KABANATA 51

13 0 0
                                    


"Kung sasabihin ko ba, pakikinggan mo talaga ako, Panying?" nanlulumo at kinakabahan kong tanong sa kaniya. "Paniniwalaan mo naman kaya ako? Kasi simula nang nagbalik ako rito... wala akong ibang narinig sa'yo kundi panghuhusga at pangiinsulto sa buo kong pagkatao. P-Pinagbuhatan mo ako ng kamay, kahit na hindi mo pa naririnig ang side ko. Kaya bakit ngayon pa, Panying?"

"P-Patawad, Serena, pero hindi mo ako masisisi." kaagad na namula ang mga mata niya. "Halos magpakamatay si sir Heskel, bumalik ka lang."

"A-Ano?"


"Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang makita siyang nagkakagano'n—nababaliw sa kahahanap sa'yo. Lagi niya akong tinatanong kung umuwi ka na raw ba, kung nasa'n ka na, at kung kumusta ka na kaya? A-Ano bang masasagot ko sa kaniya? Hindi ko alam kung bakit ka naglayas. Hindi ko alam kung bakit ka sumama sa ibang lalaki. Basta na lang, pagbalik ko isang araw, madadatnan kong wala ka na."

May bumara sa lalamunan ko. Hindi ko mailarawan sa isipan ko ang naging epekto ng pag-alis ko sa mansyon kay Ezekiel.

Sadyang hindi ko makitang malulungkot, umiiyak, o magwawala siya sa paglisan kong 'yon. Ang itsura niya sa imahe ng aking isipan ay matutuwa pa siya dahil wala na siyang magiging problema sa pagsasama nila ni Marian.

"A-Anong... pinaggagawa ni Ezekiel nung umalis ako?" kabado ngunit lakas na loob kong tanong sa kaniya. "Anong nangyari pagkatapos ng pag-alis ko at pagsama kay Brantley—hindi, ikwento mo sa 'kin lahat ng nalalaman mo, Panying."

May paninindigan ko siyang tinitigan sa mga mata. Alam kong pag-uusapan din namin ni Ezekiel ang bagay na 'to sa oras ng pagbalik niya. Pero kailangan ko ring pakinggan ang pinagmumulan ni Panying.

Matunog siyang lumunok at saka tumango. Inalala niya ang mga nakaraan bago nagsimulang ikwento sa akin ang nangyari.

"Dahil nagka-problema sa probinsya, kinailangan kong umuwi sa 'min. Ilang linggo lang akong nawala, pero pagbalik ko, wala ka na sa mansyon, at saka lang nalaman ni sir Heskel, pagkauwi niya isang gabi... dahil lahat ng gamit mo ay tangay-tangay mo."

Napayuko ako. Dahil ayaw kong mag-iwan ng bakas ng alaala para sa kaniya ay sinadya kong dalhin ang lahat, maliban sa mga gamit na mismong siya ang nagregalo sa akin. Dahil ayaw ko ring dalhin pa ang alaala niya sa pag-alis ko.

"'Yung gabi na rin 'yon nagsimula kang hanapin ni sir Heskel. Mabilis siyang kumilos, kahit ano pang pigil sa kaniya ni Ma'am Raquel. Syempre, nalaman ko agad na si Ma'am Raquel lang ang may nakakaalam sa pangyayari, dahil siya rin ang nagsabi kay sir na sumama ka na sa Brantley na 'yon. Kaya naman agad ko siyang tinanong."

"A-Anong sinabi niya tungkol sa pagsama ko kay Brantley?" mas kumabog ang dibdib ko sa kung anong dahilan.

"Sabi niya, malabong mapipigilan ni sir Heskel na mahabol o mahanap ka ulit. Dahil siya mismo nahihirapan na kumbinsihin kang manatili rito sa mansyon. Desidido kang sumama kay Brantley dahil iyong taong 'yon naman talaga ang mahal mo noon pa man. Kahit na anong pakiusap niya, talagang gusto mo na raw iwan si sir. Unang-una dahil hindi ka kuntento sa kaniya at yaman niya."

Bumuntong-hininga siya. "Matagal na rin namang may namamagitan sa inyo nung Brantley na 'yon, lalo pa't pareho kayong artista at gumaganap na magkasintahan sa isang palabas. Ano nga bang laban ni sir Heskel na minsanan mo lang makasama? Walang nagawa si ma'am Raquel kundi tulungan ka, bilang kaibigan na rin. Wala siyang magawa sa pakiusap mo na makipagtanan sa ibang lalaking totoo mong mahal. Kung sabagay, pera lang naman talaga ang dahilan ng pagsasama niyo ni sir Heskel."

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa mga naririnig. Nararamdaman ko ang panginginig ng buo kong katawan sa labis na panlalamig. Nakaupo lang ako, pero gano'n na lang ako kung maghabol ng hininga dahil sa pagbilis na pabilis ng pagtibok ng puso ko.

"W-Wala ba siyang... binanggit na kahit anong... tungkol kay Ezekiel at M-Marian noon?" umaasa kong tanong.

Ang pinakatotoong dahilan kung bakit ako umalis. Bukod sa kasinungalingang mahal ko si Brantley. Dahil alam na alam niya, kung gaano ko kamahal ang kuya niya! Alam niya kung gaano ako kapayag na manatili rito, kung hindi ko lang nasaksihan ang pangyayaring 'yon!

Dahil... sadyang hindi ko kayang maging martyr na asawa. Lalo na't mayroong tuksong umaaligid sa akin.

"Bakit? Anong kinalaman ng baliw na babaeng Marian na 'yon?" nangunot ang noo niya. "Isa pa 'yon! Walang ginawa ang pamilya ni Marian kundi pahirapan ang kumpanya ni sir Heskel, pati na buhay niya dahil lang sa 'di nila matanggap na iniwan ang anak nila ni sir! Napakaswerte mo nga at ikaw ang pinili niya. Ikaw ang mahal niya! Tapos ipagpapalit mo lang siya? Lolokohin?"

Bumaon ang mga kuko ko sa aking palad. Walang kasingdiin kong kinagat ang dila ko, upang pigilin ang pagsabog ng emosyon ko.

Raquel... Raquel.

Why would you do that, Raquel...

Just... why?

Ang puso ko ay umiiyak at nagwawala na sa kabila ng pagkikimkim.

"H-Hindi ba nasabi sa'yo ni Raquel... na nahuli kong nakikipagtalik si Ezekiel sa Marian na 'yon?" nanggagalaiti at puno ng panginginig kong tanong sa kaniya. "Sex, n-nagsesex sila mismo sa sarili naming kama ni Ezekiel."

Halos lumuwa ang mga mata niya sa panlalaki. Nalukot ang mukha niya at hindi ako makapaniwalang tinitigan sa mga mata upang suriin kung nagbibiro lamang ako.

"Anong kahibangan 'yan, Serena?!" napapasigaw niyang tanong sa akin.

"Mama," nagulantang naman ang kanina kong kumalmang anak at mabilis na nakakandong sa akin.

Pilit kong binabalik ang sarili ko sa wisyo para maalalayan si Duziell. "Pakiusap, 'wag kang sisigaw tuwing kaharap mo ang anak ko. M-May trauma siya sa mga sigawan o malalakas at nakakagulat na mga tunog."

Napatakip siya ng bibig at halos bumulong. "B-Bakit? T-Teka, sandali lang! Ano munang sinasabi mo? Hindi 'yon magagawa ni sir Heskel sa'yo! I-Imposible 'yang sinasabi mo! Kahit pa noong pinagdadasal ko na sana humanap na lang siya ng ibang babae para makalimutan ka, wala! Kahit pa natutuwa akong merong 'ma'am Candice' ang nagpakita, pati 'yung babaeng 'yon nayayamot dahil walang nangyayari sa kanila ni sir Heskel. Iba si sir Heskel, may paninindigan ang lalaking 'yon."

Nangilid ang mga luha ko. "Gustong-gusto kong paniwalaan ang sinasabi mo panying. Pero hindi lang ilusyon ang nakita ko noong gabing 'yon. Hindi ako nakadroga para kung ano-ano na lang ang makita ko. A-At gaya na rin ng sinabi mo---wala ka nung nangyari 'yon kaya hindi mo alam ang nasaksihan ko. Hindi lang ako, Panying. Kung narito lang si Faye, siya rin ang magpapatunay na totoong si Ezekiel ang unang nagloko sa aming dalawa!"

Napahawak siya sa kaniyang noo, tila'y nahilo bigla. "H-Hindi ko alam 'yan... walang nakakaalam ng ganiyan, Serena. At wala ring sinabing ganiyan si Ma'am Raquel."

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon