KABANATA 28

184 1 0
                                    


Gaya ng sinabi nila Davina, hindi pa nga umuuwi si Ezekiel sa mansyon.

Kaya halos isang buong araw din akong nakulong sa basement. Nakalabas lang ako nang may isang mekaniko ang kumuha ng mga gamit sa loob. Gano'n na lang ang gulat ng taong 'yon nung nakita ako.

Halos hindi rin ako lumabas sa aking kwarto buong araw dahil sa tagal kong makabawi sa takot. Hindi ko pa tuloy naiiwan ang sulat ko para kay Raquel na siyang dapat kunin ni Danilo kahapon.

"Porket hindi kita sinisita, ibig-sabihin ay magpapakahayahay ka na lang diyan sa loob ng kwarto mo, Serena! Hoy!" malakas na kumalampaag ang pinto ng aking silid. "Buksan mo 'tong pintuan kung ayaw mong sirain ko 'tong tuluyan!"

Nakakabulabog iyong boses ni Panying. Magkakasunod pa niyang kinatok-katok ang pintuan sa punto na masisira na iyon.

Pabuntong-hininga akong bumangon mula sa pagkakahimlay sa kama saka naglakad para buksan ang pintuan.

"Bakit?" walang kagana-gana kong tanong sa nanggagalaiting mukha ni Panying.

"Anong bakit? Nagpi-feeling ka na naman bang senyorita rito?! Hinayaan kita kahapon na magkulong diyan sa kwartong 'yan pero 'wag kang makakaasa na makakaulit ka pa ngayon! Kumilos ka at itapon ang mga basurang nakatambak sa kusina!"

"Hindi ba't banned na ako sa pagtatapon ng basura?"

"Walang ibang gagawa niyon kundi ikaw! Subukan mo lang magsabi kay sir Heskel---bibigyan pa kita ng mas mabigat na trabaho!"

Napalabi ako sa banta niya. "O sige ho, magpapalit lang ako sa huniporme ko."

"Hmp!"

Nagmartsa siya papalayo. Agad ko naman ulit sinarado ang pintuan para magpalit ng damit.

Pinilas ko rin piraso ng papel sa notebook na siyang may laman ng sulat para kay Raquel. Pinasok ko iyon sa malalim kong bulsa naago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nagtungo agad ako sa kusina para kumuha ng tatlong malalaking garbage bag saka naglakad patungo sa pathway kalapit ng garden para itapon ang mga iyon sa tangke.

"Serena," inaasahan ko nang madadatnan doon si Danilo. "Narinig ko ang ginawa sa'yo nila Davina! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka?"

Umiling ako. "Okay lang ako." Nilabas ko ang piraso ng papel at inabot iyon sa kaniya. "Pasensya na hindi ko naabot sa'yo 'to kahapon."

Agad niya 'yong tinanggap. Nakita ko nang may nilabas din siyang sulat sa loob ng puting envelope.

"Ipinapaabot ni Miss Raquel. Basahin mo raw ng maiigi ang nakasulat, Serena."

Tinanggap ko iyon, mabilis na tinago sa aking bulsa saka tumango. "Salamat."

"Hindi ka na pwede pang magtagal dito sa loob, Serena. Kumakalat na merong namamagitan sa 'ting dalawa! Ginagawa ko na ang lahat para itanggi ang dikusyon nilang 'yon. Pero kapag nakarating 'yon kay sir Heskel, mas mahihirapan kitang maitakas dahil alam kong pareho niya tayong mapag-iinitan---lalo ka na! Kasi sa 'kin, ayos lang. Kaya kong magpaliwanag kay sir Heskel. Ang pinakamasama niya lang magagawa ay ang sisantehin ako."

Muli akong tumango-tango, labis na naiintindihan ang nais niyang iparating.

"Huwag kang mag-alala. Iintindihin kong mabuti ang gustong gawin ni Raquel nang hindi ka na rin maipit pa sa gulo ko. Tatanawin ko 'tong isang malaking utang na loob sa'yo."

"Masaya akong makatulong sa'yo, Serena. Isa pa, malaking puntos rin 'to kay Miss Raquel na mapansin ako. Halos araw-araw na nga kaming nagkikita eh!" Naiba na naman ang emosyon sa mukha niya tuwing nababanggit si Raquel.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon