Kinaumagahan ay matitining na mga sigawan na ang mga bumungad sa akin. Kaya naman ang karga-karga kong si Duziell ay agad na napayakap sa leeg ko ng mahigpit."Anong nangyayari dito?" Umalingawngaw ang galit ngunit mababa kong boses sa paligid na kinatigil nila. "Hindi ba't mahigpit kong pinag-uutos na bawal na bawal ang pag-aaway at pagbubulyawan dito sa loob?"
Tinaliman ko ng mga masasamang titig sina Davina, Baby, at Eza. Kaagad namang nagsipaglapit sa gilid ko sina Haleanna at Freya. Lahat sila ay gutay-gutay ang mga buhok at lukot-lukot ang mga hunipormeng suot.
"Serena, bakit gan'yan ang mga ugali ng tatlong babaeng 'yan? Tama ba namang pagchismisan kayong mag-asawa mismo sa loob ng pamamahay ninyo? Kung ano-ano pang pinagsasabi! Pasensya na pero nakakainis kasi, ang sarap paghahambalusin ng mga mukha!" Alam ni Hal na may trauma sa mga malalakas na ingay si Duziell, kaya naman kahit mukha na siyang gigil na gigil na wari'y gustong bumulalas ay hinihinaan at binababaan parin niya ang tono ng boses niya.
"Chismis? Sa tingin mo ba'y chismis lang 'yon? Ikaw na bagong salta rito, sisipsip ka pa talaga sa 'senyorita' na 'yan! Palibhasa wala kang alam! 'Yang babaeng lang naman na 'yan ay pinagsasabay ang dalawang lalaki, walang kahihiyan! Ang lakas pang umarte na akala mo kung sino rito sa loob palibahasa pinapaburan 'yang mga kalandian niya! Nagsama pa ng anak sa labas—"
"Sumusobra ka nang hinayupak ka!" akmang susugod si Haleanna dahil sa pagkapikon nang agaran ko siyang mapigilan. "Ang bastos kasi ng ugali!"
"Buhatin mo si Duziell." Pinasa ko sa kaniya ang anak ko.
Ako ang sumugod kay Davina upang malakas na ipatama ang aking palad sa kaniyang pisngi. Umalingawngaw ang tunog niyon sa buong paligid, ramdam ko rin ang latik ng pagkakasampal ko sa kaniya. Napabaling sa kabilang gilid ang ulo niya at nagugulat doong napahawak.
"Simula sa araw na 'to, wala ka ng trabaho. Wala kang matatanggap na anumang sahod o pera mula sa 'min. Sisiguraduhin ko ring mahihirapan kang makahanap ng ibang trabaho, Davina."
Nalukot ng husto ang mukha niya. "Wala kang karapatan para gawin 'yan, Serena!!"
Muli na namang lumandas ang palad ko sa pisngi niya. "Sinabi nang bawal na bawal ang sumigaw sa mansyong 'to, bobo ka ba?"
"Napaka-kapal talaga ng mukha mo!! Isa ka lang namang malanding kaladkaring babae! Ano ka ba ngayon kung hindi dahil kay--S-Sir Heskel..." ang matapang niyang mukha ay bigla na lamang tumiklop, nabahiran ng matinding takot.
Napalingon agad ako sa aking likuran. Naroon na nga si Ezekiel na may blangkong ekspresyon sa mukha.
"What a vulgar choice of words you got there, and it's still so early in the morning." lumapit siya sa akin na may hindi pangkaraniwang ngiti sa labi. "That's it, wife. Let me handle them in the future, okay?"
Awtomatiko akong napalunok sa malambing ngunit kakakilabot na tono ng kaniyang boses, at madilim na awra ng kaniyang itsura.
"U-Um, okay," napakamot ako sa aking ulo. "Just don't be too harsh."
Lumawak ang ngiti niyang 'yon. "How can you be so kind?"
Ezekiel's face right now screams violence. Lalo pa't halos kagigising lang din niya.
"Don't worry. Leave this matter to your husband." binalingan niya ang tatlong maid na natatakot na nakatingin sa kaniya ngayon. "All of you are dismissed. Wait for Ramil to call for you."
"O-Opo, sir Heskel." Nagmamadali at nag-uunahan sila sa pag-alis.
Kung si Ramil ang susundo kina Davina, there's no way Ezekiel will not be harsh.
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...