KABANATA 65

10 0 0
                                    




"Heto ah? Literal na nahulog ako sa kama nung bigla akong tinawagan ng bago nating makakasama ngayon sa interview with Mami Vic! Sa tagal-tagal ng panahon na nagpatong-patong na ang mga tampo ko sa kaniya—sa wakas! Sa wakas naisipan niya akong kumustuhan after three years! She is the star of CBN production and a veteran actress famous for her starring roles in many movies and teleseryes! Atin siyang salubungin ng isang masigabong palakpakan at hiyawan—Serena Laurel!!"

Suot-suot ang isang kumikinang na puting dress na aabot sa aking tuhod, maayos na pagkakakulot ng aking buhok, at simple ngunit malinis na kolorete sa mukha, may matamis na ngiti akong lumabas mula sa backstage ng studio.

Sumalubong sa akin ang malalakas na sigawan at palakpakan na siya naman talagang nakakabingi at masakit sa tainga. Subalit agad ko rin naman iyong kinatuwa. Iyon ang klase ng sigawan at palakpakan na matagal ko ring hindi narinig, aminado akong nakaka-miss ang pakiramdam na lumukob sa aking dibdib.

This feels nostalgic! Kumaway ako sa mga audience na naroon at nagsisipag-ingayan.

"Oh my god! Parang anghel na tumapak sa lupa ang kagandahan mo, Serenaaa!!" puno ng pananabik na yumakap sa akin si Mami Vic. Naroon sa boses niya ang gustong maiyak. "Huhu! Nakakainis ka! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa 'kin! Nag-transform ka pa---triple ang ginanda mong babae ka!"

Ganoon na lang kalawak at katamis ang ngiti ko na hindi ko kayang pigilan. Natawa ako sa kaniya at sinuklian ang nangungulila niyang yakap. "Sorry na, Mami Vic! I have no excuse for my actions! But I missed you so much as well. Thank you for welcoming me here to your show."

"Ano pa nga ba? Si Brantley nga hindi ko mahindian, ikaw pa kaya?" Humiwalay kami sa yakap. "Oh siya, maupo na tayo."

Naupo kami sa magkatapatan na mataas na upuan. May inabot sa aking mikropono ang isang staff na mabilis kong tinanggap.

Humupa naman ang mga ingay saka nagsimula akong tuunan ng pansin ni Mami Vic.

"Hindi ako nagbibiro, Serena, ah? 'Yung look mo ngayon, talagang nagbago at lalong gumanda, kumpara sa huli kong pagkakatanda sa itsura mo. Mas matured na ngayon, oo! Kung sa bagay, tatlong taon na rin. Nakakapanibago! Walang kakupas-kupas! Kahit gusto kitang etsapwerahin, 'di ko keri! Ang laki ng pinagbago mo."

"Naku, Mami Vic! Akong-ako parin 'to. Ang totoo niyan, ang usual look ko hindi naman talaga ganito. Pero dahil first time ko ulit ma-ere, talagang pinaghandaan ko na! Nung nakita ko sarili ko sa salamin, pati ako napasabi na, 'I still got it after three years'." hindi nawawala na ngiti kong tugon, hawak ang mikropono.

"Wow! So ang usual look talaga ng Serena Laurel ay mommy na mommy ang datingan?" nanukso siya agad. "Oy! 'Kala mo hindi ko malalaman mula kay Brantley, ah? Nauna na niyang inere kaya buong Pilipinas, alam na may anak na kayo! But still, para ka lang matured na dalaga."

Lumiit ang ngiti ko. "Well, Mami Vic, now that you mentioned it, faster than I thought, haha~. This is actually the main reason why I decided to do a hot seat interview with you, just to clear things up."

Kaagad na gumuhit ang pagtataka sa mukha niya. "Ibig-sabihin? Ano nga bang 'main reason' kung bakit sa tinagal-tagal na panahon ay ngayon mo lang naisipan akong bisitahin dito sa show?"

"Well, simula no'ng maere ang interview mo kay Brantley, talagang nakita ko rin kung paano 'yon kumalat sa social medias..."

