KABANATA 87

6 0 0
                                    






Ezekiel leaned back in his chair, his eyes fixed on his father's lawyer, Samson, waiting for his response.

The old lawyer, Samson, had been his father's trusted legal advisor for many years. Sila ay nag-uusap tungkol sa huling habilin at testamento ng yumaong ama ni Ezekiel, na naglalaman ng susi sa paghahati ng malaking kayamanan ng pamilya.

"As the rightful heir, I expect to inherit the majority of my father's wealth, as stated in the document. However, there is an additional matter I would like to address."

The old man adjusted his glasses and nodded attentively. "Of course, Ezekiel. Mangyaring magpatuloy ka."

He continued. "According to the will, my stepmother, Elizabeth, who has already passed away, is entitled to a portion of the inheritance. However, given what happened, I believe that those rights should now be transferred to me."

Tumango-tango ang abogado, binibigyang-pansin ang kahilingan ni Ezekiel. "Nauunawaan ko ang iyong pananaw, Ezekiel. However, please let me review the legal implications and consult with my colleagues first to ensure we handle this matter appropriately."

Naipabatid na sa publiko ang pagpanaw ni Elizabeth matapos manatili sa kritikal na kondisyon sa hospital dulot ng pagsabog ng sasakyan nito. Samantalang si Raquel naman ay binalitang binawi nito ang sariling buhay dahil sa hindi matanggap na kahihiyan. Nangyari ang lahat ng iyon limang buwan na ang nakalipas.

Now Ezekiel is proceeding with the inheritance his late father left them. Wala pa man ay tinatayo na niya ang mga karapatan at ari-ariang mapupunta kina Duziell at Serena para sa hinaharap. Sinisiguro niya na lahat ng pagmamay-ari ng ama niya ay sa kanila mapupunta at mapapanatili iyong buhay.

"Sir, ito na po ang tsaa." nag-abot si Freya ng inumin sa kanilang dalawa bago magalang na umalis din kaagad.

"Ako naman ay natutuwa sa iyo, Ezekiel," naroon ang magandang ngiti ng matandang lawyer. "Simula pa man noong yumao ang iyong ina, ay hindi mo na lagi gustong makipag-usap sa iyong ama. Nang ito naman ang yumao, ay siya namang ayaw mong pag-usapan kahit anong pangungulit ko." natutuwa itong tumawa. "Totoo nga ang sinabi ni Roswell, simula nang mag-asawa ka, mayroon ka pang pag-asa."

Nangunot ang noo niya sa sinabi ni Samson. Kinuha niya ang tsaa para kapiranggot na uminom bago kuryosong nagtanong.

"Bakit niya naman nasabi 'yon? What did he mean by that?"

"May pag-asa ka pa sa buhay, sabi niya. Hindi mo lang alam, pero alam ni Roswell na umiibig ka noon sa asawa mo na ngayon. Hindi siya tumutol, o ginamit na dahilan ang urgent na pagpapakasal mo sa ibang babae para sa ikalalago at ikasasabal ng negosyo. Dahil prayoridad niya ang damdamin mo ukol sa bagay na 'yon. He saw your liveliness again after your mother's death, because your wife came." anito. "Hindi mo alam na ayaw niyang matulad ka sa kaniya, na nagkaroon ng pangalawang kasal para lang mapanatili ang kasunduan ng dalawang pamilya. Every day, he felt suffocated and dead. Both of you are. I know he's sorry for you, Ezekiel. Dahil wala siyang lakas na magpaka-ama sa'yo magmula nang mawala si Eliza."

Sunod-sunod na karayom ang tumutusok sa dibdib niya. May bumara sa lalamunan niya, at pilit niya iyong binura sa paraan ng pag-inom ng tsaa. Ngayon ay hindi na siya makatingin ng deretso kay Samson.

"I'm too selfish... I'm sorry," humigpit ang pagkakakapit niya sa baso. "I was just... hurt seeing him build another family right in front of my eyes. Hindi ko nakita... na ginagampanan niya lang ang responsibildad na pinapataw sa kaniya." nagpakawala siya ng malalaim na hininga saka muling sinalubong ang mga mata ng matanda. "Thank you for saying this. Because if he forced me to get married to another woman, mauuna pa akong mamamatay kaysa sa kaniya. I just can't picture myself living with someone else other than my family now."

Malungkot na ngumiti ang lawyer. "Ang totoo niyan, may isa pa akong matagal na gustong sabihin sa'yo... tungkol din sa nangyari sa ama mo."

"What is it?"

"Your father kept this a secret from you—that he could no longer handle depression for his age. He once told me, He cannot wait for death to come his way any longer."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "What do you mean?"

"He let Elizabeth and Raquel poison him, which eventually led to grave illnesses."

"W-What?" para siyang nabingi sa narinig. Mabilis na namasa ang mga mata niya. "N-No... I-I already know they poisoned him through investigations, but what the fuck? Why are you saying he let himself get killed by them?!"

Gano'n na lang ang pagtaas ng tono ng boses niya. Bumabaon sa palad niya ang mga kuko niya sa labis na pagkakakuyom. Ang mga mata niya ay naghahanap ng kasagutan na tumitig sa matandang abogado.

Nanatili naman itong kalmado at may malungkot na ngiti sa labi. "Please do understand his condition, Ezekiel. That was his important wish for all of us. Noong mga panahon na 'yon, puno na siya ng kalungkutan na hindi niya alam ang paglalagyan. He had his therapist with him, but no amount of therapy could fill the emptiness inside him. Sa tuwing nakikita ka niya noon na magpakabaya para mahanap ang asawa mo, naaalala niya parati si Eliza. Wala ng paglalagyan ang sakit na nararamdaman niya. Lalo pa ng sarili niya ring pamilya ang makakaisip na gumawa sa kaniya ng kataksilan. He let death swallow him and escape. I'm sorry... but I also did not want to see him suffer. Twenty years of witnessing him in the same condition is enough for me."

Magkakasunod na mga luha ang tumakas mula sa mga mata niya. How lonely was his father to be able to do that?

Tumayo si Samsom upang lapitan siya at bigyan ng mahigpit na yakap. "Roswell, your father also wishes for you to have a good life with your new family. Cherish your fatherhood, and be a great husband to your wife. He doesn't want you to end up like him."

Ezekiel let himself drown in tears because of the truth behind his father's death. Dahil ba sa isa na rin siyang ganap na ama, kaya niya nararamdaman ang ganitong klase ng sakit ngayon? Para bang naiintindihan niya ang sinapit ng ama ngayon na noo'y hindi niya magawang unawain.


***

"Papa, please stop hugging me! No more!" pinagtutulakan na siya ni Duziell dahil sa paulit-ulit niyang pagyakap rito dala ng emosyon. "Mama, help me! No more! I want to play Lego now!"

Natatawa si Serena na naupo sa sofa kung saan niya kinukulong sa braso si Duziell. "Just comfort papa, okay? He's feeling sad."

"Whyyy? Why papa sad?" nagrereklamo man ay hindi na nagpumiglas si Duziell. Nakabusangot nitong hinawakan ang mukha niya. "Don't cry, papa."

Namamaga ang mga mata ni Ezekiel na tumango-tango. Hindi niya rin maiwasang mapatawa sa ginagawa niya sa musmos na bata.

"Papa loves you, you know?" aniya sa malambing na tono. "I love you so much, don't forget that, okay?"

"Okay! Can I play Lego now?"

Natawa siya sa ikli ng pasensya ng anak. Sa wakas ay pinakawalan na niya ito at pinanood na masayang naglalaro ng kabibili niya lang na laruan.

Binaling niya ang yakap sa asawa na may matamis na ngiting nagmamasid-masid lang sa kanila kanina pa.

"Thank you for giving me a son, wife. I love you."

"Oo naman, gusto mo bigyan pa kita ng daughter, eh." may halong biro na saad ni Serena.

Natigilan siya at agad na lumarawan ang pananabik sa mukha. "Really? Can we have a daughter too?"

Napanguso si Serena para pigilin pa ang malaking ngiti na gustong kumawala sa labi nito. Bigla ay may binulong ito sa tainga niya.

"Hindi pa ako dinadalaw ng period ko."

Nanlaki ang mga mata niya. "D-Does that...Does that mean.. you're pregnant?"

Nanlalamig na ang mga kamay niya sa kaba at matinding kasabikan.

Nagpatay-malisya si Serena. "Ewan ko. Hindi ko pa sure."

"Let's go to the hospital!" Dali-dali niya itong hinila na labis pang kinatawa ni Serena.

"Teka lang, mahal ko!"

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon