dictated everything. All the things you told me about him are lies.
Why... Why did you do this? Anong pakay mo, Raquel?
Dahil kung hindi ikaw ang may gawa ng mga 'to, Raquel, sino pa bang ibang may intensyon? Everything points fingers at you.
It will take a very well-executed and well-reasoned explanation to convince me that it's not you who to blame, Raquel. You need to perform very well.
***
"Mama? Let's sleep." Pinagpag ni Duziell ang tabi niya sa kama. "I want a lullaby."May ngiti akong lumapit sa kaniya at pumwesto sa katabi niya. Niyakap ko siya sa aking bisig at binalutan ng kumot.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...