KABANATA 25: Danilo's Agenda

13 0 0
                                    


Napalingon kaagad ako sa matipunong lalaking kumuha ng bitbit-bitbit kong tatlong garbage bag.

"Oh! Para kang kabute, kung sa'n-saan ka sumusulpot," natutuwa kong puna kay Dan.

Magiliw siyang sumabay sa paglalakad ko. "Sinisiguro ko lang po na walang ibang makakakita. Alam mo na?"

"Oo sige." pabiro akong suminghal. "Salamat."

"'Walang anuman!"

Mabuti na lamang at ang tapunan ng basura ay nasa likod ng mansyon, kung saan malapit ang garden na inaalagaan noon ng matandang lalaki, at ngayon ay si Danilo naman.

Hindi dinadaanan ang garden ng mga katulong sa loob ng mansyon, dahil hindi nila sakop ang trabaho rito. Maliban na lamang kung may gagawin sila na madadaanan ang lugar na 'to gaya ang pagtatapon ng basura, ay doon lamang nila makikita ang gardenero.

Sa nakalipas na ilang araw ay tinutulungan niya ako sa pagtapon ng basura, at naglalaan din ako ng sampung minuto para magpahinga sa garden niya nang walang ibang nakakapansin.

"Nakakainggit ang trabaho mo, Dan. Ang payapa rito sa garden, ang sarap gawing pahingahan." saad ko habang nakahiga sa malinis na damuhan.

Tinitingala ko ang kulay puti at asul na kalangitan na siyang tumatabon sa sikat ng araw.

Ang komportable rin panoorin ni Dan habang naggugupit ng evergreen hedge na halaman.

"Tama ka diyan, Serena." hindi siya napapagod sa pagngiti. Sa kung anong dahilan ay naalala ko sa kaniya si Brantley. "Ang maganda pa sa trabaho na 'to, malaki ang sahod!"

"Magkano?"

"Thirty thousand a month!"

"Wow." 'di ko 'yun inaasahan. "Ganito lang ginagawa mo, naka-thirty ka na? Ang saya."

"Sabi sa'yo mabait si sir Heskel, eh! T'saka sabi nila, mahalaga raw sa kaniya ang garden na 'to. Istrikto nga lang siya pagdating sa mga patay at sirang halaman. Kada sira ay may kaltas sa sahod."
"Tsk! Kung gano'n mag-ingat ka sa pag-aalaga. Ang lulusog pa naman ng mga halaman, halatang alagang-alaga ng lolo mo."

"Oo nga po, eh. Tinuruan naman ako ni lolo Pao, at magaan naman ang mga kamay ko sa halaman, naniniwala akong magagawa ko 'to. T'saka para na rin may pambayad sa mga gamot ni lolo."

"Hmm, ang bait mo naman." nakalabi kong tugon. May trauma ako sa mga ganiyang klaseng pag-uugali.

"Ah!" nahihiya siyang napakamot sa kaniyang batok. "Gano'n lang siguro talaga 'pag laki sa hirap, Serena."

Para tuloy akong nagkakaroon ng pangamba. Habang nakikilala ko siya ay masasabi kong mabuti siyang tao. Paano na lang kung madamay siya sa karma ko dahil lang sa tinutulungan niya akong mapagaan ang trabaho sa mansyon? Wala akong magagawa pabalik para sa kaniya 'pag nagkataon.

"Ikaw po ba? Magkano sinasahod mo bilang katulong ni sir Heskel?" kuryoso niyang tanong.

Batid kong alam na niya ang past ko dahil sa mga usapin nila Divina. Hinihintay ko lang siyang i-bring up ang topic na 'yon---kung bakit mula sa pagiging asawa ay nauwi ako sa katulong ni Heskel. Dahil ayaw ko ring tanungin ang opinyon niya tungkol sa bagay na 'yon. Matagal na akong walang pakialam sa sinasabi o iniisip nila sa 'kin.

"Wala akong sinasahod," pag-amin ko.

Napaawang ang bibig niya, natigil sa pag-gugupit ng halaman, saka nagugulat akong binalingan. "Seryoso?!"

"Mm," tumango ako. "Gano'n talaga, dahil hindi lang naman ako katulong dito, kundi alipin ng boss mo."

Matagal siyang hindi nakatugon. Nang makabawi ay bumaba na ang tono ng boses niya at nawala na ang matamis niyang ngiti kanina.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon