KABANATA 89

5 0 0
                                    







Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.

Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.

Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko 'to.

"Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?" may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. "I remember dito kayo nag-shoot no'n."

"Ha?" natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. "Dito ba 'yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena." hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. "Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa 'kin noon para pati 'to malaman mo?"

Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin. "I can name every teleserye and movie you're in. You basically dominated my teenage years. Kaya baliw na baliw ako sa'yo, eh."

Napaawang ang labi ko sa 'di pagkapaniwala, hindi ko maiwasang mapangiti ng malaki. "Grabe ka, mahal. Handa ka na talagang ilantad sa 'kin lahat?"

"Wala naman nang rason para itago ko, mahal." nagkibit-balikat siya, humalik sa aking noo. "Alam mo naman na kung gaano kita kamahal at kung anong kaya kong gawin mapasa-akin ka lang."

Wow. I just hit a lifetime jackpot without doing anything.

Sa dinami-rami ng kamalasan ko sa buhay, wala iyong binatbat sa swerteng binato sa akin ng langit ngayon.

"Thank you, Lord." hindi ko maiwasang sambit.

Napatawa siya. "I should also thank him for giving you up to me after battling for so many years."

Ganoon na lang ang pagiging emosyonal ko na yumakap sa katawan niya.

Napakagwapo niya rin sa suot na puting polo shirt and itim na shorts. Simple, pero dahil siya si Ezekiel ay nagmumukha siyang modelo.

Napakaraming mga mata ang nagnanakaw ng tingin sa kaniya. Imbes na magselos ay nakaka-proud dahil asawa ko ang lalaking ito.

"Thank you talaga, mahal, dahil hindi ka sumuko na makuha ako. Baka patay na ako ngayon kung naisipan mong pabayaan na ako gaya ng hinihiling ko noon. I love you so much!" pinanggigilan ko siya, minumudmod ang mukha ko sa dibdib niya.

"You deserved every—"

"SIR EZEKIEL! ATE!"

Naputol ang pag-uusap namin nang tumatakbong sumisigaw si Freya patungo sa aming dalawa ni Ezekiel.

Nagugulat akong napatayo. Mabilis na kinabahan. "Bakit? Anong nangyar—"

"May dumukot kay Duziell!" pagsigaw niya pa.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa malayo, kung saan kanina silang naglalaro. Ganoon na lang ang panlalambot ko nang makitang nakahandusay na ang mga guwardiyang bantay nila, at wala na roon sina Panying at Halaenna.

"Anong nangyari?!" Namumutla akong napabaling kay Ezekiel.

Subalit nang balingan ko siya ay mabilis na siyang nakatakbo papalayo. Doon ko nakita ang nakaitim na lalaking buhat-buhat si Duziell na tumatakbo patungo sa kabilang panig ng isla.

"Ezekiel!!" Dumagundong nang husto ang puso ko sa takot at kaba. Hinahabol niya ngayon ang lalaking iyon!

"Ate! Sundan natin sila!" bago pa ako makatugon ay mabilis na akong hinila ni Freya.

Dahil sa lumulubog na buhangin sa aking mga paa ay nahihirapan kaming dalawa na tumakbo at humabol sa kanila. Napakabilis nilang nawala sa isang iglap!

"Ate, dito ang daan!" Puno ng kaguluhan akong nagpapatangay kay Freya. "Dahan-dahan lang, baka mapaano raw si baby."

"Ha??"

Sa kung anong dahilan ay hindi ako 'ganoon' kinakabahan. Sadyang hindi ko lang maproseso sa isipan ko na may dumukot kay Duziell!

Kung gano'n nga, nasaan na sila Panying, Haleanna, at Danilo?

"Dito tayo, ate!" Patuloy akong ginagabayan ni Freya sa mga dinaraanan.

Kunot na kunot ang noo ko nang huminto kami sa ilalim ng kubo na napapaligiran ng sangkatutak na bulaklak at mga ilaw.

"Diyan ka lang, ate." pag-uutos niya pa sa akin bago ako iniwang natutulala.

"Ano bang..."

Hindi maipinta ang mukha ko nang makita ang naka-itim na lalaking buhat-buhat si Duziell. Iyon ay si Ramil na may malaking ngiti sa labi. Pumwesto siya sa hindi kalayuan at tumayo lang doon.

"Ramil, ano ba 'tong ginagawa niyo..."

Sumunod na mga sumulpot ay si Danilo, Panying, Haleanna, at Freya na dumikit kay Ramil. Lahat sila ay may mga malalaking ngiti na tumayo roon habang nakatingin sa akin. Puno ng kasabikan at kakaibang kislap ng mga matang nanatili sa kinatatayuan.

Sumunod ay ang tatlong guwardiya ni Duziell na kanina lang ay nakahandusay. Lahat ng iyon ay humelera kasunod nila Haleanna.

"Nasan na si Ezkiel—"

"One, two, three!" Nagulat ako nang sabay-sabay silang tumalikod lahat!

Subalit mas nagulat ako nang makita ang iba't-ibang letra na nakaimprinta sa likod ng mga t-shirts nila.

M A R R Y M E !


"Ha?" Naiwang nakanganga ang bibig ko, napapatanga sa nabasa.

"I'm sorry for being so cheesy." nahugot ko ang aking hininga nang mula sa aking likuran ay pumulupot ang mga braso ni Ezekiel. Pinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

Ilang beses akong napakurap, hindi maalis ang paningin ko sa nakikita ngayon. "G-Gusto mo ulit na magpakasal tayo?"

"Hmm, I've never proposed a proper marriage to you before." humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "I've never asked you personally to marry me. I've been so selfish."

Sunod-sunod akong napalunok. Tunay na hindi ko pa naranasang may mag-propose ng kasal sa akin noon... at kakaiba sa pakiramdam ngayon.

"I want to hold a second wedding, Serena. And this time, I want to do it the right way."

"Ha?" wala akong ibang masabi sa pagkabigla sa mga ginagawa niya.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin, saka nagtungo sa aking haarapan.

Bigla, sa harap ko, lumuhod si Ezekiel at naglabas ng isang maliit na pulang kahon, iniluwa niyon ang nakakaakit na ganda ng isang singsing. Ganoon na lang ang pagwawala ng puso ko, ang mga mata ko ay hindi makapaniwala sa nakikita.

"My wife, mahal ko, sa bawat araw na kasama kita, lalo kong natututunan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa mga pinagdaanan natin bilang mag-asawa, mas lalo kong napagtanto na ikaw ang aking tahanan at aking buhay." ganoon na lang ang pamumula ng kaniyang pisngi at tainga. "I'm sorry for being cheesy, pero lahat ng mga sinasabi ko ay nagmula sa puso ko, Serena. Mahal na mahal kita."

Ang mga maiinit na likido ay mabilis na nagsipag-giliran sa aking mga mata dala ng emosyon sa kaniyang sinabi. Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilin ang panginginig niyon.

"Serena, will you marry me?"

Ang katagang akala ko'y sa pagiging artista ko lang maririnig ay siyang paulit-ulit na umaalingawngaw sa tainga ko ngayon.

Bumuhos ang emosyong naipon sa aking dibdib, at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. "Alam mo na ang sagot Ezekiel. Oo, yes, mahal!"

Napakaganda ng ngiting kumawala sa labi niya. Namamasa ang mga mata niyang kinuha ang singsing mula sa kahon upang isuot iyon sa aking palasingsingang daliri.

Hinila ko siya papatayo at mabilis siyang niyakap nang sobrang higpit. "Maraming salamat, Ezekiel, mahal ko."

"Maraming salamat, Serena, mahal ko." matamis na tugong paggaya niya sa akin.

HIndi ko maipaliwanag ang tuwa at saya na lumulukob sa dibdib ko, lalo pa nang marinig ang mga palakpakan at hiyawan ng mga taong nanatili sa aming panig.

"Mama! Papa! I want a hug too!" Hindi nagpahuli si Duziell nang inabot siya sa amin ni Ramil.

Natatawa naming siyang sinali sa mainit at mahigpit na yakap na iyon.

"I love you both so much," madamdaming bulong ni Ezekiel. "And our soon-to-be baby."

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon