KABANATA 38

15 0 0
                                    


How come... no one else is bringing about the fact that Ezekiel was cheating on me throughout our married life?

Napatingin ako sa kalangitan. Nagbabadyang umulan ilang segundo na lang.

Tahimik kong sinasabayan sa paglalakad si Ezekiel patungo sa parking lot ng cemetery kung nasaan nakaparada ang sasakyan kasama si kuya Pier.

"Hold my hand." utos niya habang nilalahad ang kamay niya sa akin.

Hindi ko siya binalingan, nawawalan din ng gana siyang tingnan. Ngunit sinunod ko parin ang gusto niyaang mangyari. Maluwag nga lang ang pagkakakapit ko sa kamay niya hindi tulad ng kanina. Napanatili lang iyon nang mahigpit niya iyong hawakan pabalik.

"What did mother tell you earlier before I came back?" he coldly asked.

"Wala naman..." mapait akong tumawa, ang paningin ay nasa kawalan. "Sinisisi lang naman niya ako sa pagkamatay ni Tito Ross."

"Tsk!" may sama ng loob siyang suminghal. "Don't let her words get through to you. She's talking nonsense."

"Kung gano'n... hindi ba 'yon totoo?"

"Of course not—"

"Hindi totoo na dahil sa kahahanap mo sa 'kin, nagpabaya ka ng husto? Sa puntong pinag-aalala mo si tito?" huminto ako sa paglalakad saka siya seryosong hinarap. "Sabihin mo, hindi ba 'yon totoo?"

Nilabanan ko ang malalamig niyang mga mata habang nakatingala sa tangkad niya, at siya nama'y bahagyang nakayuko ang ulo sa akin. Nang hindi siya tumugon ay mas lalo akong natawa.

"Eh, 'yung pati mga negosyo niyo na unti-unti raw nalulugi noon dahil pinabayaan mo rin? Hindi rin ba totoo na 'yung ama mo lang nag-asikaso sa pagsalba ng mga 'yon?"

Bumuka ang bibig niya subalit walang salita ang lumabas. Naikuyom ko ang dalawa kong kamao.

"No wonder tita is blaming me here..."

"It's not your fault—"

"Because it's yours!" putol kong bulweta sa kaniya saka binawi ang kamay ko. Umaangat-baba ng dibdib ko sa namumuong bugso ng damdamin. Tinaliman ko siya ng paningin. "Bakit ako ang kailangan nilang sisihin, ha? How come it's not you?? Kasi totoo naman eh! It's all on you!"

"Serena." may pangbabanta niyang tawag sa pangalan ko. "Whatever happened between and father, wala ka na ro'n. It's not your lane to think about his death."

"P-Pero kailangan bang sa akin parin ang sisi?" emosyonal kong tanong sa kaniya. "Sirang-sira na ang pangalan ko sa loob ng mansyon mo! Pero pagdating ba sa labas, dapat ako parin 'tong masama? Gano'n ba lalaki 'yung naging epekto ko nung iwanan kita? 'Wag mo namang sabihin na nag-end of the world na nung umalis ako para magkanda-letse-letse 'tong pamilya niyo! 'Wag niyo kong patawanin!"

Nagtiim-bagang siya, tumalim ang paraan ng pagkakatitig sa akin. Subalit hindi niya magawang tumugon, dahilan upang malaya kong masabi ang mga saloobin ko.

"Oo na, inaamin ko naman talagang tumakas ako sa puder mo para magsama kami ni Brantley! Pero binalik ko naman ang pera sa'yo na siyang puno't-dulo ng kasal natin, hindi ba? Binayaran ko naman ang utang na 'yon ni mama, hindi ba? Ezekiel, ang dapat mo na lang gawin ay mag-file ng annulment paper! Pero ano pa bang kagaguhan ang gusto mong mangyari at lahat kami dinadamay mo rito?"

Nahilot ko ang aking noo at hinid maiwasang mapatawa. "Napakadaling solusyon. Pero bakit kailangan mo pa akong hanapin? Bakit mo pa ba ako kailangang sundan? Bakit kailangan mo pa akong kunin sa black market at pahirapan ulit sa piling mo??"

SOLD TO THE ABANDONED BILLIONAIRE HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon