KABANATA 71

11 0 0
                                    



"PAPAAA!" nakabibinging sigaw ni Duziell ang bumungad kay Ezekiel pagkatungtong niya palang sa pintuan ng mansyon.

Nakita niya itong kumawala sa bisig ni Haleanna at may maliliit na mga hakbang na tumakbo patungo sa kaniya.

Mabilis niya itong kinarga at niyakap ng mahigpit na kinareklamo pa nito.

"Where's mama?!" matining nitong pagalit na tanong.

His lifeless eyes lit up a little as he stared at their son. His heavy chest finally breathed a little comfortably. Pinunasan niya ang bakas ng tsokolateng naiwan sa dulo labi nito.

"Did you eat chocolate?" paos niya pang tanong, 'di nawawala ang pamumula at pamamasa ng mga mata.

"Yes!" Duziell is too young to notice his difference today. "I ate a looot of ccocolate!"

"Too much sweets is bad for your teeth. I won't allow it anymore if one day you suddenly experience a toothache." mabagal siyang naglakad papasok sa loob, mahigpit na karga ang anak.

"Eh! B-But I never had cocolate before!"

"It's chocolate, not cocolate. Say it."

"Cocolate! It's cocolate!" nagkulit ito sa kaniyang bisig. "Mama, where's mama?"

Pinilit niyang ngumiti. "Stay still, mahuhulog ka 'pag galaw ka ng galaw."

Hindi ito nakinig at mas lalo pang gumalaw-galaw sa kaniyang bisig. Kiniliti niya ang tagiliran nito dahilan upang mas kumulit at humagikhik ng husto.

"Papa, stop tickling—hahahaha! " nilabanan pa siya nito.

Gumuhit ang maliit na ngiti sa kaniyang labi at muling niyakap ang anak ng sobrang higpit.

"It's already late; why aren't you sleeping yet?"

"Because mama and papa aren't home yet! I want to hear a bedtime story!"

"Then, should I read you a bedtime story? What do you want me to read?" Umakyat siya sa hagdanan patungo sa kwarto ni Duziell.

"The new book, the ugly duckling!"

"Okay, then." Inihiga niya ito sa maliit nitong kama at naupo sa gilid niyon. Inayos niya ang pagkakakumot dito at kinuha sa mga patong-patong na story book ang libro ng 'the ugly duckling'. "Close your eyes and imagine what I'm reading to you, alright?"

"Yes, papa."

Duziell was used to seeing both him and Serena read him a bedtime story every night to make him fall asleep so they would be able to do their own thing peacefully afterwards. Subalit ngayon ay siya na lamang ang mag-isang bumabasa ng istorya para sa anak.

"Once upon a time, there was a mother duck who laid a clutch of six beautiful little eggs. One day, she looked into her nest in amazement....."

As he was reading the story, he was absent-minded. Binabasa man ang mga salitang nakaimprinta sa libro, ay naririnig at lumalarawan parin sa isipan niya ang mga sinabi ng doctor kanina bago siya umalis sa hospital.

Muli ay lumabo ang kaniyang paningin dahil sa pangingilid ng mga luha. Subalit agad niya iyong pinunasan upang patuloy na mabasa ang kwento. Ilang beses pa niyang kinlaro ang kaniyang lalamunan upang maintindihan ang kaniyang sinasabi sa kabila ng pagiging maos.

Nagbabasa lamang siya ng libro, subalit tila ba'y makikipagsapalaran pa siya laban sa bugso ng damdamin.

"Don't cry, papa," natigilan siya nang magsalita si Duziell. Nakamulat na muli ang mga mata nito, saka tumayo sa kama upang abutin ang pisngi niya. "Who's hurting papa?"

Mabilis na nagsipagbagsakan ang mga luha sa dalawa niyang mata kasabay ng panginginig ng kaniyang mga labi.

It's true that Duziell's emotional intelligence for his age is admirable. He might not be able to comprehend complex things, but he surely knows when something is wrong.

Dinampihan niya ito ng halik sa noo at muling niyakap ng mahigpit sa pangatlong pagkakataon.

"Papa's just tired of working today..."

"Then, let's sleep together!" inosente pang anyaya nito.

"Yes, let's do that," muli niyang pinahiga si Duziell. Dahil maliit ang kama nito ay hindi kakasya ang buo niyang katawan kung hihiga siya sa tabi nito, kung kaya't nanatili siya sa posisyon.

"Goodnight, papa!"

"Goodnight, son. Close your eyes na. I'll continue reading you the ugly duckling until we both fall asleep, okay?"

"Yes!"

Nang matapos sa pagbabasa ay siniguro niyang mahimbing nang natutulog ang anak. Nanatili pa siya sa loob ng isa pang oras, bago napagdesisyunang lumabas.

"S-Sir Heskel?" sumalubong sa kaniya si Panying na naghihintay lamang sa labas ng kwarto. Sinuri nito ang itsura at agad na nag-alala. "Anong nangyari sa inyo, sir? Nasaan si ma'am Serena?"

"Hospital." pag-amin niya na kinagulat pa nito.

"A-Anong nangyari? Ayos lang ba siya? Sinasbi ko na bakit parang masama ang kutob ko nung hindi pa kayo makabaik kanina!"

"Huwag mong ipaalam kay Duziell, o sa kahit na sino rito at baka marinig niya." mabigat sa dibdib niyang sabi. "Serena had a car accident, and she's now in a comatose state."

Napasinghap ito ng hangin at natakpan ang kaniyang bibig na mayroong nanlalaking mga mata, hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"P-Papaano nangyari... Oh, Diyos ko! Serena... ano na lang ang mangyayari nito... M-Magiging maayos din naman kaya siya, sir Heskel?"

He already knew that Panying had been traumatized by what happened to them three years ago. Bumabalangkas na sa mukha nito ang labis na pangamba, takot, at pagkawalan ng pag-asa.

"Don't worry. Serena's going to recover in no time. She has to be."

Because he will do everything to save her. He will give her everything she needs to survive. Isa na roon ang kumuha ng pinakamagagaling na mga doctor na makukuha niya, para lamang sa seguridad na makakaligtas siya.

He doesn't even care when Serena wakes up and doesn't remember him. He just wanted to see her eyes open again.

Whatever happens, he will make sure those motherfuckers pay big time. A life for life will be the only solution he'll execute.

Starting with Raquel's birth mother, Elizabeth.

It turns out that Raquel is Elizabeth's illegitimate daughter. Bago pa sila magsama ng kaniyang ama ay nagkaroon na ito ng anak sa ibang lalaki, na may mababang estado sa buhay. And for some reason, kinahihiya nito ang batang isinilang, kaya ito pasekretong itinago sa bahay ampunan, hanggang sa maikasal sa ama ni Ezekiel.

Siguro'y dahil sa konsensya at hindi na kaya pang makapagsilang ng panibagong anak, ay pinili niyang 'ampunin' si Raquel.

These women are tricky and scheming. But their mother-daughter kind of relationship won't last.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon