"Nakatulog na si Duziell."
Naglakad papalapit sa kaniya si Serena galing sa kama kung saan mahimbing nang natutulog ang kanilang anak.
Katatapos lang ding maligo ni Ezekiel. Tanging ang itim na bathrobe lamang ang kaniyang suot nang maupo siya sa couch.
"Ako na," kinuha ni Serena sa kamay niya ang puting tuwalya para patuyuin ang buhok niya.
He was startled by her actions and behavior, but he let her be. Hindi niya pa ito naranasan na ginagawa ng asawa sa kaniya.
He can smell the natural scent on her body because of their close space. Inangat niya ang braso niya upang hawakan ang baywang nito at ihigit papalapit sa kaniya. He then smells her breast, in which the fragrant smell comes stronger.
This spot is very addicting, he thought.
"Kumusta ang trabaho?" Hindi naman nag-react doon si Serena, sa halip ay iyon ang tinanong nito habang marahan paring tinutuyo ang buhok niya. "Paniguradong pagod ka."
"The business is still going well." lihim siyang napangiti. "I'm fine now. Now that I'm with my woman."
Hininto ni Serena ang ginagawa, napamulagat siya ng mga mata nang hawakan nito ang dalawa niyang pisngi at pinatingala ang ulo niya, dahilan upang magtama ang kanilang mga mata.
He thought she would kiss him, but Serena's voice sounded mad so suddenly.
"Your woman. How many are there? Ilan naman kaya ang babae mo?"
"What?" Agad na nalukot ang noo niya sa tanong nito. "I'm only referring to you. W-Walang iba..."
"Ba't nautal ka?" tinaasan pa siya nito ng kilay.
Because he's not used to saying stuff like this! Kung 'di lang dahil nananawa na siya sa tagal nilang hindi pag-uusap ay hindi siya basta-bastang aamin agad. But he had wasted so much time and energy before, before he could even utter these words.
"Naiisip mo parin ba si Marian?" Serena asked again.
Nanlaki ang mga mata niya. Kaagad niyang hinila si Serena paupo sa kaniyang kandungan at niyakap ang baywang nito.
Seryoso niya itong tinitigan sa mga mata. "Tell me now, why do you keep on mentioning that sick woman? Because I know for sure, I don't have anything to do with her, much more have feelings for her. I don't even feel guilty for using her and breaking up with her before."
Kahit na magpa-lie detector siya ngayon ay magiging buo parin ang loob niya dahil hindi siya nagsisinungaling. He never even felt pity on that woman, dahil sa noo'y ginagawa nito sa kaniya.
"Why can't I mention her?" Serena acted innocent. "Ex-fiance mo siya. You must at least like her in some ways–"
"She's creepy!" He cut her out. Hindi niya masikmura ang magkagusto rito. "She's obsessed with me. She's a stalker. Sinasaktan niya ang sarili niya kapag may lumalapit sa 'king ibang babae. She would guilt trip me, blame me, and even manipulate me just so I would not leave her all over again. From the very start, there's something wrong with the way she 'loves' me. Kaya nga, hindi ko na lang pinapansin. Palagi niya akong dinadaan sa iyak, pagmamakaawa. Because she's very, very insecure and paranoid. I tried handling her well, but fuck that! Nakakapagod." Lalo na't hindi naman niya ito mahal. Hindi niya kayang pilitin ang sarili niyang maski tingnan ang itsura nito, na kahit ihawig pa kay Serena ay walang binabatbat.
He can't play pretend. Nakakaramdam lang siya ng pahinga, sa tuwing nakikita ang totoong Serena. She's his comfort.
"Parang lahat ng masamang traits, 'yun lang nakita mo sa kaniya, ah?" pabiro man ay naaawang saad ni Serena. "But she still loves you..."
Napangiwi ang labi niya at pinitik ang noo nito. "I'd rather die than love her back. Seriously, she's crazy. She needs help, that's why I sent her over twenty psychiatrists. But because of her parents don't accept shame, they never gave her what she needed the most, therapy."
"Gano'n ba talaga siya kabaliw? Tapos hinahayaan parin siya ng mga magulang niyang lumabas-labas?"
"Yes. I forgot to mention, sinasaktan niya kahit sinong babaeng dumikit sa 'kin, basta bigla niyang pagselosan. But don't worry. That woman will never get to step inside my territory. Ilang beses na siyang nag-attempt pumasok dito sa loob, hindi siya nagtatagumpay."
"Pero..." yumuko si Serena, lumungkot ang mga mata nito. "Hindi ba almost four years ago, noong magkasama pa tayo, madalas kayong nagkikita dalawa? Naalala mo dati? Nu'ng sa club, nagalit ka dahil kasama ko si Brantley nung gabing 'yon, pero ikaw din naman kasama mo 'yung babae na 'yon. We fought that night. 'Yun 'yung araw na kumalat sa media ang relasyon nating dalawa dahil may nakapag-video."
Ezekiel immediately remembered. "I don't know what you were thinking about me and Marian that time and even now. The truth is... I was keeping her a secret from you."
"Ano? Talagang itatago mo pa siyang sekreto sa 'kin? Bakit naman!" hinampas nito ang dibdib niya.
Nag-alinlangan siyang tumugon. Sandali pa siyang napahinga ng malalim.
Well, he can't do anything now but to admit it all. He has already confessed to Serena five days ago. Pero dahil walang halong alak ay pinanghihinaan siya ngayon ng loob.
"The truth was... ayokong malaman mong baliw ako sa'yo. That I even got myself your substitute just so I could fulfill the desire to have you in reality." hindi siya makatingin ng diretso kay Serena dahil sa matinding kahihiyang lumulukob sa pagkatao niya. "I was always fantasizing about having you... I-I really thought I could settle with someone who looked just like you. I didn't want you to know my schemes before, I'm afraid you'd think I'm also creepy and obsessed. I'm afraid you'd run away once you get to know who I really was. That's why I always kept myself cool and composed around you."
"And why would you think na matatakot ako sa'yo kung hindi malamig at pormal ang trato mo sa 'kin, aber?"
Tumaas ang isa niyang kilay at sinalubong sa wakas ang paningin nito. "What do you mean? You already hate to be wed to me, much more acting like I'm a husband to you out of your own choice? Not to mention, ilang beses ko nang narinig ang mga reklamo, gigil at inis mo sa 'kin, kahit wala pa akong ginagawa. I never get to have a good honeymoon with you because you said you'd kill yourself if I 'touch', 'assult', or 'rape' you. Since ayaw mo naman talagang makasal sa 'kin."
Nagsimula lang siya noon magkaroon ng lakas ng loob na makaipagtaalik sa asawa noong pareho silang nalasing. Dahil para siyang mababaliw kung hindi ulit magiging iisa ang katawan nila ay hindi niya hinayaang matigil iyon kung kaya't makailang ulit na silang nagse-sex.
Kaya naman gano'n na lang din ang ginhawa sa dibdib niya tuwing hindi umaayaw si Serena, o maski pagtulakan siya at ipahiya gaya ng palaging laman ng isipan niya.
"Kailan mo narinig 'yang mga salitang 'yan lumabas mismo sa bibig ko?" seryoso at blangkong emosyong tanong sa kaniya ni Serena.
Napaisip siya. Inalala ang mga nakaraan. "Well... didn't you hate me?"
Nandilim ang mukha nito na kinalunok pa niya. "Oo, galit ako sa'yo pero noong hindi mo pa ako tinatrato na parang walang kakuwenta-kwentang asawa! Pero noong kinasal tayo, sinabi ko ba sa'yo 'yang mga salitang sinasabi mo sa'kin ngayon?"
"Pero sinabi sa 'kin ni Raquel lahat ng mga sinabi mong 'yon." paninindigan niya. Pain flashed in his eyes. "You... I just knew and felt your cold shoulder that I thought were my illusions."
"You're a stranger to me, Ezekiel, of course I'll be wary and will treat you like one." aniya. "Hindi ako magsisinungaling, oo, natural na aayaw ako sa kasal na hindi ko naman talaga gusto. Lalo na sa mga naririnig kong usap-usapan tungkol sa'yo---idagdag mo pa 'yung mga banta at pananakot ni Raquel sa 'kin. Isang maling galaw ko lang, magagawa mo na akong saktan."
"What?" nalukot ang mukha niya. "I would never hurt you! Bakit naman kita sasaktan? Just look at the sizes of our bodies. I could never lay a finger on you! Why would Raquel say something like that?"
"Yeah, why would she say something like that to you against me as well?" nakita niya ang pangaggalaiti nito. "Because I swore, I never hated you when I finally saw the man I was destined to be married with. I..." napaiwas siya ng paningin at bahagyang lumambot ang mga mata. "A-Ang alam ko lang... na-inlove na ako sa'yo nung nakita pa lang kitang nakatayo, naghihintay sa akin sa harapan ng altar."
His eyes widened. "W-What?"
BINABASA MO ANG
SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBAND
Romance"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master." Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na c...