"Yes, yes! Lahat ay excited sa revelation niyong dalawa! Lahat ay nag-aabang na para bang ginawa niyong real-life teleserye ang mga buhay niyo! Pero maiba ako---kasi just almost a couple of weeks later na nagcirculate ang relasyong meron kayo ni Brantley, bigla na lamang nag-boom sa social media ang videos and pictures mo together with a famous businessman and billionaire sa bansa! And don't get me wrong, ah? Hindi lang ang madla ang nagulat do'n, pati na rin ako! I knew from there that something wasn't right. Then, naalala ko, 'yung sinabi ni Brantley na hindi kayo magkaayos ngayon as a couple. Ano nga bang masasabi mo at side mo sa kwento, Serena? I'm dying to know everything! WE all are!"

Kahit na tumatawa siya ay nakikita ko ang tensyon at matinding kuryosidad niya. Si Mami Vic lang naman ang kakilala kong number one chismosa sa bansa, kaya hindi na ako magtataka kung bakit nag-proceed siya agad sa ganitong usapin pagtungtong na pagtungtong ko pa lamang sa entablado.

Ang interview na 'to ay live ngayon na napapalabas sa television. Kahit na sa loob-loob ko ay kinakabahan ako, ang katawan ko naman ang nagpaparamdam na sa akin ng confidence na para bang sanay na sanay na ito sa nangyayari ngayon.

Tinamisan ko ang ngiti ko. "Okay, wala nang paligoy-ligoy, dederetsuhin ko na kayong lahat. Brantley and I have never been married or had an intimate relationship before, rather than friends."

"OH!!" Sabay-sabay ang lahat ng tao sa studio na napasinghap ng hangin at matagal na hindi nakabawi.

Napanganga si Mami Vic na siya pang may mas epic na reaksyon sa sinabi ko, subalit mas pinipili niyang maging propesyunal na interviewer ngayon. "P-Pero... pero ano 'yung sinabi niya sa nakaraang interview sa 'kin? Hindi ba't may anak na rin kayo?"

"Oh, meron akong anak, siya wala." napangisi ako ng nakaloloko. "Hindi ko alam kung saan niya napulot ang istorya niya na kasal kami. Dahil bukod sa nakasulat sa papel na sa iba ako kasal, wala siyang ebidensya na nagsama kami sa nakalipas na mga taon. Nasa tama akong pangangalaga ng asawa ko ngayon, kasama ang anak namin. That is the reason why I needed to step up in public again just to state that I have nothing to do with Brantley's false statements."

Kahit na kalahati ng sinabi ko ay wala ring katotohanan, hinding-hindi ko aaminin sa publiko na nagsama kaming dalawa. The public should only know how delusional he was to even claim our marriage.

Malamang ay hindi siya ngayon makapagsasalita sa publiko dahil sa banta sa buhay niya. He should be hiding in Raquel's wings right now, dahil kung lumabas siya ay mismong si Ezekiel na ang makakaharap niya. He wouldn't like it if that happened.

"U-Um.. teka, sandali lang, kailangan ko munang uminom ng tubig dahil sa mainit-init na usapang 'to." Ani Mami Vic na kaagad inabutan ng bote ng tubig ng isang staff. Tinungga niya iyon dere-deretso.

Kung noon ay matatawa ang mga audience, ngayon ay tahimik dahil hindi parin sila makabawi sa gulat.

"So, ang sinasabi mo ay may iba kang kinakasama ngayon at hindi si Brantley Maxwell?" pagbabalik niya sa usapan nang maproseso iyon.

Tumango-tango ako. "Yes, Mami Vic. I actually brought my husband here. Kasi hindi niya rin ako papabayaan mag-isa rito. Nasa backstage siya ngayon, nanonood."

"Oh my god!" muli na naman siyang napasinghap ng hangin. "D-Don't tell me... please don't tell me na 'yang asawa mo na 'yan ay itong tao na madalas ng nalilink sa'yo. Dahil naalala ko, three years ago, meron na rin kayong naging issue, nung kumalat ang video na sinasabi niyang siya ang asawa mo! Recently, na-link na naman siya sa'yo."

Muling lumawak ang ngiti ko sa labi. "Yes, that is my husband. That man is no other than my husband, the love of my life."


SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon