"Is the food to your liking, SERENA?" Pagtatanong sa akin ni Tita Elizabeth.
Hindi katulad noong huli ko siyang nakita, ngayon ay maganda ang pakikitungo niya sa akin na para bang walang nangyari noon.
Subalit kahit na gano'n ay hindi parin siya isang magaling na artista para maitago ang tunay na nararamdaman sa awkward na ngiting iyon.
"Yes, Tita, hindi naman po ako mapili sa pagkain, kaya ayos lang sa akin kahit anong i-serve niyo. Pasensya na rin at wala kaming pasabing pumunta rito ni Ezekiel."
"This is my father's mansion, so we're entitled to visit anytime we want, wife." Si Ezekiel ang mabilis na nakatugon.
"Gano'n ba?" tumaas ang sulok ng labi ko. "We're not being rude right now, at dito rin tayo nakikain?"
"No worries. The money being paid for all these foods came from my father, which I inherited already." Pagsasabi niya ng katotohanang batid naming hindi gugustuhing marinig ni Tita Elizebeth.
Napapeke siya lalo ng tawa. "As long as you enjoyed the food, then it's fine. Kumain lang kayo ng kumain."
A considerate mother-in-law doesn't suit Tita Elizabeth at all. Siguro'y nasanay lamang talaga ako sa masamang trato niya sa akin, noon pa man simula nang maikasala ko kay Ezekiel.
"Heto na~" Lumabas mula sa dirty kitchen si Raquel, habang dala-dala ang isang mainit na putahe. "This is my specialty! Chicken curry!"
"Wow, hindi ko alam na marunong ka palang magluto, Raquel!" mangha kong sabi.
Naupo siya sa katapat kong upuan, katabi si Tita Elizabeth, na ito namang katapat si Ezekiel sa aking tabi.
"I learned to cook it. Masarap talaga 'to kaninin tuwing tanghalian. Hindi ba, Kuya? I remember this being your favorite too!" Baling niya pa ng tuon kay Ezekiel.
Napatingin ako kay Ezekiel. "Favorite mo pala ang chicken curry?"
Tumango sa akin. "Kind of. It's comfort food for me."
Bigla na lamang akong napahagalpak ng tawa. "I'm sorry, sinira ko ang chicken curry mo noon dala ng galit ko sa'yo, hahaha!"
Iyon 'yung gabi na kung ano-anong sangkap ang hinalo sa chicken curry niya at dinuraan pa dahil sa galit at hinanakit ko sa kaniya.
Sandali niyang pinroseso ang sinabi ko, nang maalala iyon ay agad din siyang napatawa. "It doesn't matter since I get to punish you all night long. A win on my part."
Natatawa akong napaawang ng bibig saka siya nahampas sa braso. Hindi ko parin malilimutan na pinagpapalo niya ako sa puwet!
"I hate you! Hirap akong makaupo pagtapos no'n!" Napanguso ako at inismiran siya. Totoong masakit sa puwet pagtapos ng mga palo niya!
"Oh no, I'm sorry, my wife." mabilis niya akong sinuyo. "Here, I'm going to feed you na lang bilang pambawi."
Bahagya siyang tumayo para abutin ang isang mangkok at sumandok sa chicken curry na kalalagay lang ni Raquel sa lamesa. Kapagkuwan ay mas dinikit niya ang upuan sa akin, upang mas madali akong subuan ng kanin at ulam na iyon.
Hindi ako nagreklamo o umayaw doon. Kahit pa batid kong may mga matang nanonood sa aming dalawa.
I just wanted to show them that Ezekiel really loves me and treats me as his dear wife.
"Gusto ko maraming patatas." saad ko pa na agad niya namang pinagsusubo sa aking bibig.
"K-Kuya, baka maubusan ka. I prepared it for you, actually." Pagsasalita ni Raquel na kinaagaw namin ng pansin. "Um, bakit hindi ka na magsimulang kumain? Serena can feed herself! Come on, sister-in-law, huwag niyo naman akong painggitin sa relasyon niyo! I get it, magkaayos na kayo, pero no need mag-PDA, ah? Hahaha!"
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...