"SERENA! Ano at gising ka pa? Sa'n ka nanggaling?"Bumalik lamang ako sa reyalidad nang pukawin ako ni Panying, nang aksidente ko siyang makasalubong sa paglalakad ko pabalik sa kwarto.
"P-Panying..." nanlalambot akong napakapit sa kaniya.
"Oh! Anong nangyayari sa'yo?" iritado man ang boses ay maingat niya akong inalalayan upang hindi bumagsak mula sa aking kinatatayuan. "Bakit ba?"
"S-Si Ezekiel..."
Narinig ko ang paglunok niya. "N-Nakita mo ba 'yung dala-dala niyang bata? Kaya ka nagkakagan'yan?"
Nanlalaki ang mga mata kong sinalubong ang paningin niya, nabura agad sa isip ko ang gustong sabihin kanina. "B-Bata?"
Tumango siya. "Oo. 'Yung batang lalaking karga-karga niya pagpasok kanina. Hindi ko lang sigurado dahil hindi ko nakita ang mukha..." bumulong siya. "Pero ni minsan ay hindi pa siya nagdala ng bata rito sa loob. Kaya baka ang duda ko ay... anak niya sa labas."
Tagilian ako at ilang beses na napakurap. "Alam niyo ba kung saan niya dinala ang bata?"
"Ay malamang sa kwarto niya, eh duon siya dumeretso, eh!"
Agad akong nanabik. Ang natitirang katinuan ko na lamang ang nagsabi sa aking huwag magpadalos-dalos.
"G-Gano'n ho ba..." tumayo ako ng tuwid at bahagyang niyuko ang aking ulo.
"Umaasa ka bang magkakabalikan pa kayo ni sir Heskel, Serena?" pagkuwestiyon niya sa akin, hindi hinahaluan ng pagiging masungit, kundi kuryoso niya lamang tanong sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Kung ako ang tatanungin mo..." nagsalubong ang kilay niya panandalian bago sumusukong napabuntong-hininga. "Oo na, hindi naman ako bulag para hindi makita. Ayaw ko mang sabihin, pero inisip ko nang may natitira pang pag-asa na magkabalikan kayong dalawa. Hindi mo alam kung gaano ka-ingat sa'yo si sir Heskel, sa totoo lang. Ako lagi ang nabubulyawan niya dahil sa'yo. Matagal ko lang kayong inoobserbahan dalawa. Kaya alam kong may pag-asang maging kayo sa pangalawang pagkakataon. At aaminin ko na ring tutol parin ako, para alalahanin ang nangyari noon? Ayaw kong magmukha na namang abandonadong tao si sir Heskel dahil sa'yo. Kaya kung kanino man ang batang dala-dala niya, wala kang karapatan para mag-drama diyan at masaktan kung umasa ka ring magkakabalikan pa kayo."
Hindi ako nakatugon o piniling tugunan ang sinabi niya. Nanatili akong tahimik, at tinatak sa isipan ko ang mga salitang binitiwan niya.
They all see Ezekiel as the victim, and he himself thinks so too.
There is something wrong with everything.
"Oh siya! Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga. Ibinilin ni sir Heskel na 'wag mag-ingay tungkol sa batang dinala niya kaya 'wag mo na 'yong isipin."
Sa kung anong dahilan ay hindi masungit si Panying ngayon sa akin.
Tumango na lamang ako, nagpanggap na babalik sa aking kwarto. Saka ko siya nilingon at pinanood ang paglihis niya ng landas patungo naman sa sarili niyang silid.
Nang makitang tuluyan na siyang nawala ay dali-dali ngunit tahimik akong tumakbo paakyat sa mahabang hagdanan.
Si Ezekiel ay nananatili sa lugar kung saan ko siya nahanap at iniwan para maglasing. Kung kaya't malaya kong napasok ang kwarto niya ng tahimik.
Hinihingal at binagalan ko ang paglalakad patungo sa malaking kama sa loob, kung saan ko nataatanaw ang napaka-pamilyar na imahe.
Wala pa man ay nanginginig na ang mga labi ko sa pagbabadyang paghagulgol. Pilit kong binura ang panlalabo ng aking mga mata upang malinaw siyang makita.
Naupo ako sa gilid ng kama kung saan malapit siyang nakahiga, mahimbing na natutulog.
"Duziell, anak..." kinagat ko ang ibaba kong labi, pinapatahimik ang sarili nang gayon ay hindi siya maistorbo.
Ilang buwan na ba ang lumipas magmula noong huli ko siyang nakita? Magkakalahating taon na rin ang tinagal.
"Umm..." nalukot ang mukha niya bigla. Kahit na anong tahimik ko ay unti-unti paring nagmulat ang mga mata niya.
Matagal niya akong tinitigan, animoy hindi pa ako naaaninag ng tuluyan. Napakakalmado niyang tinaas ang kamay niya para humawak sa kamay ko.
"M-Mommy?" sa napaka-cute niyang boses ay bumalangkas doon ang impit na hikbi, kasabay ng pangingilid ng mga luha niya. "Are you really here?"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili at mabilis na binuhat ang maliit niyang katawan saka mahigpit na kinulong sa aking mga braso upang yakapin dala ng labis na pangungulila.
"Y-Yes, Duzzy, mommy's here. I'm here." walang katapusan ang pagbagsak ng mga luha ko. "N-Nagkita na rin tayo sa wakas, mahal ko."
"Mommy!" nagpapanic siyang yumakap sa akin pabalik. Ngayon ay muli kong naririnig ang malakas niyang pagngawa, kung kaya't nahaluan ng tawa ang pag-iyak ko.
He cried like it's the end of the world. He hugged me like we're going to part at any second now.
"W-Why did mommy leave me for a long time?" baby pa man ay mukhang may hinanakit na siya agad sa akin.
"Mommy has no other choice, baby." dinuyan ko siya sa aking bisig. "But I promise, I'll never leave you again."
Marahil ay dahil madalas ko siya kausapin sa salitang ingles at hindi pagbe-baby talk sa kaniya magmula nung isilang siya, ay napakagaling na niya ngayong magsalita.
I always believed he's a gifted child, if only he's a healthy child as well, then maybe I'll be reassured.
Halos isang linggo akong hindi nakatulog, nakakakain ng maayos, o makapagpahinga man lang dala ng huling banta ni Ezekiel bago siya umalis.
Wala akong ibang inisip kundi ang kapakanan ng anak ko. Kung anong gagawin sa kaniya ng lalaking 'yon. Wala akong ibang ginawa kundi ang magdasal na sana'y ligtas siya at makita ko ng buhay. Kaya't laking pasasalamat ko ngayon na lahat ng kahilingan ko ay natupad. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Si Ezekiel...
Why has the DNA result turned out to be unmatched? Bakit sinasabi niyong... hindi si Ezekiel ang biological father ni Duziell?
At lahat ng sinabi ni Ezekiel sa akin na ngayo'y hindi ko parin magawang isaulo ay nagpapalambot sa buo kong kalamnan at puso.
He's... in love with me way before I heard his name?
Ako ang ginawa niyang salvation noong mga panahong wala siyang makapitan?
Hindi totoong may nararamdaman siya para kay Marian?
Binaon niya si mama sa pagkakautang para pitilin akong pakasalan?
At may sinasabi si Raquel sa kaniya tungkol sa mga hinanakit ko?
Habang pilit kong inaalala ang mga nangyari noon, I always refrained from backstabbing my own husband. It was Raquel who always reacted violently against him... and fed words into my mouth.
"Mommy? Is something wrong?" pinukaw ako ng anak ko.
Pinunasan ko ang sipon na tumutulo mula sa ilong niya at matamis na ngumiti. "Nothing's wrong."
"I-Is... is daddy here?" naroon ang takot sa mga mata niya, halos ibulong niya pa iyon sa akin.
He still called him 'daddy', kahit na ilang beses siyang pinagtatabuyan ni Brantley at pinagsasabihan na huwag siyang tawagin ng gano'n.
It's all my fault. I wanted him to have a father he could address, so I always let him.
Ang pangako ni Brantley noon na magiging responsable, kahit hindi siya ang tunay na ama ay hindi niya tinupad.
Masyado akong uto-uto at inosente para mapaniwala ng mga matatamis na salita.
"He's not here," hinalikan ko si Duziell sa noo. "I can assure you that he can't hurt you anymore. That's a promise."
"Pinky swear?" nilahad pa niya ang napakaliit niyang hinliliit na daliri.
Hindi ko mapigilang mapangiti hanggang tainga. "Pinky swear." pinagbuhol ko ang hinliliit ko ring daliri sa kaniya bago siya muling niyakap ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...