"Kumusta na si Ezekiel matapos himatayin?" nag-aalala ngunit natatawang tanong ni Serena pagkatapos niyang manganak.
"Ayun, nagkaroon ng bukol sa noo." napapailing pang tugon ni Panying. "Humihingi na ng yelo doon sa nurse. Hahaha!"
Napahagalpak siya ng tawa. "Panying, hindi ko alam na hindi niya pala kakayanin sa loob, pero pinilit niyang maging emotional support. Siya pala dapat ang suportahan sa panganganak ko! Hahahaha!"
"Sa totoo lang! Kung anong kinatapang pagdating sa ibang tao, siya namang kinahihina sa'yo. Nahimatay 'yon dahil sa stress at takot nang makita kang nahihirapan sa pag-ire. Wala pang tulog dahil nenenerbyos sa pag-inda mo ng sakit. Kawawa rin naman."
Hindi nawala ang pagtawa ni Serena sa kabila ng pagod at panghihina dahil sa eksena ni Ezekiel. "Kawawa naman ang mahal ko."
"I'm fine!" bulalas ni Ezekiel pagkapasok sa silid ng hospital. Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit kay Serena sa kama upang suriin ang lagay niya. "My wife, are you feeling okay?"
"Pfft!" nakita ni Serena ang pamumula at bukol sa noo ng asawa. "Mahal ko, bakit naman nagkaganiyan 'yan? Nasaan na ang bag ng yelo?"
"Here." inabot niya iyon na kinuha niya pa sa isa sa mga nurse. "I'm sorry for worrying you. I should be the one supporting. Nakakahiya ako. Pinagtawanan ako ng mga nurse."
Pinatong ni Serena ang malamig na bagay sa bukol ni Ezekiel, pigil na pigil ang tawa. "Hala! Bakit naman sila tumatawa? Hindi ba nila alam ang pagiging ulira mong asawa ang dahilan kung ba't ka nahimatay?"
Ngumuso si Ezekiel. "Mahal, tinatawanan mo rin ako."
"Ha? Hindi ah!" pabiro niya pang tanggi. "Dito ka, dali, tabi ka sa'kin." Umurong si Serena sa kama para paupuin ang asawa niya sa katabi na agad naman nitong ginawa.
"May masakit pa ba sa'yo, mahal ko?" seryoso na at nangangambang tanong ni Ezekiel sa kaniya. "You were in great pain earlier... I was so afraid you'd lose your breath."
Umiling-iling si Serena. "Hindi naman na masakit. Salamat sa pag-aalaga sa 'kin. Pero dahil nanghihina pa ang katawan ko, kailangan mo parin akong alagaan."
Hinalikan siya sa noo ni Ezekiel. "That won't be a problem. Araw-araw naman kitang inaalagaan."
Oo nga naman. Ganoon na lang saya na naramdaman ni Serena. Gustong-gusto niyang nagpapaalaga kay Ezekiel na parang isang sanggol. Ni minsan ay hindi pa siya hinihindian nito. Ngunit ayaw naman niyang abusuhin, lalo na't kanina'y hinimatay ito dala rin ng pagod, pag-aalala at takot para sa kalagayan niya. Ezekiel needs care and rest as well.
Naalala niya pa na sa panahon ng pagbubuntis niya ay nagmistulang alagad niya ang asawa sa kasusunod ng mga gusto niya. Noong siya'y naglilihi ay halos halughugin ni Ezekiel ang mundo makuha lang ang mga hinahanap niya. Mas nahabag tuloy siya rito ngayon.
Kapagkuwan matapos nilang suriin ang lagay ng isa't-isa ay dineliver na ng healthcare team ang sanggol na isinilang ni Serena.
Puno ng antisipasyon niya itong kinarga habang pareho sila ni Ezekiel na emosyonal na pinagmamasdan ang kanilang bagong silang na anak.
"Aaah, ang cute niya, mahal! Ang ganda-ganda niya..." naiiyak na impit na saad ni Serena sa anak na babae.
"She got your face, mahal. Our daughter..." napahawak sa sarili niyang dibdib si Ezekiel sa pagtunaw ng kaniyang puso.
"Napakagandang baby!" Pagpuri pa ni Panying nang makanakaw ito ng tingnan. "'Yung ibang baby na nakita ko mukhang alien, pero 'yan may mukha na agad!"
Mas lalong nasiyahan ang mag-asawa sa puri na iyon.
Nang mahawakan ni Ezekiel ang nakapaliliit nitong daliri ay may kung anong humawak sa kaniyang puso. "Baby... Welcome to the family, Eza Seraphiel De Silva."
"My little sister!" nag-ingay dahil sa pananabik si Duziell nang dalhin ito Haleanna sa silid. "I want to see!"
"Baby Duzz, dali! Tingnan mo!" binuhat ito ni Haleanna patungo sa kama at sinilip agad nito ang kapatid na babae.
"Mama, what's her name!"
"It's Eza Seraphiel, Duzzy." tugon niya.
Puno ng pananabik na nagpakilala si Duziell. "Eza, I'm Elio Duziell De Silva, your big brother!"
Natawa silang pareho, marahil wala pang muwang ang bagong silang na kapatid ni Duziell.
"Son, your job is to protect your little sister from now on, okay?" paglapat pa ng tungkulin ni Ezekiel sa anak.
"Yes, papa!"
"Make sure you love her too, just like you love mama and papa, okay?"
"Yes, papa!"
"Good." ginulo ni Ezekiel ang buhok nito. "You will be the best big brother ever."
"Yeyy!!" kumulang na lang ay tumalon-talon ito sa labis na pananabik sa pagiging kuya niya.
Napakasayang pagmasdan ng mag-ama niya para kay Serena. Ngayon ay nadagdagan pa sila. Gusto niya rin ng bonding sa pagitan ng mag-ina na hindi niya naranasan noon sa mama niya.
Pinapangako niya sa sarili na hindi niya ilalayo ang loob ni Seraphiel sa kaniya at magiging mabuting ina---hahayaan itong magtakda ng sariling buhay nang may gabay at pagmamahal ng isang ina.
Ngayon pa lang ay nakikita na niya ang magiging bonding nilang mag-ina sa hinaharap kapag lumaki-laki na ito.
Sa kabilang banda naman sa isipan ni Ezekiel ay iniisip na niya ang dose-dosenang mga guwardiyang itatanim niya na magbabantay sa kaniyang bagong silang na anak, kagaya ng kay Duziell.
Nakaplano na rin kung saang eskwelahan niya ipapasok ang mga anak niya na nakapagbibigay ng mataas na kalidad ng pag-aaral at proteksyon sa mga estudyante. Gayundin ang mga ari-arian na ipapangalan niya sa mga ito, at kung ano-ano pang mga importanteng bagay na maiisip niyang dapat taglayin ng mga anak niya para bigyan ng seguridad ang future nila.
Elio Duziell and Eza Seraphiel deserve every special thing in this whole world for being their son and daughter—for being part of the De Silva family.
Nagsimula pang hindi perpekto ang pagsasama nin Ezekiel at Serena ay ngayo'y pinapangako nila sa isa't-isa ang walang hanggang pag-iibigan at 'di pagkawatak ng kanilang binubuong pamilya.
Hindi nila hahayaan muling humantong sa pinakamasaklap na pangyayari ang lahat vago nila piliing magpakatotoo, magparaya, at magpakumbaba sa isa't-isa. Dahil sinumpa rin nila sa harapan ng altar na sila'y magsasama sa hirap at ginhawa, ligaya at kalungkutanm kayamanan at karukhaan hanggang sa kamatayan.
Hanggang dito na lang...
WAKAS
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...