KABANATA 19: Forced in Bed
“Magnanakaw ka!” Umaalingawngaw ang tinig ni Baby, galit na galit na nakaduro sa akin habang hawak-hawak ko ang cellphone niya.
Sunod-sunod at matutunog akong napalunok. Tinago ko sa aking likuran ang cellphone, natatakot na nakatingin sa galit nilang mga mukha.
“Kaya pala kanina ko pa hinahanap ‘yan at ‘di nakikita! Kung ‘di pa sinabi ni Eza na kahina-hinala ‘yang kinikilos mo kanina ay ‘di pa namin malalaman! Akin na ‘yan!”
Mabilis na nakasugod sa akin si Baby. Nagpapang-abot ang kaba at takot sa dibdib ko. Subalit imbes na ibigay ay mahigpit kong hinawakan ang cellphone niya sa aking likuran, pinipilit makipag-agawan sa kaniya!
“Ibigay mo sa 'kin, ano ba?!” sa taba ng katawan niya ay kahanga-hanga na nahihirapan siyang kunin ang cellphone niya sa manipis kong kamay.
“Ang kapal ng mukha mo!” Nagulat ako nang sumugod din sa akin si Davina para tulungan ang kaibigan niya.
“Serena, magtigil ka na!!” Boses naman ni Panying ang sumakop sa lugar.
Subalit wala sa kanila ang sinunod ko. Hindi ko puwedeng ibigay ang cellphone nang hindi ko nabubura ang contact information ni Haleanna!
Masaktan na ako sa mga kalmot, sabunot, at sampal nila ay hindi ko parin basta-bastang isusuko ito!
Tinangka ko silang kalasan at takbuhan subalit nabigo akong gawin iyon nang kompleto.
Nakatakas nga ako sa kamay nila Davina at Baby, pero hindi naman ako nakatakas sa laki ng katawan ni Ezekiel.
Kaagad akong nanginig sa sobrang takot sa presensya niya. Tila ba'y may maitim na awra siyang pinapakita ngayon. Madilim, walang anumang ekspresyon ang nakapinta sa mukha niya subalit sumisigaw roon ang kamatayan.
Niyakap ko ang cellphone palapit sa aking dibdib. Puno ng takot siyang tiningala saka makailang beses na napaatras. Hinawakan naman kaagad ako nila Panying sa aking likuran.
“Talagang tatakas ka pa?!”
Nabingi ang tainga ko. Wala na akong ibang nakikita kundi si Ezekiel. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtitiim-bagang niya kasabay nang nanlilisik na paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko.
Unti-unti ay bumaba ng paningin niya sa yakap-yakap kong cellphone, sandali iyong pinakatitigan bago muling nag-angat ng paningin sa akin.
“Who the fuck are you contacting just now?” May pambabanta, nanggagalaiti niyang tanong sa akin.
Para akong napipi at hindi makapagsalita. Ni paghinga ay hindi ko magawa!
Kahit magkapatayan na ay hinding-hindi ko sasabihing may anak kaming dalawa at siya ang tinatawagan ko ngayon.
Hindi ko itataya ang buhay ng anak ko sa klase ng relasyon na meron kaming dalawa ni Ezekiel!
“Answer me, Serena. Or I'll kill whoever that—”
Walang pagdadalawang isip, walang pag-aalinlangan! Tinaas ko ang cellphone at buwelo nang malakas, bago buong puwersang tinapon ang cellphone sa sahig dahilan upang mawasak ito sa ilang piraso!
Hindi pa ako nakuntento, bago pa sila maka-react ay pinagtatadiyakan ko na ang screen ng cellphone upang tuluyang itong mabasag at masira!
“Aaahhh!! Ang cellphone ko!!” tunog na kinakatay na biik na napasigaw si Baby.
Nakakilos naman si Panying, malakas akong tinulak para matigil sa ginagawa, dahilan ng pagkahulog ko sa semento.
“Walang hiya kaaa!!” Halos maputol ang ugat ni Baby sa leeg. “Kakabili ko lang nito! Lahat ng importanteng bagay nandito sa cellphone ko!!”
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...