Kinaumagahan ay sabay kaming nagising ni Ezekiel dahil sa pagtunton sa amin ng makulit na si Duziell.
Kahit na pasilip pa lamang ang araw ay napilitan na kaming bumangon at gumayak para bumaba at mag-almusal. Sa hagdanan pa lamang ay naaamoy na namin kaagad ang masarap na pagkaing niluluto ni Freya, kaya mas naging excited si Duziell sa mga bisig ko.
"I want waffles! Waffles, waffles, waffles!"
"Yes, yes, you'll get waffles." natatawa ko siyang kinarga nang mahigpit para hindi siya mahulog sa bisig ko.
"Let me carry him." alok sa akin ni Ezekiel.
"Hindi na, kaya ko." Bumigat na si Duziell dahil sa laki ng timbang niya ngayon dahil sa dami ng mga kinakain niya, kasama pa ang mga bitamina at mataas na kalidad ng gatas na binibili ni Ezekiel sa kaniya. Pero kahit papaano ay nabubuhat ko parin siya nang hindi masyado nangangalay.
"He might fall. Careful not to—"
"SERENA!"
Sabay kaming tatlo na natigilan sa nakakabulabog na pag-alingawngaw ng sigaw na iyon sa loob ng sala.
Sunod-sunod na mga nagtatakbuhang guwardiya ang mabibilis na nagsisipagkilos para pigilan ang isang matandang babae.
Nang makita at mapagtanto ko kung sino iyon ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat.
Malayo ang itsura niya ngayon, kumpara sa itsura niya noong huli ko siyang nakita, tatlong taon na'ng nakakaraan.
"Mama?!"
Ang aking puso ay biglang kumabog sa kaba, isang kahalong pangamba ay siya ring bumalot sa sistema ko. Napako na ang paningin ko sa kaniya.
"What the heck is she still doing here?" gano'n na lang din ang pagbabago ng tono ng boses ni Ezekiel, ang kausap ay mga tauhan niya. "Sinabi ko nang 'wag niyo siyang hayaang makapasok, hindi ba?"
"B-Boss, pasensya na po talaga! Pero naisahan niya kami!" Halata ang panginginig nila sa takot.
Sunod-sunod akong napalunok at wala sa sarili kong pinasa si Duziell kay Ezekiel bago tuluyang bumaba ng hagdanan.
Ezekiel mentioned to me once that my mother is desperate to have contact with me. He also expressed his disapproval of meeting my mother again, at naiintindihan ko naman ang rason niya.
Maraming bagay ang hindi magandang ginawa sa akin ni mama simula pagkabata. Ni wala nga akong alaala na pinrotektahan niya ako kahit isang beses laban sa lahat ng mga umapi sa akin.
She wasn't always there. She was never there. Ang inuuna at inaalala niya lang ay ang sarili niyang reputasyon sa publiko.
But she looked very miserable now. Ang kasuotan niya ay maruming daster na halatang napaglumaan na. Walang makikita ni isang alahas sa katawan niya. At gano'n na lang din nasira ang noo'y maayos niyang buhok. Tatlong taon lang kaming hindi nagkita, pero ang tinanda niya ay parang mas higit pa roon.
"S-Serena..." nang magtama ang mga mata namin ay naluluha-luha na siya sa desperasyon at pangungulila.
Sa kung anong dahilan ay bumigat ang pakiramdam ko sa itsura niyang iyon. Dati-rati ay palagi siyang spoiled sa akin. Sobra-sobra pa sa kalahati ng sweldo ko sa pag-aartista ang napupunta sa kaniya, na halos wala na akong nabibili para sa sarili ko.
"Serena, p-pakiusap naman, oh? Kailangan kitang makausap," pakiusap niya, ang kaniyang tinig ay naglalambing na puno ng emosyon. "Alam kong nasaktan kita, pero nagbago na ako. Gusto ko lamang ng pagkakataon na itama ang mga bagay M-Miss na miss na kita... pakiusap, hayaan mo naman akong makapiling ka ulit, oh? Hayaan mo ulit akong magpaka-ina sa'yo, s-sige na?"
Naramdaman ko ang isang halo ng galit at takot na sumisibol sa loob ko. She exploited me at a very young age. She used my face and money to build her reputation in the upper class. She used that money for her own gain and used it for gambling. She was never a mother to me, kung iisipin. Kaya kung hindi niya nagawa noon, bakit naman niya maiisipang gawin naman ngayon? Unless she needs money,.
Sa isiping iyon ay nagsalubong ang kilay ko saka siya hinarap ng seryoso at may paninindigan.
"Ma, matagal ko nang pinutol ang koneksyon ko sa'yo. Wala na akong ibang inaasahan sa'yo kundi ang hayaan akong gawin ang mga bagay na gusto ko kasama ang bago kong pamilya. I am a mother now, and motherhood made me realize that you were never a good mother to me. Kaya hindi ko na kailangan ng tulad mo."
Pumatak ang mga luha sa mga mata bago lumuhod sa aking harapan na kinabigla ko pa.
"S-Serena, oo, mali ang paraan ng pagpapalaki ko sa'yo. Hindi ako naging mabuting ina at winalgas lahat ng pera na pinaghirapan mo. W-Wala akong kwentang ina sa'yo, inaamin kong lahat 'yon." umiiyak na aniya habang tingala-tingala ako. "P-Pero—"
"Ma, ano bang gusto mong mangyari? Bakit hindi mo na lang sabihin na kailangan mo ng pera? Kasi sinasabi ko na sa'yo na wala ka nang makukuha sa 'kin. Kung sino man 'yang mga pinagkakautangan mo at kung gaano man 'yan kalaki, wala ka paring makukuha sa akin kaya tigil-tigilan mo na ang pagluhod diyan!"
