KABANATA 32

2 1 0
                                    


"SERENA, pinapatawag ka na ni sir Heskel."

"Opo,"

Inismiran ako ni Panying. Hindi ko naman iyon binalingan ng pansin, at inayos na lamang ang pagkakaayos ng huniporme ko bago lumabas ng kwarto.

"Nakakairita talaga! Dahil tumakas-takas ka pa, ako itong naiimbyerna! Kailangan ko pa tuloy ireport lahat ng ginagawa mo rito kay sir Heskel! Dinaig ko pa ang pagiging alalay mo, 'nyeta!"
puno ng pagrereklamong umasabay sa paglalakad si Panying sa akin.

Sa pagiging iritado nga niya ay hindi niya mapigilan ang sariling kurot-kurutin ang tagiliran ko.

"Bwiset! Dagdag trabaho, ang dami ko na ngang inaasikaso rito sa loob! Hindi mo talaga kami binibigong inisin, ano?"

Pinilit kong lumayo sa kaniya sa paglalakad, pakiramdam ko'y natutuklap ang balat ko sa padiin na pagdiin ng mga kurot niya.

Hindi ako makaganti ng salita sa kaniya dahil ako nga naman ang nagkasala sa tinangka kong pagtakas noong nakaraang linggo. Imbes na pumatol pabalik kay Panying ay nanatili na lamang akong tahimik at umiiwas.

Hanggang sa makarating kami sa kwarto ni Ezekiel ay doon lamang niya tinigil ang ginagawa sa akin.

Kumatok siya sa pintuan. "Sir Heskel, nandito na ho si Serena."

"Come in."

Mabuti naman sa pagkakataong ito ay walang ibang babae ang lumabas sa kwarto niya, hindi tulad noon.

Ano na kayang nangyari sa babaeng 'yon at hindi ko na ulit pa nakita rito sa mansyon? Siguro'y ka-one night stand lang ni Ezekiel.

Pumasok ako sa loob, samantalang naiwan naman sa labas si Panying. Agad ko ring sinarado ang pinto saka naglakad patungo sa harapan ni Ezekiel.

Nakaupo siya sa kaniyang couch saka may hinagis sa aking pinraso ng pulang damit.

"Wear it and let's have dinner on the terrace." tumayo siya at nagpaunang magalakad patungo sa terrace ng kwarto niya.

Binalandra ko ang tela sa aking harapan. Isa iyong pulang night gown na walang kasing nipis ang tela na ang haba ay aabot lamang sa kalahati ng aking hita.

Paniguradong kapag sinuot ko ito ay makikita ang suot kong panloob na damit.

But then again, it's Ezekiel's perverted purpose. I just have to obey.

Unti-unti ko nang tinatanggap, na malabo ang makatakas sa kaniya nang ganon-gano'n lang. It would take a miracle for me to get out of here.

Wala akong ibang pagpipiliian, kundi ang linlangin ang sarili, magpanggap na umaamo sa kaniya. Kinakailangan kong burahin ang mga sarili kong opinyon at gampanan ang tungkulin ko.

Gaya lamang noong nag-aartisa ako, kailangan kong umarte at hindi sirain ang karakter ko. Ang pinag-iba lang, kung noon ay nasisiyahan ako sa ginagawa, ngayon naman ay wala na akong kabuhay-buhay.

Sa ngayon, dahil wala akong ibang plano sa isipan, ay iyon na muna ang gagawin ko. Sadyang naubos na ang lahat ng enerhiya ko sa katawan, at pagod na akong manlaban nang manlaban, sapagkat sa huli ay hindi ako nananalo.

Kinkokomporma ko na lamang ang sarili at dinadaya ang puso ko, na nasa mabuting kalagayan ang anak ko sa pangangalaga ni Haleanna. Alam kong hindi niya siya pababayaan.

Sana lang... hindi ako tumagal sa pagkawalay sa kaniya at tuluyan niya akong makalimutan bilang mama niya. Kapag nangyari iyon ay hindi ko kakayanin.

"It looks good on you." papuri ni Ezekiel nang pumasok ako sa terrace.

"Salamat." naupo ako sa kaharap na upuan.

Agad akong nilamig nang umihip ang malakas na hangin. Dahil ang suot ko ay para lamang pulang transparent na kitang-kita ang itim kong bra at panty ay agad na nanginig ang katawan ko.

"Hurry up and eat before you catch a cold."

Tumango ako. Subalit hindi ko ginalaw ang kutsara ko nang hindi muna siya ang nauunang sumubo ng pagkain.

"What are you waiting for?" tinaasan niya pa ako ng kilay. "Hindi gusto ang pagkain?"
"Gusto. Pero hinihintay pa kitang maunang kumain." may ngiti man sa aking labi, batid kong napakatamlay ng mga mata ko.

"Why?" he frowned. "Are you being a gentleman here?"

"No, I'm abiding by etiquette."

"I never saw you abide by etiquette before though?" he chuckled. "I remember how you used to eat before, not even minding my presence, kumakain ka na parang may mang-aagaw sa pagkain mo."

Napayuko ako sa pagkain. "I just... love eating." at komportable ako sa kaniya noon, kaya walang akong pakialam kung anong maging itsura ko habang kumakain.

And eating leftovers ever since before I even got here is like humiliating my love. I wonder why Ezekiel changed his mind. Bakit na niya ako pinapakain ngayon ng masasarap na pagkain kasama siya? Dahil ba para mabantayan niya ang timbang ko?

"Sure, so eat now. No need for such courtesy."

"Salamat." ako na ang naunang gumalaw sa pagkain. Ilang sandali pa niya akong pinanood bago rin siya kumain.

Sa totoo lang ay maingat ako sa kada kilos at sambit ng aking bibig sa harapan ni Ezekiel. Dahil hind ako sanay sa pag-aakto niyang 'mabait' o 'malumanay' pagdating sa akin na siyang pinapakita niya ngayon.

Ang inaasahan kong mangyayari pagkatapos ng pagtakas ko ay siyang mas malupit at mabagsik na Ezekiel. Naglalaro na nga rin sa isipan ko ang mga senaryo ng pagmamalupit niya sa akin, gaya na lamang ng ginagawa noon ni Brantley. Na sa tuwing tatakas ako ay ikukulong ako sa basement o 'di na kaya ang anak ko.

Pero taliwas sa mga nabubuo sa isipan ko, walang ginawa si Ezekiel na masama sa akin sa nakalipas na linggo. Bukod sa inaalipin niya ako sa kama araw at gabi, hindi niya ako pinagbuhatan ng kamay.

Hindi ko siya maintindihan. Hindi rin iyon nagpapagaaan ng kalooban ko, imbes ay mas nababahala ako sa mga posibilidad na kapalit ng ginawang pagtakas ko noon.

Can't he just hurt me physically and just be done with it? Hindi itong naglalaro siya sa emosyon at mentalidad ko ng ganito.

He never treated me like this before, kaya bakit ngayon pa? Kung pwede lang ay papasukin ko ang utak niya nang malaman ko ang tumatakbo roon.
Ayaw ko rin namang tanungin siya, dahil baka isipan niyang ako pa mismo ang nanghihingi ng ikakasakit ng katawan ko. Kaya naman mainam na sakyan ko na lamang ang mgaa ginagawa niya ngayon.

"Take a bite." saad niya, pagtukoy sa tsokolateng nasa kamay niya. "It's a desert."

Kumagat ako agad sa inaalok niya pagkatapos maubos ang lahat ng pagkain sa lamesa.

"Delicious?"

"Mm," tumango-tango ako.

"Do you want to eat all of it?"

"Kung pwede..."

"Sure, sa'yo na." may maaliwalas na ngiti niyang binigay ang tsokolateng iyon sa akin.

"Salamat."

Inosente kong inubos ang tsokolate, walang pag-iisip ng masama roon. Kaya naman hindi lumilipas ang bente minutos ay nakakaramdam na ako ng kakaiba.

Habang nakaupo sa couch niya ay para akong kinikiliti na nagtanong sa kaniya. "M-Master... anong... ano ngang tawag sa chocolate? S-Sumasama sa kasi ang... ehem!"

Bakit namamasa ang panty ko?

Hinubad niya ang suot niyang itim na bathrobe dahilan upang tumambad sa aking harapan ang umiigting niyang kahabaan.

Agad niya akong pinaibabawan sa couch at mabilis na hinalikan ang aking labi. "It's sex chocolate. Let's both feel its effect, shall we?"

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon