KABANATA 13: Bullies in the Mansion

292 3 0
                                    

KABANATA 13: Bullies in the Mansion

“Sumunod ka sa ‘kin, ma'am SERENA.” pasiring anas sa ‘kin ni Panying.

Dumadagundong ang kaba sa aking dibdib kahit na wala akong pinapakitang emosyon sa aking mukha habang sinusundan ang likuran niya papasok sa loob ng mansyon.

Naglikot ang paningin ko sa paligid, at gano’n na lang ang pagsilip ng kakaibang pakiramdam sa aking puso.

Ang pamilyar na tanawin at amoy ng mansyon ay bumabalik sa akin. Halos walang nabago, ganoong-ganoon parin ang pagkakaayos ng lahat sa nakalipas na tatlong taon.

Hindi mabilang ang mga panahong nangungulila ako sa lugar na ‘to. Lalo pa nung mga panahong ubos na ubos na ‘ko.

“Wala pa ring pinagbago..." wala sa sariling naiusal ko.

Napagtanto ko lamang iyon nang may salubong na kilay akong nilingon ni Panying. Natikom ko ang bibig ko at nagbaba ng tingin.

“Tsk!”

Napaintag ako sa napapakiramdamang sama ng loob niya sa ‘kin. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad, at mabilis naman akong nakabuntot.

Ngayong nakikita ko siya ay saka ko lang napagtatanto kung gaano ko siya na-miss. May nag-uudyok sa ‘kin na yumakap sa kaniya nang sobrang higpit.

Si Panying ay nakasama ko nang tatlong taon sa mansyong ‘to. Ni minsan ay hindi niya ako binigo sa pag-aalaga sa akin. Para ko na rin siyang tinuturing na nanay, kahit pa ‘di siya ganap na babae.

Pero dahil sa nakita kong naging reaksyon niya nang una akong makita kanina ay may kung anong kumukurot sa puso ko. Para bang gano'n na lang kalaki ang galit niya sa akin, at bakas ang 'di pagkagusto sa pagbabalik ko.

Bigla ay gusto kong ipaliwanag sa kaniya ang lahat ng nangyari sa nakalipas na tatlong taon.

“Oh, ito ang magiging kwarto mo,” huminto siya sa isang kwarto na para sa mga katulong. “Linisin mo ang loob kung ayaw mong magkasakit. Maraming namamahay na mga daga at gagampa diyan, kaya linisin mong maigi.”

Tumango ako ng isang beses, hindi siya matingnan sa mga mata. Ramdam ko ang talim ng titig niya sa akin.

“Ba't ba bumalik ka pa? Anong eskema na naman ang binabalak mong gawin kay sir Heskel, ha!?” Unti-unti nang tumataas ang tono ng boses niya.

Nakuyom ko ang kamao ko. “H-Hindi ko alam ang sinasabi mo, Panying. Siya ang nagdala sa'kin dito… ‘di ko gustong sumama—”

“HA! Siguro iniwan ka na ng co-star mong si Brantley, ‘no? Kaya ka ngayon bumabalik?” pagputol niya sa tangka kong pagpapaliwanag.

Nabigla ako at natigilan, hindi nakatugon sa kaniya.

Kaagad na bumalangkas sa alaala ko ang ginawang pag-abandona sa akin ni Brantley na para bang basurang kay daling itapon sa sapa. 

Kahit anong pagmamakaawa at paghagulgol ko sa harapan niya ay walang puso niya lamang akong pinapanood. Ang pagluhod sa semento ng ilang beses ay sa kaniya ko lamang naranasan.

“‘Yun na nga ba ang sinasabi ko, eh!” nanginig ako sa malakas niyang pagsinghal na nagpabalik sa sistema ko. “Ano na lang ang pinagkaiba mo sa kaladkaring babae? Kung sinong pupulot sa'yo na mapera, doon ka na sasama?”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, saka awtomatiko sinalubong ang paningin niya. Bumigat at bumagal ang naging paghinga ko.

“P-Panying, hindi ako kaladkaring babae," halos mabulong ko lang ‘yon sa hangin dala ng panghihina ng kalooban.

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon