"Napakakupad talaga! Pinagtatapon mo lang ng basura, umaabot pa ng isang oras!"
"Sinabi mo pa! Palibhasa'y tamad, ayaw kumilos eh ang dami pa niyang nakatambak na trabaho!"
Parinig pa sa 'kin nila Davina at Baby. Araw-araw ay harap-harapan nila akong binabastos at iyon na ang nakasanayan ko.
Hindi nga lang sila makalapit sa akin nang derekta, 'di gaya noon simula nang mangyaring nanakawan ko si Baby ng cellphone, sa takot na baka madamay sila sa mga pinaggagawa ko. Kaya naman, nagagawa ko silang bahanan sa patalasan ng dila.
"Pasensya na," ngising hingi ko ng paumanhin. "Masyado kasing humataw ang boss niyo sa 'kin kagabi, hindi tuloy ako makalakad ng maayos ngayon."
Napanganga silang dalawang dalawa, lukot ang mukha na nagkatinginan bago nakakakutya akong tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Proud ka pa talaga maging parausan ni sir Heskel? Ang landi mo!" nandidiring usal ni Davina. "Hindi ko talaga malaman kung ba't ka pa niya pinapatulan, eh wala ka ngang kalaman-laman!"
Taas noo akong tumawa ng mapakla. "At ano? Gusto mo bang ikaw ang patulan niya? Bukod sa maton 'yang katawan mo, hindi magugustuhan ng Heskel mo ang ungol mo sa laki boses mo!"
"ABA!!" Si Baby ang labis na nag-react dahil hindi makabawi sa pagkagulat si Davina. "Hoy! Gusto mo putulan kita ng dila?! Bawiin mo 'yang sinabi mo, burikat!!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Isa ka pa! Bukod sa katawan mong isang daan pataas ang timbang, tunog baboy ka na kinakatay kung uungol sa harapan ng Heskel mo!"
Gano'n na lang din ang pagkagulat niya. Parehong nakabuka ang bibig at lulumuwa sa panlalaki ang mga mata.
Kahit na wala naman talaga akong problema sa mga body types nila, kung paulit-ulit lang din nilang lalaitin ang katawan ko, ay ibang usapan na 'yon. Bakit naman ako matatakot na hindi rin sila laitin? Hindi ako makokonsensya lalo pa sa sama ng mga ugali nila!
"Akala niyo ba hindi ko napapansin?" nakaloloko kong tanong. "Kung makatingin kayo sa lalaking 'yon ay naghuhugis puso 'yang mga mata ninyo. Galit kayo sa 'kin dahil ako 'yung kinakama, at hindi kayo. Siguro nga kusa pa kayong maghuhubad at bubukaka sa oras na ipatawag kayo ni Ezekiel sa kwarto niya, eh 'no? Sino kayang mas malandi sa 'ting tatlo kapag nangyari 'yon?"
"Napakabastos mo talaga!! Walang hiya!!" Naunang sumugod sa akin si Davina, sumunod ay si Baby.
Hindi ako nagpatinag at nakipaghilaan din sa kanila ng buhok! Kahit na sa pangangatawan pa lang ay wala na akong laban, ginamit ko ang mga matutulis kong kuko at ngipin sa pag-atake!
"Malandi ka!! Ipokrita!! Walang kahihiyan!! Higad!!" Paulit-ulit nila 'yong sinasigaw na animo'y isang chant.
Umiikot-ikot ang paningin ko, sobrang gulo ng pangyayari at makailang beses na bumalatay ang sakit mula anit hanggang baywang ko. Hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang humihila ng buhok ko o sumasapok sa katawan ko.
Matagal-tagal na rin magmula nang huli ko silang nakarambulan.
"Oy! Oy! Itigil niyo 'yan!"
Naramdaman kong may malakas na puwersa ang humila sa akin palayo sa dalawang 'yon. Agad kong nadatnan ang sarili sa kamay ng matipunong lalaki.
Puno man ng pagtataka ay unti-unti kong napagtatanto na ang lalaking 'yon ay walang iba kundi si Danilo.
"Halika rito, duwag!!" Pilit pa akong sinusugod ni Davina.
Agad namang nakaharang si Danilo sa pagitan naming dalawa. Sinasalo niya ang mga kamao ni Davina na pilit nitong binabato sa akin.
Kahit na maton ang katawan ng babaeng 'yon ay wala parin siyang binabatbat kay Danilo. Madali lang siya nitong tinulak papalayo kasama ni Baby.
![](https://img.wattpad.com/cover/365079590-288-k571625.jpg)
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...