KABANATA 66

9 0 0
                                    




"Aaah! Oh my god!" Napatayo siya at binalik ang sarili sa pagiging propesyunal. "Please, escort Mister Ezekiel De Silva on this stage to join us! Oh my god! I never expected this! Sana sinabi mo nang ma-prepare ko ang sarili ko at ang studio para sa maayos na treatment sa isang De Silva, Serena!"

Napatawa ako. "It's alright, Mami Vic."

What can I say? Ezekiel De Silva is a respected man who must never disappoint. Even amid the issues, he should be served well.

"OH.MY.GOD!!" napatakip ng mga labi si Mami Vic nang lumabas si Ezekiel mula sa backstage.

Nakasuot lamang siya ng casual wear, a white polo and black trousers, but his accessories and overall looks are screaming wealthiest. Sa suot niyang relo, kwintas, singsing at sapatos, makikita mo na kaagad ang kinang ng mga 'yon mula sa malayo.

Subalit ang pinaka dahilan ng muling pagtitilian ng mga audience sa loob ng studio ay ang kaniyang perpektong itsura ngayon. Aakalain mong foreign artist and model siya, subalit isa pa lang businessman.

"Kung ang Serena Laurel ay isang anghel na tumapak sa lupa, ang asawa naman niya ay isang Greek god na nagkatawang tao! Surreal!" komento pa ni Mami Vic, pabiro man niyang sinabi ay halata ang pagsasabi niya ng katotohanan. Naroon kaagad ang paghanga sa mga mata niya.

Nakita ko ang pormal na ngiti ni Ezekiel sa host, sa mga audience, at sa camera, bago siya tuluyang lumapit sa akin at tumayo sa aking tabi.

Proud akong napangiti. "Thank you for being here."

"I'm your husband, so of course I'll support you." aniya, hinawakan ang aking baywang. Nakikita ko ang mga ningning sa mga mata niya.

He told me yesterday how badly he wants the world to know that we're married. Kahit na batid kong gustong-gusto rin niyang gawin ang interview na 'to, sobra-sobra parin ang pasasalamat ko sa kaniya.

"Nasa'n na staff natin! Upuan dali! Maglabas kayo ng isa pang upuan!" natatarantang utos ni Mami Vic na siyang kinatawa ng madla.

Dahil dalawang single na upuan lamang ang nakahanda ay naglabas pa ng panibago para lamang kay Ezekiel, na pinuwesto sa aking tabi. Inabutan din siya ng sarili niyang mikropono.
Mahigpit kong pinagbuhol ang mga daliri ko sa mga daliri ni Ezekiel nang makaupo siya. Hinawakan din naman niya ang kamay ko na may kaparehong higpit.

Samantalang bumalik din naman sa pagkakaupo niya si Mami Vic, nilulubos-lubos ang pagtitig sa mukha ni Ezekiel. "Sir, welcome po sa aming munting show! Hindi kami nakapaghanda dahil wala namang pasabi ang asawa niyong 'to, pagpasensyahan niyo na."

"No worries, treat me the same as the other guest; I'll be glad." may pagkamababang saad ni Ezekiel, 'di tulad ng pangkaraniwang niyang pagiging arogante.

"Whoo! Sa totoo lang ay pinanlalambutan akong bigla dahil sa rebelasyon na 'to. Dahil nitong nakalipas lang na mga linggo ay nagpa-interview sa akin si Brantley. Ako naman 'tong na-excite dahil nga kilalang-kilala ang loveteam na SereLey sa madla kahit ilang taon na nakalipas—lalo pang nabuhay ang mga fans at nanumbalik nang sabihan niyang kasal na sila at may anak ni Serena. Ikaw po ba, sir De Silva, anong masasabi niyo ro'n?"

"Personally, I'd say he's very delusional." nakatago ang nakalolokong ngisi niya sa nakatapat na mikropono sa labi niya. "For real though, he's been trying to simp with my wife for years now. He already knew three years ago that my wife was married to me, yet he made moves like this in public out of nowhere."

"So talagang pati kayo nagulat sa mga binalitang iyon ni Brantley sa publiko?"

"Of course. Who wouldn't? But I was more mad than shocked. Inaagaw niya ang asawa ko nang harap-harapan."

Napaubo si Mami Vic. "Nagkausap na ba kayo ni Brantley, sir?"

"No."

"Kung bibigyan ng pagkakataon, pipiliin niyo bang makipag-usap sa kaniya? At ano ang sasabihin niyo sa kaniya?"

"Oh, kakausapin niya ang kamao ko. I'm sure he will know the meaning behind it."

Nakagat ko ang ibaba kong labi at pinisil ang kamay ni Ezekiel saka palihim na bumulong. "Behave."

"Sorry," palihim niya ring bulong pabalik.

Napaimpit naman ng tili si Mami Vic. "Lagot. Patay tayo diyan. Kagagaling pa naman niya sa isang insidente, tapos mukhang may darating na namang bago! Kung napapanood mo 'to ngayon Brantley, hindi ko na lang alam kung anong magiging reaksyon o aksyon mo!"

Nagtawanan at naghiyawan ang mga audience, nararamdaman kong pati sila ay conflicted sa mga nangyayari at naririnig ngayon.

"How long na ba kayong kasal dalawa?"

"It's been almost six years now," si Ezekiel ang agad na nakasagot.

Nalungkot ako sa loob-loob ko. Hindi naging maganda ang unang taon ng kasal namin, ang pangalawa ay walang nabago, at ang pangatlo na sana ay siyang pag-abandona ko sa kaniya. Ang sumunod na tatlong taon ay ibang lalaki ang nakasama ko habang nag-iisa siya. Yet, we're still married on paper, and he still regards me as his wife during those times.

Kumikirot ang puso ko sa tuwing naiisip kung gaano kami ka-durog mag-asawa sa kinalabasan ng aming relasyon.

Those people who destroyed us should pay the consequences. Karma will find its way to them. Tadhana at ang Diyos parin ang gumawa ng paraan upang magkabalikan kami ni Ezekiel.

"Ang tagal na!!" hindi makapaniwalang bulalas ni Mami Vic. "Ibig-sabihin noong tanyag pa ang loveteam na SereLey, kasal na kayong dalawa?"

"Yes." nakangiti pang tugon niya.

"Kung gano'n totoo pala talaga ang binalita noon na kasal kayong dalawa! Dahil ito, ah? Hati talaga ang opinyon at paniniwala ng mga netizens simula roon sa pagkalat ng larawan niyo nung kayo'y ikasal, hanggang sa interview ni Brantley. Bale, ang katotohanan talaga ay itong nasa harapan namin ngayon, tama ba?"

"Yes. Actually, dala ko ang marriage certificate namin ngayon." tumamis ang ngiti sa labi ni Ezekiel habang pinapanood ko siya.

"Oh wow! Talaga?! Ready si mister! Ilabas na 'yan nang magkaalaman na!" natutuwa at nananabik pang sigaw ni Mami Vic.

Hindi ko naman mapigilan ang pagkawala ng malaki kong ngiti na batid kong abot-abot tainga ko na ngayon.

Lumabas si Ramil mula sa backstage dala-dala ang piraso ng papel. Nagtilian pa ang mga kababaihan, dahil sa taglay ding alindog ni Ramil, na maging si Mami Vic ay napakomento.

"Ang taray, ah? Busog na busog na ako sa mga mukhang nakikita ko sa harapan ngayon! Pwede na kong hindi kumain mamaya! Hahahaha!"

Muli na namang natawa ang mga audience. Inabot ni Ramil sa kay Mami Vic ang papel na kaagad niyang tiningnan.

"Oo nga! Totoo nga talaga." pagdeklara na niya. "Whooo! Nakakaloka! Kung bakit niyo ba naman kasi ginawang teleserye ang buhay ninyo at puno ng rebelasyon! Paniguradong pagpipyestahan na naman ito ng mga netizens."

"Well, the most important thing is that everyone should know that Serena's husband is none other than me. If I had to declare that a thousand times so people would keep that in mind, I would."

"W-Wow... no joke sir, but it's giving possessive vibes!" natatawa siyang napabaling sa akin. "Serena. paano ka nakabingwit ng isang De SIlva? Anong ritwal ang ginawa mo, pabulong naman sa 'kin, oh? Hahahaha!"

"Mami Vic, pasensya na, pero ako ang biningwit niya! Hahahaha!"

"Taray! He fell first, bago ikaw?"

"Yes po! He fell first, and I also fell for him at first sight; then we just fell harder on each other."

"Nakakainggit naman!" gumuhit ang inggit ngunit labis na paghanga sa mukha niya. "Eh, kumusta naman ang anak niyong dalawa? Dala niyo ba siya ngayon?"

"We'd like to! But our son is very sensitive to loud noises and screams, so we decided not to bring him here." paliwanag ko.

"Ay gano'n? Sayang, kung may pagkakataon, pakilala mo naman ako! Gawin mo na rin akong ninang! Huwag mo rin akong kalimutang i-invite sa mga birthday niyang darating! Please lang, Serena, pambawi mo na 'yun sa hindi pagpapakita sa 'kin ng tatlong taon, ano?"

"Oo naman, Mami Vic! Ikagagalak ko pang gawin kang ninang nang may sponsor ang anak namin, hahaha!"

"Nako! Sa yaman niyong 'yan, baka ako na magreregalo, ako pa mahihiya sa ireregalo ko! Hahahahaha!"

Ilang sandali pa kaming nakipagtawanan at nakipagbiruan kay Mami Vic upang pahupain ang tensyon o init na nararamdaman ng mga manonood, habang sinasagot din ang mga natitirang niya pang katanungan.

Subalit pagkatapos na pagkatapos pa lang ng interview, kaagad nang nag-ingay ang mga tao sa social media. At gaya ng inaasahan ko, bagaman hati ang mga opinyon, lumalabas ang pagkakapahiya ni Brantley.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon