KABANATA 79

9 0 0
                                    




"Let go of me, you bastard!!" buong lakas na tinulak ni Raquel si Danilo.

"Bakit? Mukha namang nasasarapan ka, hindi ba?"

"Fuck you!!" Sinigawan niya ito at tuluyang nakalaya sa malalakas na bisig ng binata.

Laking pasasalamat niya nang hinayaan siya nitong makaalis sa kama. Tumawa pa ito na para bang natutuwa talaga sa ginawa sa kaniya ngayon-ngayon lang kahit ano pang pagpupumiglas niya.

"I'm going to sue you! Ipapakulong kita sa ginawa mo sa 'kin, Danilo!! No, that's not enough! Ipapapatay kita!!" Kinuha niyang muli ang bathrobe upang takpan ang sarili niyang katawan, galit na galit at puno ng takot niya itong sinigawan, bago nagmamadaling lumabas ng hotel room na iyon.

Gulong-gulo siyang hinihingal na tumakbo papasok sa kalapit na girl's restroom. Humarap siya sa malaking salamin at nakita kung gaano ka-miserable ang itsura niya ngayon.

Nagkalat ang makapal niyang kolorete sa mukha, lalo na ang pula niyang lipstick sa labi na ngayon ay kalat-kalat na rin sa kaniyang pisngi at baba. Gano'n na lang din kagulo ang buhok niya na animo'y nanggaling pa sa pakikipag-away.

Tumataas-baba ang dibdib niya dahil sa pag-apaw ng damdamin buhat ng mga nangyari. Kumibot-kibot ang labi niya kasabay ng pagbuhos ng kaniyang mga luha.

"AAAAHH!!!" Malakas niyang isinigaw ang emosyon habang napapasabunot sa sariling buhok.

Her screams are full of pain and distress. She felt betrayed. She felt as if the world turned upside down, and she doesn't have a clue what is really going on!

"Anong nangyayari?!! Ahhh!!" Napatiklop ang katawan niya sa sakit na bumabalot sa kalooban at isipan niya.

Iniisip niya kung bakit hindi niya maproseso ang lahat! Bakit parang hindi na gumagana ang isipan niya at madalas pang sumasakit nang sumasakit ang kaniyang ulo!

Inaalala niya ang mga nangyari sa kanila noon ni Ezekiel sa mansyon nito, pero bakit nabura lahat ng mga iyon sa alaala niya na para bang hindi naman talaga iyon nangyari?

Hindi niya maintindihan! Walang ideya ang pumapasok ngayon sa isipan niya! Para siyang naging estupida magmula nang may mangyaring masama kay Elizabeth!

Is she cursing her? May sumpa ba ang hindi niya pagiging mabuting anak sa matandang babaeng 'yon kaya siya nagkakaganito?!

"N-No..." Mas napaiyak siya nang may lumabas na pulang likido mula sa ilong niya. "P-Please, make it stop!" sa kaiisip ay mas lalong kumikirot ang ugat sa utak niya. Para bang walang paglalagyan ang sakit! "E-Ezekiel... I need you. Please help me... p-please, it hurts so much!"

Lahat ng nangyari ngayong gabi ay iba sa inilarawan niya sa isip. Ezekiel didn't tell people that she was his beloved. He didn't sleep with her tonight, but it was another man! That Danilo, who was only part of her schemes before!

"Bakit nangyari 'to? A-Anong ginagawa mo sa 'kin, Ezekiel?! Another man got to touch my body without my permission... W-Why did you do that to me? What did I do wrong? B-Bakit mo hinayaang mangyari sa 'kin 'yon? Mahal mo 'ko, hindi ba? S-Sinabi mo mahal mo 'ko, hindi si Serena—"

"Baliw."

Napatigil siya sa pag-iyak at sa pagkausap sa sarili nang umalingawngaw sa loob ng banyo ang pamilyar na boses na iyon.

May nanlalaking mga mata siyang napaangat ng paningin kasabay ng pagwawala ng kaniyang puso.

Nagtama ang paningin nila ni Serena, at ganoon na lang niya nahugot ang kaniyang hininga sa pagkagulat.

Nakasuot ito ng pinkish na gown, nakaayos sa pagkakakulot ang buhok, at nakasuot din ng manipis na kolorete sa mukha. Subalit ang mala-anghel nitong itsura ngayon ay hindi nababagayan sa mala-demonyong ngisi na nakaguhit sa labi nito.

"S-Serena?" kaagad na nanginig ang katawan niya sa takot. "A-Anong ginagawa mo rito? H-Hindi ba patay ka na? Patay ka na!!"

"Eh?" napatawa ito sa sinabi niya. "Sino nagsabi? Ilusyon mo? Kung sa bagay, ganyan naman talaga ang magiging epekto sa utak mo ng droga, 'di na ako magtataka."

"W-What?" mas bumigat ang mga naging paghinga niya. Nanlalambot man ang mga tuhod ay pinilit niyang itayo ang sarili upang harapin si Serena. "A-Anong sinasabi mo?"

"Sinasabi ko lang naman na dinodroga ka ng asawa ko." may inosente pa itong ngiti sa labi na akala mo'y nakakatuwa ang sinabi niya. "Mukhang litong-lito ka parin at naguguluhan sa nangyayari kaya ipapaliwanag ko na. My husband has been drugging you ever since he brought you to our mansion. Ang epekto lang naman ay hihina ang kakayahan ng utak mo na pumroseso ng mga bagay, magkakaroon ka ng mga hallucinations, at unti-unti rin niyong pinapahina ang katawan mo. In short, binabaliw ka. Gets?"

Muli siyang nanghihina na napahawak sa kalapit na lababo, upang suportahan ang sarili niya. Ilang beses siyang umiling-iling, hindi naniniwala sa sinasabi ngayon ni Serena.

"H-Hindi... hindi totoo 'yang mga sinasabi mo! Mahal ako ni Ezekiel, hindi niya magagawa sa 'kin 'yon!!"

"Nabaril ka nga eh! Drogahin pa kaya?" natatawa at napapailing pang tugon nito sa kaniya. "Nasa utak mo lang 'yan na sinasabi mong mahal ka ng asawa ko. Ngayon, wala ka na ring pinagkaiba kay Marian. Hindi pa ganito mo rin siya binaliw ng husto at magamit diyan sa mga sa maiitim mong plano?"

Ilang beses siyang napakurap-kurap. Muli siyang napasabunot sa kaniyang buhok. Hindi parin kayang tanggapin sa sarili ang mga salitang naririnig ngayon.

"Y-You... how dare you say all of this?" sa kabila ng mga luha ay tinaliman niya ang pagkakatitig kay Serena. "Siguro ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to, ano?! You let Danilo rape me!! This is all on you!!"

"Oo!" bulalas na pag-amin ni Serena. "Ako nga ang nagplano! Ano ngayon ang pakiramdam, Raquel? Did you get deja vu of what just happened? Hindi ba't pareho lang din 'to ng ginawa mo noon kay Ezekiel? You drugged him and let Marian climb into his bed!! Napakahayop mo para ipakita pa 'yon mismos sa harapan ko!!"

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat ng makita ang galit na mukha ni Serena. This is the first time she sees her getting mad. This is the first time she felt weak because she was frightened by what she said.

"A-Alam mo... alam mo ang nangyari?" napaatras siya. "P-Paano? I-I..."

"Matagal ko ng alam ang lahat Raquel. Matagal na ring alam ni Ezekiel." tiim-bagang na lumapit sa kaniya si Serena. "This is the time when you have to pay back everything you've caused us."

"S-Serena—"

Isang malakas na sampal ang humambalos sa pisngi niya! "Para 'yan sa pang-aahas mo sa asawa mo!" Bago pa siya makabawi ay panibaong malutong na sampal ang bumalatay sa kabila niyang pisngi. "Para 'to sa lahat ng pasakit na binigay mo sa 'kin sa kamay ni Brantley!!"

Mabilis na umikot ang paningin niya nang hinalin ni Serena ang buhok niya at pagsasabunutan iyon ng paulit-ulit!

"S-Stop! Ahh!!" sinabukan niyang maganti subalit masyadong malakas si Serena kumpara sa kaniya!

Halos tanggalin siya nito ng anit bago siya paliparin at ihambalos ang katawan niya sa pader! Puno ng panghihina siyang lumupaypay sa malamig na tiles ng banyo. Ganoon na lang ang paghagulgol niya sa pwesto.

"Ha! Akala ko sa mga palabas lang nangyayari 'to. Pero masarap pala talaga sa pakiramdam ang gumulpi ng ahas at hipokritang babae!"

"H-How..." she choked in her words while still crying. "H-How can you do this to me?"

"Oh goodness, Raquel! I am not the good person you think I am. Oo. inosente ako. But that doesn't make me a kind person who forgives the devil after attempting to kill me multiple times! I am a bitch to a bitch, and I can be as devilish as you. Pinagkatiwalaan kita at hindi kailanman pinagisipan ng masama. Pero anong ginanti mo sa 'kin, ha? Anong ginawa ko sa'yo para pahirapan mo ako ng husto? Kulang pa lahat ng nararanasan mo ngayon sa naranasan namin ni Ezekiel noon dahil sa kagagawan mo!!"

"N-No..."

"Lintik lang ang walang ganti! Hindi ko ite-thank you na lang lahat ng ginawa mo. Hindi ako santo para mapatawad ka at kalimutan na lang ang lahat!" nanlilisik sa galit ang mga mata ni Serena, puno ng hinanakit ang bawat bitaw ng mga salita. "Attempting to kill me only made me realize how you deserve this kind of cruelness as well. You deserve all the karma that is coming your way. And the world should witness all of those consequences."

"A-Anong ibig mong sabihin? Anong sinasabi mo?!" kinutuban na siya sa huling salitang binitawan ni Serena.

Ngumisi pa ito ng nakaloloko. "Bibigyan ka namin ng asawa ko ng ilang minuto para damhin ang kahihiyan. Kaya ano pang hinihintay?"

Napaawang ang labi niya, gano'n na lang ang paghahabol ng hininga. "What did you do?!!"

Nagmamadali siyang lumabas ng banyo para lisanin na angl lugar dala ng takot sa sinabi ni Serena. Ang labis niyang kinaaayawan ay ang kahihiyan sa publiko. She values her name more than anything else! She values her reputation and dignity as part of the De Silva! Losing that will only make her lose her mind!

Subalit sa pag-alis sa banyo ay hindi niya alam kung saan sya pupunta. Nakasuot lamang siya ng bathrobe, ang damit niya ay naiwan sa kaninang kwarto kung nasaan si Danilo at ayaw na niyang bumalik doon.

This is a nightmare! Gusto na niyang umuwi at tumakbo sa mama niya ngayon para magsumbong!

"Oh my god! It's really true! That is literally Raquel! The video happened just now!"

Nanigas siya sa kinatatayuan nang makasalubong ang grupo ng mga babae. She recognized them, and they all came from a family of honor. They are her friends in the upper class!

"Oh my gosh, I can't believe my eyes! This is so shocking!" Ngunit nilabas nito ang cellphone upang i-flash ang camera sa kaniya. "This is so gonna blow!"

"N-No! Delete it!!" Agad siyang nawala sa katinuan at sinugod ang mga babaeng kumuha ng litrato sa kaniya ngayon.

Sa takot ng mga babae ay nagtilian sila at nagsipagtakbuhan na agad naman din niyang hinabol.

But that is her huge mistake. Hindi siya nag-iisip. She just exposed herself in front of the crowd. Ang mga tao ay nakatingin na sa kaniya na may nanlalaking mga mata, at nakaawang na mga labi. Gulat na gulat ang lahat ng makita ang itsura ng isang Raquel De Silva sa ganitong okasyon.

She's only wearing a bathrobe without anything else, not even slippers. Her hair and make-up are chaotic, like she just went crazy.

Sa sandaling iyon ay para bang gusto na lang niyang saksakin ang sarili. Gusto niyang takasan ang lahat subalit nanigas na siya sa kinatatayuan at hindi makagalaw.

Nagsipag-ingayan ang mga tao ngunit ang boses ni Ezekiel ang nangibabaw.

"Get her out of here." anito sa mga guwardiya.

Natutulala siya at nawawala sa sariling nagpatangay sa mga lalaki hanggang sa ipasok siya sa sasakyan, kasunod nito'y tinakpan ng piring ang mga mata niya. Naramdaman niya ang pagkaposas sa kaniyang mga kamay, bago tuluyang sinakop ng dilim ang kaniyang paligid.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon