KABANATA 49

11 0 0
                                    


"I'm almost done." ani Ezekiel, habang inaayos ang kaniyang necktie sa harapan ng salamin.

"Sa tingin ko mas bagay sa'yo 'yung kanina mong suot na necktie."

Though he wasn't asking for my opinion, I still blurted it out. Dahil mas naco-complement ng navy blue color ang itsura niya ngayon kaysa ng black.

Nahinto siya sa ginagawa at napalingon sa akin. "Which necktie?"

"'Yung navy blue."

Mabilis niyang hinubad ang sana'y maayos ng black necktie bago kinuha muli ang isinuhestiya ko.

"Do you mind?" Naglakad siya papalapit sa akin at inabot iyon.

Wala sa sarili ko iyong tinanggap. "Anong gagawin ko rito?"

"Isuot mo sa 'kin."

"Um?" nag-atubili ako, ngunit nauna nang umangat ang nga braso ko para paikutin iyon sa leeg niya. "Okay."

Binaba niya ang sarili niya upang hindi ako mahirapan sa agwat ng tangkad naming dalawa.

Dahil gumanap na ako sa role bilang asawa sa mga teleserye ay natutunan kong gawin ang bagay na 'to.

It's the first time I'm going to do this with him, though.

"You should sleep in this room with our son when I'm away," aniya. "Hindi ko alam na sa gano'ng klase ka ng kama natutulog. It will be difficult for him to sleep on that as well."

Napakurap ako, hindi siya matingnan sa mga mata. "Pwede namang siya na lang ang bigyan ng kwarto..."

"I will. But you're not going to sleep in that room anymore as well."

"S-Saan na 'ko matutulog?"

"Sa'n pa ba? Obviously, sa tabi ko," he sneered. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong halikan sa labi! "Shall we... go back to our old bedroom?"

Bumakas sa alalaa ko ang nasaksihan noon. Sa sarili naming kama... ay kasama niya si Marian.

Natigilan ako. Kapagkuwan ay umiling-iling. Nanlumo kong pinagpatuloy ang pag-aayos sa necktie niya.

"Nevermind. That room is full of bad memories anyway..." mahina niyang sambit.

Ano naman, kaya ang tinutukoy niya? Batid kong magkaiba kami ng nasa isipan ngayon.

"Okay na," bahagya kong tinapik ang matigas niyang dibdib nang magtagumpay sa ginagawa.

Akma na sana akong lalayo nang hawakanniya ang baywang ko at ihigit papalapit sa kaniya. Muling naglapat ang aming mga labi.

Napapikit ako nang magsimulang gumalaw ang ulo niya at laliman ang paraan ng paghalik sa akin.

"Mhmm..." binuka ko ang aking bibig nang kumatok ang kaniyang dila. Malugod ko siyang tinanggap, at halos malunod sa kaniyang halik.

Kusang pumulupot ang aking mga braso sa kaniyang leeg kasabay ng paghigpit ng pagkakayakap niya sa baywang ko. Nakakakili sa tainga ang mga halinghig na pinapakawalan niya, maging ang tunog na binubuga naming dalawa.

Naramdaman ko ang pagbaba ng malikot niyang kamay sa aking puwetan at mahigpit iyong pinisil.

"Ahm!" tinangka niya akong buhatin.

"Mama? Papa, what are you doing?"

Parehong napamulat ang mga mata namin ni Ezekiel nang magsalita si Duziell. Agad ko siyang natulak papalayo sa akin at natatauhang napalingon sa anak kong kanina'y nanonood ng TV habang nakaupo sa couch ng kwarto, at ngayo'y may pagtatakang nakatingin sa amin.

"D-Duzz, nothing, baby." matamis akong ngumiti at inayos ang sarili ko.

Nakalimutan kong nandito rin pala ang inosente kong anak!

"Tsk!" natatawang sumighal si Ezekiel at yumakap sa akin mula sa likuran. "He's only two, he won't remember."

"My son is intelligent---No, he's a genius for his age. Alam mo bang four months old pa lang siya, alam niya na ang word na 'mama' at 'I love you'?" proud kong sabi.

"How would I know?" binaon niya ang mukha niya sa aking balikat at humigpit ang pagkakayakap sa akin. "I wasn't there, and you weren't here."

"Oh,"

Napapalunok kong binalingan si Duziell na halatang kuryosong nakatingin sa aming dalawa.

"Are you... hurting, mama?" nahirapan siyang bumaba ng couch at may maiiksing biyas na tumakbo palapit sa aming kinatatayuan. "Mama can't breathe! Let go!"

Lumambot ang puso ko at tinapik ang mga braso ni Ezekiel ni nakapulupot sa aking baywang, agad naman niya akong pinakawalan.

Kinarga ko si Duziell at hinalikan siya sa noo. "Mama's okay. I can breathe."

Mahigpit siyang yumakap sa leeg ko at hindi ako pinakawalan. "Don't cry, mama..."

"Mama's not crying. I'm fine." mariin akong napapikit. Ang katagang iyon ang lagi niyang sinasambit tuwing iniisip niyang nasasaktan ako. Kahit pa hindi ako umiiyak o nagpapakita ng kahinaan sa harapan niya, alam ko paring batid niya. Dahil mataas ang emotional intelligence ni Duziell para sa edad niya, at maaga siyang namulat sa mga ganoong eksena.

Still, I'm sure he will easily forget about the past because he's still very, very young.

Nang magmulat ako ng mga mata ay nasalubong ko ang madilim na mukha ni Ezekiel. May ngisi man sa labi ay halatang seryoso siya.

"I don't like the way he's reacting to things. Your lover must have had some bullshit in his hand with you and this kid."

Matunog akong lumunok at napaiwas ng paningin. "Don't say he's my lover anymore."

"Seriously, what the fuc—I mean, what did that fucke-eherm do for him to react like this?" pagtukoy niya pa kay Duziell, pigil ang pagmumura.

I appreciate how he's trying hard not to curse, but my son is already immune to it, so he won't react to it.

"Hindi ito ang oras para pag-usapan. Hindi ba't papasok ka pa sa trabaho? Pagkatapos ng isang linggo, du'n lang tayo malayang makakapag-usap." T'saka kailangan ko pang ihanda ang sarili ko sa mga sasabihin ko para wala akong makaligtaan.

Nagpakawala siya ng malakas na buntong-hininga. Mas lumapit siya sa amin upang biglang yumakap. Nagulat pa si Duziell at napatingin sa kaniya.

"I'm not hurting you; I'm hugging you and your mama, kiddo." agad niyang paliwanag.

Kanina pa nanlalambot ang puso ko. Hindi ko mapigilang mapangiti ng sinsero at pigilan ang maging emosyonal sa tamis at init ng yakap na iyon.

Ezekiel, if you keep behaving like this, wala akong magiging laban sa'yo. Wala na namang magiging laban ang puso ko. Lalo na ang anak ko.

"I will come back as soon as possible. I'll try not to last working for a whole week." saad niya nang humilay sa pagkakayakap.

May pag-aalala ko siyang tiningala. "'Wag mong i-overwork ang sarili mo. Hindi naman ako mawawala rito... maghihintay ako."

Sumilay ang marahang ngiti sa labi niya. "Thank you, Serena."

Sinamahan ko siya sa pagbaba ng hagdan at hinatid patungo sa sasakyan niya. Nagbitaw pa siya ng huling dampi ng halik sa aking noo, bago tuluyang nagmaneho palabas ng mansyon.

Kumaway ako sa papalayong sasakyan, at ginaya rin naman ako ni Duziell na kinatawa ko pa.

Why do I feel... like we're family now, all of a sudden?

"Hindi ba't... ayan ang anak ni Brantley at Serena?!"

Gulat akong napalingon sa likuran at nakita roon sina Davina, Baby, at Eza, maging ang tatlo pang katulong.

"Totoo nga ang chismis!" bulalas pa ni Davina, may nakalolokong ekspresyon sa mukha. "Ang kapal ng mukha mo para pati 'yang anak mo sa labas ay dalhin mo pa rito sa loob!!"

"Mama!" agad na natakot si Duziell sa aking bisig sa pagsigaw ni Davina.

Nandilim ang paningin ko at mahigpit siyang niyakap.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon