KABANATA 84

6 0 0
                                    




EZEKIEL woke up when he felt Serena wasn't on her side of the bed.

Kinapa-kapa niya pa ang kama at nang makumpirma na wala nga ito, ay doon na siya napamulat ng mga mata saka napabangon.

"Serena?" may pagkaantok siyang bumangon para puntahan ang banyo sa loob. Subalit wala roon ang asawa niya.

Nang matingnan ang orasan ay nagtaka siya kung saan naman pupunta si Serena samantalang alas tres pa lang ng madaling araw.

"Serena?" Kunot ang noo siyang lumabas sa kwarto para puntahan ang katabing kwarto ni Duziell. Paniguradong iniwan siya ni Serena sa kanilang kama para tabihan ang anak. "Sere—"

Mabilis na nagising ang kaniyang diwa nang makitang bukas ang pintuan ng kwarto. Dali-dali siya roong pumasok. Ang bumungad sa kaniya ay ang magulong higaan ni Duziell, subalit wala roon ang anak niya kung saan huli pa nilang pinatulog ni Serena.

"Where the heck did they go?" Nagmamadali siyang lumabas sa lugar at halos liparin pababa ang sala.

Tamihik ang paligid, nakapatay ang mga ilaw, walang bakas ng mag-ina niya! Doon lamang siya kinutuban ng masama.

Mabilis siyang nagtungo sa maid's quarter. Natatandaan niya pa kung saang kwarto nilagay ang ina ni Serena. Wala siyang pag-aalinlangan na binuksan ang silid.

Dumagundong sa kaba ang dibidb niya nang makita ring walang katao-tao sa loob!

Serena wouldn't do something like this in the middle of the night! Unless something happens!

Malalaki at mabibilis ang hakbang na kinuha niya ang telepono sa kaniyang kwarto upang may tawagan. "Check the surveillance camera and find my wife and son. Have men search in and out of the mansion to find them. Make sure to do it quietly!" binaba niya iyon subalit may bagong tinawagan. "Ramil, my wife and son are missing, as well as Serena's mother. Go and check what happened to Raquel and Brantley. See what they had planned before."

"Noted, boss!"

Pabagsak niyang binaba ang telepono, saka napahilamos ng mukha.

Ganoon na lang kabilis ang mga naging paghinga niya habang pilit na pinapakalma ang sarili. Kahit alam niyang hindi basta-basta makakalabas sa mansyon niya ang sinuman nang hindi nakikita ng mga guwardiya, ay hindi parin niya maiwasang mangamba.

If it's Serena, then the guards wouldn't be alarmed. Walang ibang pumapasok sa isipan niya kundi may binabalak na masama ang ina ni Serena. Iyon lamang ang ideya na sasakto sa pangyayari ngayong gabi. Imposibleng gigising ang asawa niya ng ganitong oras, at bigla-bigla na lamang tatangayin si Duziell kasama ang mama nito.

Dumilim ang mukha niya. Gayunpaman, nasa teritorya niya ang matandang babae na iyon. Isang pagkakamali na rito mismo nito gagawin ang mga plano nito.

Tiim-bagang niyang kinuha ang baril sa nakakandadong hunos ng cabinet. Nilagay niya roon ang mga bala, saka iyon kinasa.

Naghintay siya ng halos sampung minuto bago tumunog muli ang telepono.

"Boss, nahanap na namin sila. Nasa east gateway sila dumaan. Hindi kami basta-basta pwedeng sumugod dahil nasa delikadong sitwasyon sila Ma'am Serena. May hawak na armas ang matandang babae, hostage niya ang anak niyo, boss!"

Nagtangis ang bagang niya at nagkiskisan ang mga ngipin niya sa pagtitimpi ng galit. Lumakas ang dagundong sa dibdib niya. "Anong gamit niya?"

"Patalim, boss, kutsilyo. Malapit na rin silang makalabas ng gate ngayon."

"Was the gate locked? Lock the gate from the outside. Make sure they will not be able to open it. Don't alarm them; don't even let them see any guards."

"Opo, boss!"

Nakuyom niya ang sariling kamao, habang iniisip ang susunod na hakbang na gagawin. Kung hawak nito ang anak nila at may hawak na patalim, mas malalagay ito sa pinakamapanganib na sitwasyon kung pipiliin niyang barilin ang matandang babae. Serena wouldn't want to witness her mother's murder either, and it will be traumatizing for her.

What is the best way to save them?

Isang marahas na hininga ang pinakawalan niya bago muling nagsalita sa telepono. "Let's disarm her first. Ensure a good spot to hide."

Sinabi niya ang gagawin sa tauhan. Marahil ay hindi nila ito pwedeng gawin sa bayolenteng pamamaraan, kaya siya nahirapan. Mag-ina niya ang naroon. He cannot risk their lives, even if it's meant to save them both. There's no other way but to negotiate with that old woman.

Tinago niya parin ang baril at inipit ito sa pants ng pajama niya. Saka nagmamadaling lumabas para tunguhin ang east gateway.

Doon siya madalas lumalabas-pasok sa mansyon, tanging para sa kaniya lang ang daanang iyon. Para isipin na rito rin nila pipiliing lumabas, ay mukhang may balak na itakas ng mama ni Serena ang mag-ina niya.

What could it be that she wanted? May kinalaman na naman ba ito sa pera, at ilang beses nilang sinabihan na wala itong makukuha sa kanila? May kinalaman din kaya rito si Raquel?

No matter what the reason, he cannot let her slide after all this. Nagkamali ito ng desisyon sa ginawa niya ngayon.

"M-Ma, ginagawa ko naman, eh! A-Ayaw ngang mabukas, hindi ko rin alam kung bakit!" Umaalingawngaw ang umiiyak na boses ni Serena sa lugar, puno ng pagtataranta.

Kaagad siyang naalarma sa paraan ng pagkabalisa ni Serena. Mula sa kalayuan ay nakita niya na sinusubukang buksana ng gate, pero dahil iniutos niyang ikandado iyon mula sa labas ay hindi nagtatagumpay si Serena, kahit ano pang udyok ng ina nito.

"Napakahina mo! Tulakin mo ng mas malakas, huwag kang lalampa-lampa! Konti na lang talaga Serena! Babaon ko talaga 'tong hawak ko sa leeg ng anak mo!"

"Mama 'wag!!" Mas lalo iyong kinabahala ni Serena, nanghihinang natuon na sa kanila ang pansin, kahit walang kalakas-lakas na tinutulak ang malaking gate.

Sa sitwasyong iyon ay nahabag ng husto anng puso ni Ezekiel, walang pinaglalagyan ang sakit. Serena wouldn't cry that hard if Duziel wasn't in danger, but he really is now! Maging siya ay napabunsod sa mga naririnig na lumalabas sa bibig ng matandang babae! Nagdidilim ang paningin niya na gustong hugutin ang baril, subalit sa natitirang rasyonalidad ay hindi niya parin ginawa.

He held himself back and maintained his composure. His calm but firm voice echoed the surroundings. "Put the knife down, now."

Nakita niyang natigilan ang dalawa. Gulat na gulat na humarap ang mama ni Serena sa kaniya. Subalit agad ding napalitan ang ekspresyon nito sa mukha ng pagiging hysterical.

Bumaba ang mga malalamig na mata ni Ezekiel sa anak niyang wala ngayong malay at wala sa ayos na pagkakabuhat ng matandang babae. Subalit ang mas nakapagpalamig at nakapagpadilim sa mga mata niya ay nang makita ang dugo sa leeg nito.

Para siyang mamawala sa katinuan, habang napagmamasdan iyon. Naramdaman niya ang panlalamig ng mga kamay niya na naguudyok na kaniya na dukutin ang baril at pasabugin ang ulo ng matanda ngayon mismo!

"E-Ezekiel..." the trembling voice of Serena spoke, got his senses back.

Napabaling ang paningin niya kay Serena na natatabangunan ngayon ng mga luha ang dalawang mga mata. Nakikita niya kung gaano ito nasasaktan ngayon at nababalot ng takot.

He gave her a comforting gaze before he focused his attention again on her mother and his child's safety.

"Magkano ang kailangan mo?" madiin niyang tanong dito.

Napaintag ang matandang babae, lukot na lukot ang mukha. "A-Akala niyo ba dahil lang sa pera ang lahat ng 'to?!"

"Ano pa nga ba? Don't make me laugh if you say you want something else rather than money."

"Eh putangina niyo pala, eh! Kayong mga De Silva, wala kayong pinagkakaiba!! Kayo-kayo lang din ang nang-iipit sa sitwasyon ko ngayon!!" puno ng galit nitong tinutok ang kutsilyo sa kaniya.

"Kayong mga De Silva?" pagguulit niya pang seryosong tanong. "Kung gano'n, may interaksyon na kayo ni Raquel. Sabihin mo, anong napag-usapan niyo noon? Because that woman is locked up now. She won't be able to protect you after this."

"A-Ano?" bumakas ang takot sa mga mata nito. "Imposible!!"

"But if you put that thing away now and give back my child, I promise not to hurt or hold you accountable for what is happening."

"Ano ako, tanga?!" muling nitong nababaliw na tinutok ang kutsilyo sa bata. "Lahat sa 'kin kinuha na ng babaeng 'yon!! Wala siyang tinira sa 'kin, maski centavos! Ngayon hindi ako makalapit sa inyo dahil kinlaro niyo nang wala akong makukuha sa inyo! Kaya bakit pa ako magtitiwala?! Mga hayop kayong mayayaman kayo, akala niyo kung sino kayo!!"

"M-Mama, nakikiusap ako! Makipagkasundo ka na lang sa 'min, pakawalan mo na si Duziell! Ibibigay ko na lahat ng gusto mo—"

"Isa ka pa!!" pagalit na hinarap nito si Serena. "Akala mo kung sino ka, eh ako lang din naman ang nagluwal sa'yo! Napakayabang mo! Hindi ka marunong lumingon sa pinanggalingan mo! Hindi ka sisikat kung hindi dahil sa 'kin! Hindi ka yayaman at makakapag-asawa ng isang De Silva kung hindi dahil sa 'kin!! Ako lahat ang nagtaguyod sa'yo, pero kung ituring mo 'ko ay para akong isang pulubi na kailangan pang malimos!!"

"I-I'm sorry, Ma... sorry, patawarin mo 'ko, Ma..." nanlalambot ang mga tuhod ni Serena na nakiusap ng husto. "K-Kasalanan ko lahat, hidni dapat kita pinabayaan... patawad, Ma."

"Para saan pa?! Kung nung una pa lang ay pinakinggan mo na ako, hindi sana aabot sa ganito!! Talagang kasalanan mo 'tong lahat----AAAARRGHH!!!"

Habang nakatalikod ang matandang babae ay naging pagkakataon iyon ng mga tauhan ni Ezekiel na lumabas at pwersahang kinuha ang armas na kapit nito sa kamay, kasabay nang pagpipigil dito na gumawa ng kahit anong galaw.

Mabilis ding nakakilos si Ezekiel, sa isang kurap ng ina ni Serena, ay nakuha na niya si Duziell mula sa bisig nito.

Mas lalong nagwala sa galit ang matandang babae, nagpumiglas na nagpumiglas; pilit pinapalaya ang sarili mula sa mga lalaking triple ang laki at lakas sa kaniya.

"AAAHH!! Ibalik niyo sa 'kin 'yang batang 'yan!! Kailangan ko siyang dalhin sa black market! Meron nang nakatakdang bumili sa kaniya!! Kung hindi papatayin nila ako!!!" halos mabaliw ito sa pagwawala.

Gano'n na lang ang pagkagulat ni Ezekiel sa mga lumalabas sa bibig nito. Mahigpit niyang niyakap ang walang malay na anak, namamasa ang mga matang kinapa-kapa ang pulso nito.

"S-Son..." nakahinga siya ng maluwag kasabay ng pagtulo ng mga luha niya nang nasa normal pa ang paghinga nito. Agad siyang bumaling sa isa sa mga tauhan. "Go call the personal doctor, now!"

"Yes, boss!"

Saka siya nagmamadaling lumapit kay Serena na ito paring nanlalambot, humahagulgol na sumalubong sa kaniya. "A-Anak ko!"

Hinigit niya ang asawa papalapit sa kaniya, agad na pinagaan ang pakiramdam nito. "He's safe... He's okay, I promise." hinagod niya ang likod nito.

"E-Ezekiel, may dugo eh..." naroon parin ang taranta nito, gustong hawakan ang leeg ni Duziell, pero pinipigilan ang sariling mga kamay. "D-Duziell, anak... bakit wala siyang malay?"

"The doctor will be here soon to check him." paniniguro niya. "Let's hurry up inside."

Marahil may ginamit na gamot ang ina nito para hindi mag-ingay si Duziell. Mabuti na lamang ay normal ang parin ang paghinga nito, at batid na niyang hindi gano'n kalalim ang sugat sa leeg.

Subalit nakatago parin sa loob-loob niya ang panginginig at labis na takot, na hindi niya pinapakita sa harapan ng asawa. Pinigilan niya rin ang papaluha na mga mata sa isiping muntik nang mawala sa kaniya si Duziell.

Black market? Balak nilang ibente ang anak niya! Who knows what will happen after that?

Ngayon pa lang ay hindi na niya mapatawad ang sarili, na mismong sa tahanan nila nangyari ang insidente.

He will not let this thing happen again! He cannot afford to lose his innocent son.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon