KABANATA 45

13 0 0
                                    

Habang nakatingin sa isang batang lalaki na karga-karga ng isang dalagita ay blangkong emosyon ang nakaguhit sa mukha ni Ezekiel.

"A-Anong kailangan niyo? Sino kayo?" Humigpit ang pagkakayakap ng babae sa batang lalaki, habang pinalilibutan ito ng mga tauhan ni Ezekiel.

Dahil sa cellphone na sa wakas ay naayos at na-retrieve ang impormasyon na kinontak noon ni Serena ay agad-agad na nahanap ang lungga ng anak ni Serena wala pa mang isang linggo.

It wasn't Brantley whom Serene contacted that day, but her child.

Dahil gusto ni Ezekiel na tahimik ang kanilang gagawin ay nagpasya siyang dukutin ang bata mula sa pamilyang nag-aaruga rito. Hindi lang siya inaasahan na handang sumama ang babaeng nasa harapan niya ngayon para protektahan ito.

"Give me that thing." dahil sa blangko at madilim niyang itsura habang tinuturo ang bata ay labis na natakot ang babae, at sunod-sunod na napaatras.

Pumadekwatro siya ng upo at napakapit sa kaniyang sentido.

This is the same place where he killed the men who got involved in Brantley's plan to sell Serena on the black market.

Ang mga tauhan niya ay pumosisyon para patigilin ang babae sa pag-atras at marahan pa itong pinaabante sa kaniya, na siya pa nitong kinanginig.

"Give me the child." muli niyang pag-uutos dito.

"H-Hindi ko ibibigay sa inyo ang bata." utal-utal nitong tugon, naroon ang paninindigan. "Sino ba kayo at anong kailangan niyo sa kaniya?!"

Gumuhit sa isang linya ang mga kilay at labi ni Ezekiel, naubusan na ng pasensya sa panglalaban ng babae.

He slipped and pointed his finger at Ramil. "Go get the child and bring it here."

"L-Lumayo kayo sa 'kin! Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo sa bata?!" Hindi niyo hinayaang makuha ang bata ng basta-basta.

"Miss, kung ayaw mong masaktan, puwes ibigay mo na lang 'yan sa 'min." may pakiusap sa tono ni Ramil.

"Wala akong pakialam! Sino ba kayo?! Mga tauhan kayo ng gagong Brantley na 'yon, ano?!"
Mapaklang tumawa si Ezekiel. "Why? Do you resent that guy?"

"Matapos niyang ibenta si Serena at pabayaan ang anak nila?! Sa tingin ba niya makukuha niya 'tong bata sa 'kin nang basta-basta?!"

How grateful he is now that Brantley made that great mistake. Magmula nang pakawalan niya ito sa pagkakagapos niya ay nagkaroon siya ng tiyansang makuha si Serena, maging ang anak nila.

His eyes flickered in great interest. "Don't worry. I don't work for him and never will."

"K-Kung gano'n, anong kailangan niyo sa bata? Bakit niyo siya kinukuha? Sa akin pinagkatiwala ito ni Serena. Sinabi niyang siya lang ang pwedeng kumuha nito sa akin!"

"But she's not able to do that from now on," umasik siya. "Actually, she consented to me bringing that child to her."

"B-Bakit? Sino ka ba para pagkatiwalaan niya?"

"I'm the one who bought her from the black market."

Napasinghap ng hangin ang babae. "A-Ayos lang ba si Serena? P-Pinahirapan niyo ba siya? Nung huli ko siyang nakausap ay nagkakagulo! Anong ginawa niyo sa kaniya, ha?!"

"Don't worry. She's still alive and wants her child back." ngumisi siya ng nakaloloko. "Now, give me that thing."

"A-Ayoko---'Wag!!"

Inagaw ni Ramil ang bata sa bisig nito. Wala itong naging palag nang kapitan siya ng dalawang lalaki upang pigilang humabol.

"Anong balak niyong gawin sa kaniya?!"

Tsk! Serena got herself a friend who has the same energy as her. He could've just killed her right away if he wanted to. But it is all unnecessary to do so.

"Boss, ito na."

Inabot sa kaniya ni Ramil ang tahimik na batang lalaki. Nakasuot ito ng itim na jacket na doble ang laki sa kaniya, at wala lamang kibo kanina pa.

Inaasahan niyang iiyak ito nang maikandong sa kaniyang hita at makita ang nakakatakot niyang ekspresyon sa mukha. Subalit nanatiling kalmado ang bata, inosente sa mga nangyayari.

Nagtama ang paningin nila ng batang lalaki, at matagal na nagkatitigan. His eyes were big and clear; he stared at him in confusion. maliit at matangos ang ilong nito, at may maliit na linya ng labi. Ang dalawa nitong pisngi ay nakalobo, kahit hindi naman katabaan ang katawan.

The two-year-old boy looked so tiny and fragile compared to a grown adult man like him. He could actually break his bones if he held him tight.

So, this is Serena and Brantley's child. How disgusting.

"You're heavy." istriko niyang anas, sinadyang ipagsalubong ang kilay at tapangan ang kaniyang boses upang paiyakin ito.

Nanatiling nakatitig sa kaniya ang bata, animoy nakikita maging ang kaluluwa niya. He finds it creepy.

"Do you want me to pull out your eyeballs?" he threatened.

Kumurap ang bata. Kalauna'y sinandal pa ang katawan sa kaniya, idikit ang ulo nito sa dibdib niya at umamoy-amoy ng halos ilang minuto.

What the fuck is this thing doing? Children are so weird.

"Mom...mommy?" maliit at matining na boses ang narinig niya sa bibig ng bata. Ezekiel's heart unconsciously softened without realizing it.

"What do you mean?" ipinagpatuloy niya ang pagpapanggap na inis dito habang nakayuko itong tinititigan.

Iniangat ng bata ang paningin nito sa kaniya. Nakita niya ang ningning sa mga mata nito. "You smell..."

Mas nagsalubong ang kilay ni Ezekiel. "I smell? How dare you?" Sinabihan pa siya nito ng mabaho! "Do you want me to pull out your nose instead so you won't get to smell me again?"

"No, you..." muli itong umamoy sa dibdib niya. "You smell like mommy."

Natigilan siya at hindi nakatugon sa bata. Can children really know the smell of their mothers?

"W-Where's mommy?" umimpit ang tinig nito at nagsimula nang gumuhit ang luha sa mga mata nito na kanina niya pa hinihintay.

"You have a good sense of smell." seryoso niyang puri dito. "Your mother is with me."

"R-Really? Then, is d-daddy with her too?" bumakas ang takot sa mga mata nito.

Daddy? Tsk!

Napatiim-bagang siya. "You have no father."

Mas lalong naguluhan ang bata. Subalit bumakas sa alaala ni Ezekiel ang sinabi ni Brantley sa TV, na marunong na ang batang 'to bumuo ng mga pangungusap at makipag-usap, kumpara sa iba na iisang salita pa lamang ang kayang bigkasin. He just didn't know how the child could even ask questions like he understood something.

The boy was like him when he was a child.

"What is your name?" he asked.

"Dush... Duchie–-Dushell." bulol-bulol nitong bigkas na hindi niya naintindihan.

"What a crappy name. When is your birthday?"

Umiling-iling ito, mukhang pahiwatig na hindi nito alam.

Naging buo ang desisyon niya. Binuhat niya ang bata saka tumayo. Lumapit siya kay Ramil nang may seryosong-seryosong itsura.

"Boss–"

"Do we have a resemblance?" nanlisik ang mga mata niya.

Natauhan si Ramil at maiging sinuri ang itsura ng bata at ni Ezekiel nang paulit-ulit. Matunog pa itong napalunok at kinakabahan.

"P-Pasensya na, boss... madilim dito, hindi masyadong makita..."

"Tsk! Nevermind that. Let's do a DNA test." He has a feeling that this child might not be Brantley's.

But his hope shattered instantly when the DNA test result came out to be negative. Really, it wasn't his child.

Serena really had a child with Brantley.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon