"Take a quick shower, and let's have breakfast."
Tinanggal ko ang mga namuong muta sa magkabilang gilid ng mga mata ko, saka pinagmasdan si Ezekiel na siyang nakaupo sa gilid ng kama habang inaayos ang polo shirt niya.
"Okay." Well, this is the first time he offered me breakfast after sleeping with him.
Nananakit ang katawan kong bumangon at umalis sa kama. Nagtungo agad ako sa banyo niya para maligo at mag-ayos ng sarili.
Sa terrace din ng kwarto niya kami kumain pagkatapos. Nakahanda na roon ang pagkain sa maliit na lamesa, at tanging dalawang upuan lamang ang magkaharapan ang naroon.
I wonder who's the unluckiest woman to ever sit here and deal with him?
Naupo ako sa kaharapan niya. Nang magsimula siyang kumain ay doon ko rin lang hinawakan ang kutsara ko.
"Are you taking the vitamins I gave you last time?" malamig niyang tanong sa 'kin.
Tumango ako nang hindi siya tinitingnan. "Mm,"
"Then, why are you not gaining weight?"
"Hindi ko alam."
"Tsk! We'll have to take a look at that after my business trip." saad niya. "I'll come back after a week. Make sure that you gain at least two to four kilos."
Napalabi ako. "Hindi naman ako baboy para mangyari 'yan."
"Hmm?" he frowned. "Are they feeding you what I ordered them to? What foods do you usually eat?"
Nalukot ang mukha ko. Bakit ba niya tinatanong? Gusto ba talaga niya akong mainsulto nang ganito? Magmukhang mapahiya sa harapan niya?
"Serena, I'm asking you." mas lumamig pa ang tono ng boses niya. "What have you been eating?"
Magkasalubong ang kilay ko siyang tiningnan. "Leftovers! Masaya ka na? Does the world really need to know that? That I'm eating leftovers just like what you ordered!?"
"What?" nanlisik agad ang mga mata niya kasabay ng paglukot ng noo niya. "What the fuck are you talking about?!" hinampas niya ang lamesa.
Napaintag ako sa gulat at takot sa ginawa niyang 'yon. Agad akong yumuko. "S-Sorry..." Maybe I got too upset that I forgot Ezekiel is the dominant here.
Nanaig ang matagal na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nararamdaman ko ang talim ng pagkakatitig niya sa akin, kung kaya't mas lalo ko na lang niyuko ang ulo ko nang hindi siya matingnan.
"Ha!" nakakatakot siyang suminghal at bigla-biglang tumayo ng may pwersa. "Eat all the food until the last bite. You'll get punished if you waste even a single drop."
Nagawa ko lamang iangat ang paningin ko nang umalis siya sa terrace. Pinanood ko ang likod niya na maglakad sa kaniyang kwarto saka lumabas sa pintuan. Malakas niya pa iyong sinarado dahilan upang malakas iyong kumalabog.
Napangiwi ang labi ko at muling napabaling sa mga pagkain.
Punish me if I waste anything? Is he underestimating my appetite? Sa tatlong taon naming magkasama, alam kong alam na niya kung ga'no ako kalakas kumain. Sadya nga lang hindi ako tabaing tao. Kahit mag-mukbang pa ako araw-araw, hindi ako tataba ng katulad ni Baby.
Una kong kinain ay ang pagkaing nasa plato ko. Sumunod ay ang kay Ezekiel na halos walang bawas, saka ko hinuli ang mga extrang nasa sentro ng lamesa.
It has been a while since I last ate like this! Ilang taon na ba? Ang tagal-tagal na rin.
***
'Serena, halos isang linggong mawawala si Kuya Heskel, malaki itong oportunidad para sa 'tin. Walang magsususpetya kay Danilo—Gusto kong ipasok ka niya sa malaking garbage bin, at lihim ka niyang ipupuslit sa back gate ng mansyon. Paniguradong hindi iniinspect ng mga guwardyang bantay do'n si Danilo, lalo pa ang basura.'
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...