KABANATA 61

169 1 0
                                    


Naging abala ang lahat ng tao sa mansyon sa ilalim ng tuntunin ko, na paminsan-minsan lang sininasaluhan ni Ezekiel. Halos sa lahat ng oras ay hinahayaan niya akong magpasiya at gawin ang gusto ko, at masaya pa siya sa ideyang iyon.

At syempre, ako yata ang pinakamasaya.

"Davina, dahil malaki naman 'yang katawan mo, ba't 'di mo buhatin 'yang lumang sofa palabas ng mansyon? Huwag mong ideretso sa basurahan, dahil hindi naman sira-sira o madumi 'yan. Baka may isa sa mga trabahante ang gustong kumuha niyan kaya i-display mo lang sa labas at alukin sila." pagtiyak ko sa aking utos sa kaniya.

Gano'n na lang kalukot ang ekspresyon sa mukha niya. "Ma'am Serena, trabaho 'yan ng mga lalaki nating trabahante, ang magbuhat. Para saan pa't hinire sila ni sir Heskel kung aagawan ko lang din ng trabaho?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh gusto ko ikaw ang gumawa, eh. Pang-lalaki naman katawan mo, kaya kayang-kaya mo 'yan!"

Gusto kong matawa sa pagpangit ng ekspresyon niya sa mukha. Subalit ginalingan ko ang pag-arte ng arogante.

"Ma'am Serena, hindi naman po yata tamang—"

"Ezekiel!! This maid is disobeying me!" Malakas kong sigaw kay Ezekiel, na siyang nakadungaw mula sa second floor, kasama si Duziell na naglalaro ng Lego.

Subalit bago pa siya makapagsalita ay kaagad nang nakakilos si Davina upang buhatin ang malaking sofa.

"P-Pasensya na po ma'am, sir!" Nagmamadali niyang sinunod ang iniutos ko hanggang sa mapanood ko siyang makalabas ng pinto.

"Haha!" Hindi ko maiwasang mapatawa sa itsura ni Davina. Nang tingalain kong muli si Ezekiel ay nakita ko rin ang pagtawa niya sa akin.

"You're doing a great job, my wife!" nag-thumbs up pa siya.

"Papa, help me find the parts!" dinig kong pangungulit sa kaniya ni Duziell.

Sinenyasan ko siyang atupagin ang anak niya na ginagawa siyang kalaro at alila, na agad naman niyang tinuunan ng pansin.

Natutuwa rin ako sa kumpiyansa ni Duziell kay Ezekiel. Hindi siya katulad tuwing kaharap si Brantley. Palagi lamang siyang nakatago sa aking likuran at hindi matingnan sa mga mata ang hayop na 'yon. Samantalang kapag na kay Ezekiel siya ay para bang nakapa-komportable at panatag niya.

"M-Ma'am Serena, natapos ko na hong itapon lahat ng basura... ano pang iuutos niyo?" pilit na pagbigay galang na tanong sa akin ni Baby.

Umakto akong napabahing. "Kaya pala may naamoy akong mabaho, ikaw lang pala. Oh, tanggalin mo na 'yung mga kurtina at ang outdated na ng mga 'yan tingnan. Don't even try to wash them and bring them back; ipamigay mo na 'yan sa kung sinong gustong kumuha. Gamitin mo ang nilabas ko."

"Yes po, tatawagin ko lang si Eza para tulungan ako—"

"Ay hindi. Ikaw lang ang inuutusan ko. May iba akong inutos sa kaniya."

"P-Pero mataas ang pagsasabitan, hindi kakayanin ng isang tao lang—"

"Tingnan mo nga 'yang katawan mo? Kakasya diyan dalawa o tatlong katao. Magagawa mo 'yan mag-isa. Kayanin mo, kung hindi, pwede ka nang mag-impake ngayon pa lang."

Natikom niya ang bibig niya at matunog na napalunok. "G-Gagawin ko na ho, ma'am Serena."

"Hmp!" tinalikuran ko siya aat naglakad patungong kusina.

Ilang beses nilang ininsulto at kinawawa ang katawan ko. Kaya bakit 'di ko rin sila titirahin sa ganoong paraan ngayon? Hindi ako titigil hanggat sila na mismo ang sumuko at kusang umalis sa mansyong 'to. Dahil ang tahanan namin ay hindi tumatanggap ng mga anay.

Lalo pa't sila-silang mga babae ang halatang may gusto kay Ezekiel. Anong malay ko at bigla nilang gapangin sa kama si Ezekiel?

Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan, nandidiri at naiirita na ako.

"Freya! Ayos ka lang ba diyan? Kanina ka pa yata nagluluto, pahinga ka muna." naupo ako at pinanood si Freya na patuloy sa paghahalo sa malaking kawali.

Nginitian niya ako ng pagkalaki-laki. "Naku, ate! Okay lang ako rito, sanay na ang mga braso ko sa pagluluto! T'saka maraming trabahante ang paniguradong nagugutom na."

"Kailangan mo ba ng tulong? Tulungan na kita diyan." tumayo agad ako.

"Hala, ate! Mananagot ako sa asawa mo niyan!"

"Ano ka ba! Ika nga niya 'do whatever you want', wala lang 'to! Magaling din naman ako magluto, 'no."

Wala siyang nagawa kundi ang hayaan ako. Nasa isip ko na ang mag-hire ng iba pang mga kusinera dahil siya lang ang halos nagte-take over dito sa loob, magmula ng tinanggal halos lahat ni Ezekiel ang mga taong nagpapakain sa akin ng mga tirang pagkain noon.

Kung pipili lang din ako ng mga tao, titingnan ko ang mga ugali, nang wala ng mga bully dito sa loob. Hindi maganda isipin, lalo na't baka maimpluwensyahan ang anak ng mga ugali nila.

Hmm... kailangan ko rin pala ng taga-bantay ni Duziell tuwing abala na ako sa susunod dahil sa plano namin ni Ezekiel, at papasok na rin siya sa trabaho sa susunod na linggo.


***

"Hmm? You want to hire a nanny for our son?"

"Oo sana," napanguso ako. "Pero hindi ko kayang magtiwala sa kung sino-sinong tao lang. Lalo na sa mga maids dito sa mansyon! Si Freya naman laging abala sa kusina, ayaw kong dagdagan ang trabaho niya. Si Panying, dahil trabaho na niyang bantayan at asikasuhin lahat sa mga katulong at tao rito sa loob, hindi niya matutuunan ng pansin ang anak natin."

"Come, sit on my lap." pinakandong niya ako sa kaniya at niyakap.

Sumandal ako at naglambing sa kaniya. "Syempre sa susunod, pareho tayong magiging abala sa 'bagay' na 'yon hanggat umaaligid pa sila. Kailangan natin i-secure ang kaligtasaan ni Duziell."

"Yes, of course." pinatong niya ang kaniyang ulo sa aking ulo. "I'll also give two of my best guards to our son for his safety. Kung sa nanny, bakit 'di na lang 'yung nagbabantay sa kaniya sa China? That woman was willing to risk her life to protect him."

"Sa China?" napaisip ako at agad na nanlaki ang mga mata ko. "Si Haleanna!! Oh gosh! Bakit ngayon ko lang siya naisip! What happened to her? Anong ginawa mo sa kaniya?!" inalog-alog ko siya.

Napangiwi ang labi niya. "What? You think I killed her?"

"Eh, anong ginawa mo kung hindi! Sabihin mo sa 'king ligtas siya!"

"Well..." guilty siyang napaiwas ng paningin. "She was annoying and didn't let go of Duziell, so... I kinda locked her up in umm.. our secret hideout. But don't worry, Ramil always gives her food so she'll survive—."

"Ezekiel!!" pinaghahampas ko siya! "She's my best friend! Nu'ng nagugutom ako, siya lagi nagbibigay sa 'kin ng pagkain, kahit wala na rin siyang makain! T'saka inaalagaan niya si Duziell ng mabuti! How dare you lock her up! T'saka ano 'tong secret hideout!"

"I'm sorry! Tatawagan ko na si Ramil para pakawalan siya—Wait? Did you just told me ginugutom ka ro'n?"

"'Wag mo nang ibihain ang usapan! Dalhin mo siya sa 'kin ngayon din!" pagalit at alala kong utos. "Hindi niyo naman siya sinaktan o pinagkaisahan, ano?!"

"Of course not!" nanindigan niyang tanggi. "Nakakulong lang siya ro'n."

"Sa secret hideout?! Kulungan ba 'yan ng mga kaaway niyo?"

"Well, kind of," hindi siya makatingin sa 'kin ng deretso. "There's a prison there for m*therf*ckers."

Nasapo ko ang noo ko. "Oh, no. Haleanna..."

"She's alive and well, don't worry. Why don't we talk about how that fucking asshole, Brantley, treated you there, huh?" nandilim ang paningin niya. "Soon he'll be tortured in that same prison of m*therf*ckers."

Mariin akong napapikit at napabuntong-hininga.

Ezekiel is really ruthless. Napailing-iling ako sa ugali ng aking asawa.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon