KABANATA 42

152 2 0
                                    

Naging maayos agad ang pakiramdam ko kinabukasan dahil sa buong araw na pagpapahinga at sa pagtrato ng maayos sa akin ni Ezekiel.

Kakaibang enerhiya ang taglay ko ngayon. Kahit na sinabihan ako ni Ezekiel kanina bago siya umalis na 'wag kumilos ay nasa mood parin ako para maglinis.

Habang tiatanggal ko ang alikabok sa sala gamit ang maingay na vacuum ay hindi ko maiwasan ang humuni.

"Aba! Muling nabuhay ang senyorita!" sarkastikong nang-asar si Davina sa akin.

Gaya ng karaniwan, nakabuntot sa kaniya si Baby. May kanya-kanya rin silang hawak na mga panlinis.

Dahil nasa mood ako ay hindi ako nakaramdam ng pagkapikon sa kanila.

"Davina, dahil macho ka naman, pakitaas nga nitong sofa para ma-vacuum ko ang loob."

"Hoy!" nalukot agad ang mukha niya. Kusa siyang napahawak sa magkabila niyang braso. "Kakabawi mo lang sa sakit pero parang gusto mo nang makatikim ulit?"

"May masama ba sa sinabi ko?" napatawa ako. "Bibihira lang sa babae ang malakas gaya mo, be thankful."

"Echosera ka!" napikon si Baby. "Iangat mo 'yang sofa mag-isa mo! 'Wag mong mautos-utusan si Davina, ah!"

"Edi ikaw na lang. Tutal sa laki mong 'yan, paniguradong madali lang 'to para sa'yo."

"Bruha ka talaga!"

"GUYS!!!" sabay-sabay na napabaling ang mga ulo namin sa gawi ni Eza.

Pinanood namin siyang nagkakandarapangtumakbo patungo sa kinalalagyan namin. Punong-puno siya halo-halong emosyon. Hindi siya mapaakaling humarap kina Davina at Baby.

"Buksan niyo ang TV! Buksan niyo ang TV! Dalian niyo!!" natataranta niyang pag-uutos sa dalawa.

Napakunot naman ang noo ko saka pinatay ang maingay na vacuum para maki-isyoso sa kanila.

Ano na naman kayang ganap sa babaeng 'to na puno ng kasinungalingan?

"Ano bang nangyayari sa'yo?" may pagtataka ring tanong ni Davina sa kaniya.

"Bawal tayong manood ng TV, lalo pa sa oras ng trabaho!" anas pa ni Baby. "Ano bang meron?"

"Buksan--importanteng mapanood niyo 'tong interview!! Argh!!" Si Eza na mismo ang hindi mapakaling nagsaksak ng TV saka walang restriksyon 'yong binuksan gamit ang remote.

"Hoy! Nababaliw ka na! 'Pag tayo napagalitan ni Panying diyan!"

"Patayin mo 'yan, Eza! Ano ka ba naman!"

Bahagya akong lumayo sa kanila, kung sakaling dumating si Panying at baka madamay ako.

Nag-agawan na sila sa remote. Dahil gusto ng dalawa na patayin na agad ang TV, ngunit nagpupumilit si Eza na may ipapanood sa kanila. Hindi rin niya magawang magpaliwanag dahil inuunahan na siya ng halo-halong emosyon.

"Sandali lang! Kailangan niyo 'tong mapanood bago pa mahuli ang lahat!!"

"Ikakaltas 'to ni Panying sa sweldo natin 'pag nakita tayo, Eza!"

"Sandali lang naman kasi!"

Hinugot ni Davina ang saksakan kung kaya't namatay ang TV. "Tumigil ka na nga. Sabihin mo na lang sa 'min anong meron at atat na atat kang maay ipanood sa min?"

"Basta!! Hindi ko mapaliwanag! Argh!!" Napakakulit ni Eza na muling binuksan ang TV.

"Buksan niyo ang TV!!!" umalingawngaw sa lugar ang boses ni Panying mula sa aming likuran.

Sabay-sabay kaming napalingon sa kaniya. Ang reaksyon niya ay kapareho ng kay Eza.

"Buksan mo, dali!!" Inagaw pa niya ang remote na hawak ni Eza para siya ang maagbukas niyon at maaglipat-lipat sa ibang channel.

Ano bang nangyayari?

Muli akong naapaabante para tingnan ang screen ng television. Naguguluhan kaming tatlo nina Davina at Baby nang nagsipagdatingan ang ibang mga katulong at nagkumpulan sa harapan niyon.

Napuno ng ingay ang lugar. Napakunot ako ng noo at napaseryoso. Tinaasan pa ni Panying ang volume, at naagaw niyon ang puno kong atensyon.

Nang matitigan ko ang screen ay bumulagta sa akin ang mukha ni Mami Vic.

""Handa na ba ang lahat ng madla sa mainit-init at naguumapaw na pasabog na naghihintay sa ating lahat!?""

Naroon parin ang kasiglahan ng host na iyon at ang kaniyang show. Ang pinagkaiba lamang ay nalipat sa tanghali ang kaniyang oras.

Mayroon din kaming closeness dalawa sa showbiz dahil ilang beses akong na-feature sa show niya at nagkakasama kami sa iilang palabas, kung saan gumaganap siya bilang extra.

""Sa loob ng tatlong taon! Take note, ah? Tatlong taon siyang nawala sa showbiz kasama ng kaniyang ka-loveteam! Na hanggang sa ngayon ay naging usap-usapan kung nasaan na ba nga talaga sila! For the whole three years they left us wondering... finally! Finally!! Masasagot na lahat ng ating mga katanungan!""

Kaagad na nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Mami Vic sa loob ng screen. Mas lalong nag-ingat ang mga audience. Napuno ng hiyawan at palakpakan.

A-Anong...

""Nakilala siya sa taglay niyang kagwapuhan at talento sa pagkanta! Sumikat nang makatambal ang isang beteranang actress!""

Bumilis ang naging pagtibok ng aking puso. Napatulala ako sa kaniya kasabay ng paglalim ng aking hininga.

""Ang nagpakilig sa ating lahat at pumukaw sa 'ting puso! Sa angkin niyang talento sa pag-acting ay talaga namang naakit lahat---hindi lang mga kababaihan, bata o matanda! Let's all welcome...""

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang matapat ang camera sa isang banner. Kung saan nakalagay doon ang aking mukha... kasama si...

""Brantley Maxwell!!""

""Aaaaahhh!!!"'

""Sereley! Sereley! Sereley!!""

Unti-unti ay pinakita ang pagdating ni Brantley sa stage kasama si Mami Vic, kung saan sila nagyakapang dalawa.

Napakapresko, walang pagbabago, subalit mala-anghel ang paraan ng pagngiti niya ngayon sa harapan ng mga tao.

Naramdaman ko ang panghihina ng aking mga binti. Anumang oras ay bibigay na ako mula sa kinatatayuan.

Matapos niya akong marahas at walang puso na ibenta sa black market... mapapanood ko siya ngayon sa harapan ng screen...

"Oh my god!! Totoo nga ang naka-post sa social media ngayon-ngayon lang!"

"Shocks! Mag-aartista na ba siya ulit?"

"Si Serena oh..."

Sari-saring bulungan mula sa mga katulong ang nangibabaw bukod sa napakalakas na hiyawan mula sa screen ng TV.

Nararamdaman ko ang mga paningin nila na nakatutok sa akin at kay Brantley pasalit-salit. Tila'y maay gusto silang ipahiwatig sa mga tinginang iyon.

Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Davina. Subalit halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan. Ni hindi ko magalaw ang ulo o mga mata ko. Napako na iyon sa mukha ni Brantley.

He looked so perfect... like he never abuses anyone.

How can he still smile so innocently and sweetly after what he did to me?

Why... Why is he showing himself again?

A-Anong balak niyang gawin?

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon