"Hmmm... mhm," paulit-ulit na umaalingawngaw ang pag-ungol ni Ezekiel habang minamasahe ko ang likod niya.
Hindi ako naging komportable sa mga naririnig na 'yon. Lalo pa't hubo't hubad ang estado ng mga katawan namin ngayon.
Nanatili siyang nakadapa ng higa, ako nama'y nakaluhod ng upo sa malaking kama.
"Press it harder." bakas sa tono ng boses niya ang sarap sa pakiramdam.
Napalabi ako. Muli kong kinuha ang oil, binuhos ang kaunti niyon sa palad ko saka kinalat sa matigas niyang likod.
No wonder nalalamog palagi ang katawan ko, bato-bato ba naman ang dumadagan sa akin gabi-gabi eh...
"Dito ho ba?"
"No, banda sa baba."
"Dito?"
"Oh fuck, yes."
Mas lalong ngumiwi ang labi ko. Marahan ngunit madiin kong pinaglalandas ang kamay ko sa ibaba niyang likod, saka kinarate-karate iyon. Habang tumatagal ay mas naglalaan ako ng lakas, dala ng sama ng loob ko sa kaniya.
"I'm surprised that you actually knew how to massage." mapait siyang tumawa. "You're used to massaging someone? Not to mention that motherfucking lover of yours?"
Bahagya akong napahinto sa ginagawa at sandaling tinitigan ang ulo niyo. Nanatili paring nakasubsob ang kalahati ng mukha niya sa unan; hindi ako tinitingnan.
Tinutukoy niya si Brantley?
Sarkastiko akong napangisi ng lihim. "Opo. Madalas kasi siyang pagod, wala rin naman akong magagawa kundi suportahan siya kahit sa maliit na pamamaraan..."
Matagal siyang nawalan ng imik, subalit hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkakakuyom ng kamao niya sa bedsheet.
"Is that so?"
"Mm," tumango pa ako saka tinuloy ang pagkukwento. "Dahil hindi niya ako hinahayaan na magtrabaho at lumabas-labas, siya lang ang palaging kumikilos kaya sumasakit ang katawan niya. Kalaunan nagpaturo akong magmasahe sa mga matatanda sa village, kaya kahit papaano, napapagaan ko ang pakiramdam niya. Kahit na... hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagsasama namin—"
"Shut the fuck up." kalmado at matigas niyang pagpapatigil sa sinasabi ko.
"Okay po." muli ko siyang minasahe nang marahan.
May kung ano sa puso ko ang nakalolokong natutuwa sa inaakto niya, para mapansin na apektado siya sa relasyon namin noon ni Brantley at nagagawa kong sugatan ang ego niya? Ha! I know I could get through to this devil this way!
Subalit hindi naman kasinungalingan ang kinuwento ko sa kaniya. Noong mga unang buwan hanggang sa ipanganak ko si Duziell ay naging maganda pa ang trato sa akin ni Brantley. Isang araw ay bigla na lamang siya nagbago na labis kong kinagulat.
Iniisip ko kung hindi niya ba matanggap si Duziell, na siyang anak ni Ezekiel, para magbago sa pakikitungo sa akin? Hanggang sa huli ay hindi ko malaman ang dahilan niya.
Ayos na ayos ang pagsasama namin noon. Nasa proseso pa lamang ako ng pag-aaral na mahalin siya, pero lahat ng napundar kong attachment at affection para sa kaniya ay nagiba sa paulit-ulit niyang pananakit sa akin.
Hindi ko matanggap... na ang lalaking pinili ko ay tinalikuran ako at inabandona na parang isang basura.
Ang sakit at pait ay nakaimprinta lamang sa puso ko.
"Once I find that guy, he's going to be dead anyway," he sneered. "Why don't you bury your memories with him on the ground in advance?"
Of course, you'd kill him. Ilang beses mo na 'yong sinabi sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/365079590-288-k571625.jpg)
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...