"H-Hindi! Hindi mo naiintindihan! Mali ka ng iniisip. Pakinggan mo muna ako, please?" paluhod siyang lumapit sa akin para kapitan ang mga kamay ko. Puno ng pakiusap na kinatikom ko ng bibig. "W-Wala nang natira sa akin, dahil gaya ng asawa mo ay sinubukan kong halughugin ang mga lugar mahanap ka lang. Siya ang nagtulak sa 'kin na hanapin ka at mag-alala naman sa kapakanan mo. N-Nagsisisi ako na pinabayaan kita. Hindi ko na rin matanggap ang biglaan mong pagkawala noon, dahil oo, nagalit ako no'ng malamang sumama ka sa ibang lalaki, kaya noong una ayaw wala akong ginawa! P-Pero palagi ka paring pumapasok sa isipan ko. P-Palagi akong minumulto ng konsensya ko! Ipinagbili ko lahat ng pag-aari ko para suyurin ang mundo, makita lang kitang buhay! K-Kaya hindi mo alam kung gaano ako naglupasay sa tuwa noong mapanood kita ulit sa TV. L-Lahat ng mga panalangin ko nagkatotoo! M-Miss na miss na kita, Serena. Humihingi ako ng kapatawaran sa'yo... sa lahat ng pagkakasala ko bilang mama mo."
Nabalot ng katahimikan ang buong paligid, at ang tangi niya lang paghagulgol ang maririnig sa lugar. "Hindi pa ako nangako sa'yo noon, Serena. Pero ngayon ay nangangako ako sa'yo... sisikapin kong magbago para sa maganda nating relasyon ulit. Hiindi ko inaasahan na agad mo 'kong mapapatawad, pero sana, bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ang mga sinasabi ko sa'yo ngayon."
Ang aking isipan ay napuno ng magkakasalungat na damdamin. Maaari ko ba talagang pagkatiwalaan ang mga salita niya? Totoo bang posible pang magkaayos kami at magkaroon ng magandang relasyon? Malaki na ako, alam ko sa sarili kong hindi ko na siya kailangan. Hindi na ako ngayon humihiling na sana ay mahalin naman niya ako bilang anak niya at itrato ng tama.
Pero gaya ng mga kasabihan noon... kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ay ina ko parin siya---ang nagluwal sa akin. Kung titingnan sa mabuting anggulo, kung hindi niya ako tinulak na mag-artista noon, ay hindi iibig sa akin si Ezekiel, wala siyang pagkukunan ng mga pantasya at dahilan para magpatuloy sa buhay.
Napangiwi ang labi ko at saka napalingon sa aking likuran kung saan tahimik na nanonood sa amin si Ezekiel karga si Duziell.
Nagtanong ang mga mata ko sa kaniya. Hinihintay ang magiging desisyon niya. Subalit nagbigay lamang siya sa akin ng tingin na 'ako na ang bahala at magdesisyon sa bagay na 'to.'
Pabuntong-hininga kong muling hinarap si mama. "Saan ka na ba nakatira ngayon? Ipapahatid na kita sa driver."
Napaintag si mama, bumagsak ang mga balikat niya na napayuko. "A-Ang totoo niyan, ang bahay na pinunadar mo para sa 'kin ay matagal ko nang binenta para may pera ako sa paglalakbay... na makita ka. P-Patawarin mo 'ko, anak. Sa ngayon nakikituloy lang ako sa paupahan, pero dahil hindi nakakabayad ay pinalayas na rin ako..."
"So, kailangan mo nga ng pera?" kinunutan ko siya ng noo.
Nanginig ang mga labi niya na muling sinalubong ang paningin ko. "Huwag mo sanang isipin na ang pinunta ko rito ay dahil lang sa pera... d-dahil ikaw ang rason kung bakit ako nandito ngayon."
Mabigat na buntong-hininga ang mabilis kong pinakawalan. "Kumain ka na ba?"
Nagpupunas na mga luha siyang umiling-iling.
"Fine," napakuyom ang palad ko. "Hahayaan kitang manatili rito ngayong araw habang ipapahanap kita ng bago mong matitirhan. Magbibigay na rin ako ng sapat ng pera sa pang araw-araw mo. Dadalaw ako sa'yo kung talagang nangungulila ka lang sa 'kin na anak mo. Pero ma, sa oras na makita kong wala ka paring pinagbago, hindi na ulit ako makikipagkita sa'yo." matigas kong pagdedesisyon.
Nagliwanag ang mukha niya. May impit na tili siyang napatayo at walang anu-ano'y yumakap sa akin ng mahigpit. "P-Pangako! Hindi kita bibiguin, anak! H-Hindi na ako magiging tulad noon... hindi kita bibigyan ng rason para magalit at kamuhian ako ng tuluyan!"
Napapikit ako. "Sana ma, 'wag mong biguin ang tiwalang ibibigay ko sa'yo..."
"Pangako 'yan, anak!" mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Siya na ba ang apo ko?" pagtukoy niya kay Duziell nang batid kong nakita niya ito sa bisig ni Ezekiel. "Ang gwapo-gwapo niya, anak! P-Proud ako sa'yo... proud ako na isa ka nang ganap na ina, Serena."
Namasa ng bahagya ang mga mata ko. This is the first time that she told me she's proud of me for being a mother. Kahit papaano ay lumambot ang puso ko sa sinabi niya, 'pagkat matagal ko rin iyong hiniling na marinig na lumabas sa bibig niya.
"Salamat ma."
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...